AVEL Tama si Kapitan Harlek. Mas bumigat nga ang pana na ito. Mas mataba pa. Huminga ako nang malalim at tumango. Tutal, wala namang time limit, pwede kong tagalan at siguraduhin na mapapatama ko ang pana sa target board. Kinakabahan pa rin ako. Kasi kung hindi ko ito magagawa, bukod sa nakakahiya ay mas tatagal kami sa training. Tiyak, kinabukasan, ito nanaman ang gagawin namin. Ganoon naman si Kapitan Harlek. Hindi kami magmo-move-on sa ibang bagay hangga't di pa ako tapos sa training na ito. "Pwede ka nang magsimula, Avel," sambit sa akin ng Kapitan. Napalunok ako nang mariin at kinondisyon ko ang sarili ko. Dapat relax lang ako at hindi ako dapat masyadong kabahan. Isipin ko na lang dapat na matapos ko ito dahil para rin sa akin ito. Sinentro ko ang sarili ko sa gitna ng target bo

