Kabanata 26

1000 Words
AVEL Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Panalo ako? Talaga bang panalo ako? Kinunsidera ba talaga ni Alcaster na panalo ako? Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ng bata. Sobrang higpit na yakap. "Kuya! Pasado ka! Pasadoooo!" tuwang tuwa na sambit ng bata. Wala sa sariling napangiti na rin ako. Hindi ko akalain na mangyayari ito. Na ganito ang gagawin ng Reyna at Hari. Nakakaintinding tumango naman ang mga guards. "Avel, kinagagalak naming pumasa ka sa training na ito," pagkukumpira ng pinakamataas na ranggong guard. Nayakap ko tuloy ang bata nang wala sa oras. "Salamat! Maraming salamat sainyo!" Tawa ng tawa ang bata. "Bakit ka po nagpapasalamat? Ako nga po ang dapat magpasalamat sayo, kuya. Kasi kung wala ka, baka napaano na ako roon," Nangingiting ginulo ko ang buhok niya. "Hindi dapat iniiwan ang kakampi. Anuman ang mangyari tayo ay magkakapatid at walang iwanan," Naramdaman ko ang pagtapik ni Aerith sa likuran ko. "Congratulations, Avel. Napahanga mo ako. Kung hindi mo siya binalikan at naging selfish ka, sigurado akong naabot mo ang finish line ng tama sa oras. Pero hindi mo inintindi 'yon. Mas inuna mo pa rin ang kaligtasan niya. Napahanga mo ako ng sobra," nakangiting sambit ng magandang babae. I sheepishly smiled. "Bilib na kayo sa akin, 'no? Hindi lang ako ang lalaki sa propesiya, mabait na nga, magandang lalaki pa," hambog na pagkakasabi ko. Napahagikgik ang bata sa tabi ko. Namula naman ang dalawang pisngi ni Aerith at hindi makatingin sa akin. Natawa naman si Alcaster at Amoria sa sinabi ko. "Hindi ko akalain na may taglay kang kayabangan, Avel. Pero sabagay, hindi naman kayabangan ang tawag 'don." tumatango-tangong sambit nito. Napangiti si Amoria. "Hindi naman talaga kayabangan, dahil pawang katotohanan lamang ang mga sinabi ni Avel. Totoo namang magandang lalaki siya, at hindi lang 'yon, may ginintuang puso pa siya," Nagtawanan kaming lahat. Tumikhim naman ang mga guards sa likuran namin. "Avel... mga kamahalan, mauuna na po kami. Tapos na ang training para ngayong araw. Kinabukasan ay may panibagong training ulit. Parehas na oras at tagpuan," seryosong sambit ng mga ito. Tumango ako. "Makakaasa kayong darating ako sa tamang oras dito bukas," sagot ko. Sumaludo sa akin ang mga guards at sabay-sabay na naglakad ang mga ito palayo. "Kuya Avel, uuwi na rin po muna ako sa amin. Siguradong hinahanap na po ako ni inay eh. Bukas po, pwede po ba akong manood sa training mo?" tanong ng inosenteng bata. Hindi ko alam kung pwede siyang manood, kaya naman tumingin ako kay Aerith na tila hinihintay ang sagot niya. "Pwede ba siyang manood?" Tumango ang dalaga. "Pwede naman," Napatili ang bata sa saya. "Yes! Sige, kuya. Manonood ako bukas. Papanoorin kita. Gusto ko maging tulad mo. Tagapagligtas, mabait at gwapo," Napangisi ako. "Talaga ba? Salamat ha," kaunti na lang ay baka mahalikan ko na ito sa sobrang puri niya sa akin. Tumakbo na palayo ang bata. "Ba-bye, Kuya Avel! Bukas na lang ulit!" "Ba-bye! Mag-iingat ka!" habilin ko pa sa kanya bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Napatingin sa akin ang Reyna at Hari. "Mainit na sa balat ang araw, Avel. Tirik na tirik na. Mabuti pang bumalik na tayo sa Palasyo. Malapit na ring maghapunan. Para pagkatapos nating kumain ay makapagpahinga ka para sa training mo ulit bukas," maawtoridadong sambit ni Alcaster. Medyo kumakalam na nga ang sikmura ko. Gutom na ako. "Sige ho. Medyo gutom na nga rin ako," Nauna nang maglakad ang mag-asawa. Si Aerith ay katabi ko at tahimik kaming naglalakad patungo sa Palasyo. "Nakita ko lahat ang ginawa mo kanina, Avel," mahinang sabi ni Aerith. Napatingin ako sa dalaga. "Huh? Paano?" "'Yung mga matang nakasunod sayo ay nagsisilbing salamin sa akin at sa mga guards. Nakikita namin ang ginagawa mo. Nakita pa namin ang pagpapahinga mo ng saglit. Kaya naman kitang kita namin kung paano mo tinulungan 'yung bata. Natutuwa ako sa ginawa mo, Avel. Nagpapasalamat ako at ikaw ang lalaki sa propesiya. May malasakit sa kapwa. Asahan mong nasa likod mo lang kami at susuportahan ka namin sa lahat ng bagay. Hindi ka namin papabayaan," emosyonal na sabi nito. Napangiti na ako. "Alam ko 'yon, Aerith. Saka, isa pa, nakikita ko namang mabubuti ang mga tao rito sa Ereve. Kaya hindi ko maintindihan bakit may kalaban kayo na gustong wasakin ito at ang sanlibutan," Nalungkot ang mukha nito. "Sila ay mga ganid, Avel. Meron silang mga masasamang nakaraan at gusto nilang idamay ang lahat dahil sa karanasan na 'yon. Binabalot ang puso nila ng kakaibang pait at galit. Nakakalungkot lang na kung bakit pati ang mga inosenteng nilalang ay kailangan madamay sa kanila," Binabalot ang puso ng kakaibang pait at galit? "Ganoon? Bakit hindi natin sila subukan kausapin? Baka kaya silang paliwanagan. Sabi mo nga, puno sila ng galit. Malamang, merong mga bagay o pangyayari sa kanila na nangyari na mahirap kalimutan. At ang kailangan lamang sila paliwanagan at ilagay sa tamang landas. Ako kasi, personally, hindi ako naniniwala na may pinanganak na masama. Oo, may nilalang na masama. Given na 'yun. Pero ang ibig ko sabihin, ang isang nilalang, hindi naman agad masama 'yon diba? Wala namang sanggol na masama agad ang budhi," sabi ko. Napasinghap siya at napatingin sa akin. "May point, diba? Ang sanggol ba pagkapanganak, masama agad? Hindi. Lahat ay pinanganak ng mabuti. Nagkakatalo lamang dahil sa mga karanasan sa buhay at mga sirkumtansya na hindi pabor sa kanila. Mga masasakit na pangyayari o impluwensiya ng ibang masama na. Pwede ring dahil sa sakim na intensyon o inggit. Maraming dahilan. But I believe that man's nature is good. Kaya siguro, may ibang nilalang na may tyansa pa para magbago. At naniniwala ako roon," Tulalang napatitig lang sa mukha ko si Aerith. "Kaya ako? Hangga't maari ayaw ko nang may dugong dadanak. Ayaw kong mapuno ang lupa ng mga patay na katawan. Ayaw kong ang asul na dagat ay maging pula. Hangga't maari at kaya ko, hindi ako gagamit ng dahas at pakikipaglaban. Susubukan kong ayusin ang lahat sa diplomansyang paraan para sa kinabukasan,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD