AVEL Tumama ka, tumama ka, please lang! Parang aatakihin ako sa puso ko sa tagal ng pangyayari. Mabilis ang pagbulusok ng pana sa hangin. Dare-daretso. Hindi gumegewang sa hangin. Tama nga si Kapitan Harlek. Pagdating sa accuracy, mas lamang ang mabigat at mataba-taba na pana. Dahil hindi ito basta-basta matatangay ng hangin. Kayang kaya nitong salagin ang hangin na sinasalubong. Tumama ito sa target board. Napasinghap ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Matutuwa, dahil kahit first time kong gumamit ng mabigat na pana eh tumama sa target board? O hindi ako matutuwa kasi hindi man lang ako dumikit kahit sa second base, malapit sa target? Napabuntong-hininga ako. Biglang sumigaw si Kapitan Harlek sa likod ko sa sobrang gulat ko. "Ano na, Avel? Ganyan na lang ba? Panghihinaan k

