Kabanata 25

1019 Words
AVEL Tagatak na ang pawis ko. Medyo kinakabahan na rin ako dahil baka nga hindi ako umabot sa takdang oras. Mukhang balisa na rin ang bata habang buhat-buhat ko sa pagtakbo. "Oh, bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko sa kanya. Napalunok nang matindi ang bata. "Eh, kasi kuya... malapit nang magtrenta minuto. Malapit na matapos ang palugit sayo. Ibaba mo na ako kuya, ako na lang maglalakad mag-isa. Pagpunta mo roon pwede ka namang manghingi ng tulong sa kanila para balikan ako," sagot nito. Umiling ako. Hindi ako papayag na iwan ito. Bata lang ito at mag-isa sa masukal na gubat. Baka mamaya, hindi lang pala iisang ahas ang naririto. "Hindi kita iiwan dito. Baka mapaano ka pa," "Pero kuya, dahil sa akin kaya bumabagal ang pagtakbo mo. Sige na po, ibaba mo na ako. Ayaw ko dahil sa akin kaya hindi mo maabot ang task mo," "Task lang 'yon. Hindi naman ibig sabihin na hindi ako successful sa task ko eh bobo na ako o mahina. Mas importante ang safety mo. Kung totoong labanan ito, mas importante na iniisip mo ang mga kasama mo, hindi ba?" Wala nang nasabi pa ang bata at napatitig na lang sa mukha ko. Namumutla na ang mukha nito sa kaba. Nakikita ko na ang mga guards sa dulo ng paningin ko. Alam ko malapit na ako sa katotohanan. Medyo bumagal nga ako ng kaunti dahil bitbit ko ang bata. Gayunpaman, gusto kong ibigay ang best ko. Kaunti na lang, Avel! Kaunti na lang! Sabi ko sa isip ko. Pangalay ng pangalay ang binti at braso ko. Hinihingal at pagod na talaga ako. Unti-unting lumilinaw sa paningin ko ang mga guards na naghihintay sa akin. Medyo nagkaroon ako ng pag-asa. Nakikita ko sa timer na may 30 seconds na lang akong natitira. Kumabog ang dibdib ko. Kaunti na lang ay maabot ko na ang task! Pero dahil pagod na rin ako at may bitbit pa ako, nakita ko ang pag-galaw ng oras at unti-unti ay nanghina ako. 10... 9... 8... 7... 6... Kaunting dipa na lamang. Halos talunin ko na ang bawat hakbang ko. 5... 4... 3... Kaunti na lang. Sobrang kaunti na lang! 2... 1... "Times up!" Malakas na sigaw ng pinakaleader ng guard. Napangiwi ako nang makitang halos tatlong hakbang na lamang ay maabot ko na sana ang finish line. Nanghihinang napaupo ako sa lupa kasama ang bata. "Hayy! Nakakapagod!" reklamo ko. Nagaalalang lumapit sa akin si Aerith. "Dear, anong nangyari?" Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagod ko at hingal. "Avel, kinalulungkot kong sabihin na hindi ka muling nagtagumpay sa training mong ito," seryosong sambit ng guard. Napabuga na lamang ako ng hangin. Pero di bale, training lang naman 'yon. Mas mahalaga sa akin na nailigtas ko ang bata. Mas hindi kakayanin ng kosensya ko kung iniwan ko ito sa gitna ng gubat. "Ayos ka lang ba? Heto ang tubig..." alalang-alala ang mukha ni Aerith at sinalo pa ang ulo ko at para akong batang pinapainom ng tubig. Uhaw na uhaw na talaga ako at ang gusto ko na lamang gawin ngayon ay ilatag ang likod ko sa malambot na kutson, mahanginan, uminom ng malamig na tubig at may magmamasahe sa akin. Para akong binugbog ng sikat na boksingero sa sakit ng katawan ko ngayon. Diyaske! Napapailing sa akin ang mga guard. Kahit naman hindi sabihin ng mga ito, ay nakikinita kong tila nadidisappoint ang mga ito sa training ko. Pero laking gulat ko nang tumayo ang batang kasama ko at kinausap ang mga guards. "Ha! Hindi nakapasa ngayon si Kuya? Hindi pwede! Dapat panalo siya," giit nito. Napatingin na lamang ang mga guard sa bata. Kahit si Aerith ay napatingin dito. "Unfair po kay Kuya kung hindi siya makakapasa dahil sa akin. Kung hindi niya po ako nakita at niligtas, maabot niya po ang time limit. Pero dahil tinulungan niya ako at binuhat pa pabalik, mas tumagal siya sa oras niya kaya hindi niya naabot ang trenta minuto. Alam ko pong alam niyo 'yan, dahil nakita niyo po 'yan dito," tinuro ng bata ang mata na lumilipad sa ere. Napasinghap si Aerith. Hindi makapaniwala sa narinig. "K-Kaya ba kasama mo siya, Avel?" Hindi ko alam ang sasabihin ko, ang bata ang sumagot para sa akin. "Opo, mahal na prinsesa. Tinulungan po ako ni kuya mula sa ahas. Sinabi ko na rin po sa kanya ng ilang beses na huwag na po akong isama pabalik at sabihin na lang po na sunduin ako ng mga guards dito. Pero ayaw niya. Nagaalala po siya para sa kalagayan ko. Kaya para po sa akin, hindi po fair kung dahil po sa akin ay matatalo siya. Sana bigyan pa po siya ng pagkakataon para manalo o ulitin na lang po kung talagang ayaw niyong tanggapin na pwede siyang manalo ngayon," mahabang sabi ng bata. Napasinghap ako. Bata ba talaga ito? Parang hindi bata ang nagsasalita eh. Ganito ba talaga ang mga Enchanted? Mga matured magisip at magsalita? Kumislap ang mga mata ni Aerith at tumango. "T-Tama siya. Sana bigyan niyo ng tyansa si Avel. O hindi kaya, huwag niyo siyang hirangin na talo. Paano matatalo ang tawag sa isang nilalang na mas piniling tumulong at iligtas ang kasamahan kaysa iwan ito para sa pansariling interest?" ani dalaga. Sumikdo ang dibdib ko at napatingin ako sa napakaganda niyang mukha. Napabuntong-hininga naman ang lahat. Hindi alam ang iisipin o gagawin. Nasa ganoon kaming senaryo nang biglang may nagsalita sa likuran ng mga guards. Bigla, ay nahawi ang daan. Nakita namin si Alcaster at Amoria na papunta sa amin. Maaliwalas at maganda ang mood ng mag-asawa. "Makinig kayong lahat. Alam namin ang buong pangyayari. Nanonood kami. Tama ang bata at ang anak ko. Hindi man naabot ni Avel ang finish line, pero mas pinili niyang tulungan ang isang estranghero na hindi niya kilala. Kung sa totoong digmaan na, mas pinili ni Avel ang pagkakaroon ng puso kahit may consequence pa 'yon. At dapat ganoon naman talaga, diba? Dapat may compassion tayo sa ating mga kasama. Sa ating kaharian. Kaya naman, nanalo si Avel sa training na ito," Nanglaki ang mata ko sa narinig ko kay Alcaster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD