Kabanata 29

1010 Words
AVEL Awtomatikong nagmulat ang mga mata ko nang makita ko ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Noon pa man sa mundo ng mga tao ay hindi na talaga ako morning person. Pero hindi ko ba alam, pero pagdating dito ay talagang nagigising ako. Para bang may bumubulong sa akin na kailangan kong magising. Ang mga tao pa naman rito sa Ereve ay halatang maagang nagigising. Bumangon na ako at naghilamos. Nagpalit ng damit. Bumaba ako at tamang-tama, pagdating ko sa komedor ay gising na ang pamilyang Ginemoux. Napasinghap si Amoria. "Good morning! Ang aga mo namang magising Avel. Anong meron?" nakangiting sabi ng ginang. . Napakamot ako sa ulo ko. "Good morning din ho sainyong lahat. Medyo nasanay na lang po ako dahil sa araw-araw na pag gising ko rito," Ngumiti ang mga ito. "Sabagay. Halika, tamang-tama. Luto na ang ibang almusal. Umupo ka na rito sa hapag-kainan," Ganoon pa rin ang pwesto namin. Ang Hari at Reyna ay sa magkabilang dulo ng mesa. Si Aerith ay nasa tabi ng Hari at katapat ko. "Alam mo na ba kung ano ang magiging training mo ngayon, Avel?" tanong sa akin ni Alcaster. "Hindi ko ho alam, wala naman ho silang sinasabi sa akin eh," sagot ko. "Malalaman mo rin mamaya," Ilang saglit pa'y dumating na nga ang pagkain namin. Amoy pa lang masarap na kaya medyo ginanahan ako kumain. May malamig pa na gatas na itsura pa lang ay nakakatakam na. Nagdasal muna ang mga ito. Hindi ko na magawang tanungin kung sino ang kanilang Diyos sa mundo ng mga Enchanted. Ayaw ko naman magtanong ng ganoon, baka ma-offend sila. Kaya naman tahimik na lang din ako nanalangin ng taimtim. Pagkatapos nila ay maganda kaming kumain. "Naririnig ko sa mga kawal na maganda ang magiging training mo ngayon, Avel." aniya ulit ni Alcaster. Napangiwi ako. "Sana nga ho eh makaya ko," "Sus! Tiyak na makakaya mo 'yon. Impossibleng hindi. Lahat naman ay nagsisimula sa umpisa eh. Lahat ay nagsisimula na hindi alam ang gagawin." Marami pa kaming mga pinagusapan na bagay bago kami tuluyan natapos sa almusal. Sinenyasan ako ni Aerith na pupunta na kami sa training ground. Nagpaalam na ako sa magulang niya. Habang naglalakad ay biglang nagsalita ang dalaga. "Good luck sa training mo ngayon, Avel. Do your best," Ang nakakasilaw at nakakatunaw na mga ngiting 'tyon ni Aerith ay nagbigay buhay sa akin. Wala sa sariling napatango ako. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Maraming salamat, Aerith," Masyadong mahinhin para sa akin si Aerith. Para itong makalumang filipina. Dalagang pilipina nga kung ito ay kumilos sa madaling salita. Nakita ko na ang mga guards na naghihintay sa amin. "Naririyan na sila. Uupo na ako roon. Good luck," turo nito sa mga bench doon. "Salamat, Aerith." Lumapit na ako sa mga guard. "Ano ang training natin ngayon?" Tinignan ako ng lalaking sa paningin ko ay parang supervisor ng mga guards. "Bago tayo magsimula sa training mo, kailangan mo muna ng warm up. Araw araw nating gagawin ito para maprepara ang sarili mo. Kailangan ma-istrech ang mga kasu-kasuan mo. At masanay ang katawan mo sa ganitong ehersisyo. Para maging flexible ka. Gayahin mo kami," Umupo ang mga guard sa harap ko. Nakaharap din ako sa kanila. Tahimik na nagindian sit ang mga ito at parang nagmemeditate. "Kailangan mong punuin ng hangin ang dibdib mo at unti-unti mong ilabas..." sinunod ko. Sabay-sabay pa kaming bumuga ng hininga. Pagkatapos, anu-ano pa ang mga pinapagawa sa akin. Tulad ng push-up, pagtakbo ng ilang lapse, mag jumping rope at mag sit-up. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ito pero wala naman akong magawa kundi sundin ang mga ito. Nang tapos na yata ang mga ito parusahan ako ay hinayaan ako ng mga ito na magpahinga saglit. Tagatak na ang pawis ko. Hindi makakaila 'yon. Hinihingal na rin ako ng matindi. Nang humupa ang pakiramdam ko ay may kinuha ang pinakaleader ng guard at maya-maya pa'y bumalik at ipinakita ito sa akin. "Buksan mo, Avel." utos niya sa akin. Tinanggap ko ang mahabang bagay na binigay niya at binuksan. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ang isang mahaba at napakatulis na espada. Ang literal na halimbawa nito ay ang mga espada na ginagamit ng mga samurai. Ganoon. Halos pwede akong manalamin sa sobrang kinis. Napakatalim din nito at natitiyak kong isang maling hakbang lang ay mahihiwa at masusugatan ka n'yon. Nagtataka akong napatingin sa mga ito. "Ano ang gagawin ko rito?" tanong ko. "Iyan ang magiging training natin ngayon at sa mga susunod na araw, Avel. Kailangan mong matutunan gumamit n'yan at ng iba pang armas," Natigilan ako. "P-Pero... wala akong kaalam alam kung paano gamitin ito. Idagdag pa na hindi naman ako athletic na tao..." "Hindi mo kailangan maging athletic Avel, para matutunan ito. Kapag na-master mo na ang pag-gamit nito, saka tayo pupunta sa ibang armas," Napasinghap ako. "Ano! Kung gagawin natin 'yon, taon na pero hindi ko pa natutunan gamitin ito. 'Yung mga ibang samurai nga bago namaster ang ganitong field dekada ang inaabot, tapos ako gusto mo matutunan ko agad agad?" Hindi ko mapigilan hindi maging sarkastiko. Nakita kong napahagikgik si Aerith sa inuupuan nito. Natawa rin ang ibang mga guard. Pero napakahirap bilhin ng ngiti ng pinakaleader ng guard na ito. "Avel, hindi mo naman kailangan maging master katulad nila. Ang sinasabi mong dekada nang inaaral ang espada, forte talaga nila 'yon at sila ang tinatawag na mga legendary o master. Hindi mo kailangan maging ganoon. Kailangan mo lang matutunan. Mga simple at basic na kaalaman sa pag-gamit ng espada. Para lamang alam mo lahat kung paano gamitin ang iba't-ibang armas. Hindi mo kailangan maging propesyunal," sagot nito na walang kangiti-ngiti. Napangiwi ako. "T-Tingin mo ba... makakaya kong matutunan ito?" "Siguradong makakaya mo. Ikaw ang lalaki sa propesiya, Avel. Ibig sabihin may naiiba kang taglay na wala sa iba. Bukod pa roon, kami nga na mga simpleng kawal lamang ng Ereve ay natutunan paano gumamit ng espada. Paano ka pa? Sigurado kaming kaya mo," Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD