Kabanata 28

1005 Words
AVEL Sa kabilang dako ng palasyo, hindi naman mapakaniwala ang mag-asawang Alcaster at Amoria sa nakikita. Hindi sinasadyang papunta sana ang mag-asawa sa terrace ngunit nakita nila ang anak na minamasahe nito si Avel. "Hindi ko aakalain na magiging close sila. Kilala mo ang anak mo. Napakamahiyain at sobrang kakaunti lamang ang nakakausap at kaibigan," sabi ni Amoria. Mabait at magalang na bata si Aerith. Ngunit nuknukan ng pagkamahiyain. Kaya naman takang-taka ang magulang nito nang makitang close ito kay Avel. Walang sinuman na pinagsilbihan ang anak. "Ayaw mo 'nun? Ibig sabihin natututo nang makihalubilo ang anak natin," "S'yempre, gusto ko 'yun at natutuwa ako. Sino bang hindi? Pero medyo nagaalala rin ako..." sabi ni Amoria. Napatingin dito ang asawang si Alcaster. "Nagalala ka? Bakit? Saan?" "Hindi naman natin makakaila na magandang lalaki si Avel. At kakaiba ang kanyang dating at karisma. Idagdag pa na siya ang lalaki sa propesiya, ang magiging tagapagligtas," Napakunot-noo ang hari. "Hindi kita masyadong maintindihan, Amoria... ipaliwanag mo nga sa akin," Napabuntong-hininga si Amoria. "Sa madaling salita, maaring mahulog at umibig ang ating anak kay Avel. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya? Sigurado akong ang mga kadalagahan dito ay nais magpakilala sa kanya at makausap siya. Kahit kailan ay hindi naging malapit ang ating anak kahit kanino. Tapos... makikita natin na minamasahe niya si Avel?" Umakbay si Alcaster sa asawa. "Ano naman kung magkagustuhan sila? Huwag mong sabihin magiging kontrabida ka sa kanila?" Nanglaki ang mga mata ni Amoria. "Hindi, Alcaster. Alam mong hindi ako ganoon," "Kung gayon, ano ang kinababahala mo? Nasa tamang edad naman ang dalawa. Hayaan natin sila sa kung ano ang mga nararamdaman nila," Umiling si Amoria. "Ayaw ko lang na masaktan si Aerith. Anak natin siya. Mahal na mahal ko. Oo, alam kong mabuting tao si Avel. Pero masasaktan ang ating anak. Sigurado akong kapag nanalo tayo sa digmaan, babalik at babalik na rin si Avel sa mundo ng mga tao. Impossibleng hindi. May pamilya siya roon. Naroroon ang buhay niya," Napailing si Alcaster. "Masyado kang nagiisip ng malalim, Amoria. Hindi naman tayo sigurado roon. Paano kung ayaw na ni Avel bumalik sa mundo niya? Paano kung dito na niya gustong manirahan? Hindi impossible 'yon," "Sabihin nating ganoon na nga. Mahal na niya ang Ereve at si Aerith, pero alam mo, may mga bagay na hindi kayang pigilan. Tulad ng guhit ng palad. Ang nakatakdang mangyari. Kahit sabihin nating gusto ni Avel na manirahan dito, paano natin pipigilan ang hinaharap? Paano kung ang mismo ang panahon ang magpabalik kay Avel sa mundo ng tao? Baka nakakalimutan mo, ang misyon niya lang dito ay para iligtas ang sanlibutan," Napabuntong-hininga si Alcaster. Parang bigla ay nagkaproblema siya. Hinigit nito ang bewang ng asawa at kinintalan ng magaang halik sa labi. "Masyado kang maraming iniisip, Amoria. Masyado malawak ang imahinasyon mo. Pwede namang hindi nila gusto ang isa't-isa sa romantikong paraan. Bawal na ba magusap at maging magkaibigan ang lalaki at babae ngayon?" natatawang sambit ng Hari. Napahinga si Amoria. "Hindi naman sa ganoon... nagalala lang talaga ako sa ating anak," "Puwes, ako na mismo ang nagsasabi sayo na huwag kang mag-isip agad ng kung anu-ano. I-relax mo ang kaisipan mo. Sa ngayon, ang dapat lang nating isipin ay kung paano matutulungan si Avel na maging malakas pa. Iyon man lang ang maging ambag natin sa kanya. Kaya huwag ka na masyado mag-isip, okay?" Wala na ngang nagawa si Amoria kundi ang tumango. Samantala, naalipungatan si Avel sa himbing ng kanyang pagtulog. Nang matandaan ko ang huling senaryo ay hindi ko maiwasan hindi mapatayo mula sa pagkakahiga. Nakita ko si Aerith na nasa isang kahoy na upuan at nakangiting nakatingin lang sa akin. "A-Aerith! Anong nangyari? Bakit ako nakatulog?" hiyang hiya na tanong ko. Napabungisngis ito. "Ayaw kong gisingin ka. Ang sarap ng tulog mo eh," sagot nito. Namula ang dalawang pisngi ko at tuluyan na akong bumangon. Natatandaan kong minasahe niya ako. Sobrang sakit kasi ng katawan ko. Teka... sandali. Minasahe ako ng isang prinsesa! Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa narinig ko. Bigla ay nakaramdam ng hiya. "H-Hindi ko alam kung bakit ako nagpamasahe sayo, Aerith. Nakakahiya na ang isang prinsesa na katulad mo ay pinagsisilbihan ako..." Ikiniling nito ang ulo. "Ayaw kong tinatrato akong iba, Avel. Gusto ko, katulad ng iba, normal lang din ako. Titulo lang naman ang pagiging prinsesa. Tulad ng iba, tulad mo, wala namang ibang espesyal sa akin..." Napangiti ako sa sinabi niya. Napakadown-to-earth at humble talaga ng babaeng ito. "Kamusta nga pala ang pakiramdam mo?" tukoy nito sa pagmamasahe sa akin. Napangiti ako at inikot ikot ko pa ang balikat ko. "Ayos na ayos. Ang gaan ng pakiramdam ko. Parang bagong silang ako ulit. Ang galing mo magmasahe, Aerith." totoong nabibilib na sabi ko. Namula ang dalawang pisngi nito. "Madalas ko kasi masahiin ang ama. Dahil lagi itong pagod sa digmaan at responsibilidad. Kaya siguro ganoon..." kiming sagot nito. Napangiti na lang ako. "Salamat sa pagmasahe, Aerith. For sure, bukas ang dami kong lakas nito at kayang kaya ko na ang ipapagawa sa aking task," proud na sambit ko. Pumalakpak ito sa pinakacute na paraan. "Manonood ulit ako sayo bukas ha, Avel?" Natawa ako at sinuot ko na ang tshirt ko. Napaiwas pa ito ng tingin. Napakainosente talaga ni Aerith. "Hmm. Sige ba. Sana naman magawa ko na nang tama ang training ko bukas, nakakahiyang matalo tapos nanonood ang prinsesa," "Wala kang dapat ikahiya, Avel. Lahat ay nagsisimula sa mahina at pagkakamali. Darating ang panahon na magiging napakalakas mo rin. Bakit hindi, ikaw ang lalaki sa propesiya," ani Aerith. Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob. Masarap sa pakiramdam na parang ang laki ng tiwala nito sa akin. "Ikaw, bahala ka. Kung wala ka namang gagawin bukas, bakit hindi?" Nangislap ang mga mata ni Aerith. "Wala, Avel. Wala naman ako masyadong gagawin. Medyo boring ang buhay ko, pero hindi naman ako nagrereklamo. Sasama ako bukas ha? Manonood ako mg training mo," tila batang nakawala sa kural na sabi nito. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti at tumango. "Oo ba,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD