Kabanata 30

1004 Words
AVEL "At isa pa, hindi espada ang tawag dito, Avel. Katana. Maituturing na isang art ang pagkakaroon ng kaalaman pagdating dito, Avel. Hindi lang siya sport o pang karahasan. At ang mga samurai, hindi nila layunin na dumanak ang dugo sa kanilang espada. Ang layunin nila ay mapanatili ang kapayapaan ng kanilang nasasakupan. Iyon din ang itanim mo sa isipan mo. Tinuturuan ka namin ngayon ng basic na kaalaman pagdating sa katana dahil naniniwala kaming hindi mo gagamitin ito sa kasamaan. Bagkus sa tamang desisyon," sabi sa akin ng guard. Nakikinnig ako sa sinasabi niya. Itatanim ko sa isip ko ang mga salitang naririnig ko sa kanila. "Ngunit, hindi lahat ng may kaalaman sa katana ay ganoon. Ang iba ay ginagamit ito sa kasamaan. Ang iba ay gustong gustong nakikita ang dugong dumadanak sa kanilang katana. Para sa kanila, ang dugo na iyon ang mas nagpapatalas sa talim ng kanilang katana. May ibang ang paniniwala na kailangan kumain ang katana nila," "Kumain?" takang tanong ko. "Sa madaling salita, ang buhay ng tao, ang paghiwa ng katana sa katawan ng kalaban. Iyon ang pagkain ng kanilang katana. Merong iba na binibigyan ng pangalan ang kanilang armas," dagdag pa nito. "But that's ridiculous!" "Ang ano?" "Ang paniniwalang kailangan kumain ng katana nila at sa pamamagitan iyon ng pagpatay. Wala akong nakikitang mali sa pagpangalan, dahil sa iba ay tiyak na possession nila ito kung tinatawag." sabi ko. "Tama ka, Avel. Parehas tayo ng iniisip. Isang malaking kalokohan din sa akin ang paniniwalang 'yon. Marunong akong rumespeto ng paniniwala ng iba. Pero ang ganoong paniniwala ay hindi dapat respetuhin. Dito sa Ereve, ang kapangyarihan namin ay ginagamit namin sa tama. Ginagamit namin sa pang araw-araw na pamumuhay. Hindi sa kasamaan," Alam ko 'yon. Nakikita ko naman iyon sa kanila. Mabubuti ang mga nilalang dito sa Ereve at palagay ang loob ko sa kanila. "Ngayong may kaunting background ka na sa katana, alam kong sapat na ito para hubugin ka at ituro sayo ang mga dapat mong malaman," tumingin ito sa akin. Minuwestra nito ang katana sa ere. "Ang pag gamit ng katana ay matatawag na short-range. Kailangan mong lumapit sa kalaban para atakihin ito. Medyo hindi bagay ito sa mga matarantahin, mahina ang loob at nerbiyoso. Kaya naman kami, ang pinipili naming gumamit ng katana ay 'yung mga matatapang," "Dapat din na maliksi ka. Flexible. Kahit sabihin mo na malakas ang bawat atake mo, kung hindi ka maliksi at smooth gumalaw, kapag ikaw naman ang inatake ng kalaban ay ikaw ang madedehado. Kaya dapat marunong kang umiwas. Dapat alam mo kailan ka susugod at hindi lalaban. Malakas ang mga gumagamit ng katana, kailangan lang ng liksi ng kilos. Naiintindihan mo na, Avel?" tanong niya sa akin. Tumango ako. "Oo, naiintindihan ko. So, hindi lang ang tamang pag-atake ang dapat kong matutunan. Kailangan ko ring makailag ng mabilis. Tama. Short-range ang paggamit ng katana kaya naman tiyak na mabilis ka maaabot ng kalaban," Napangiti ang mga guard. "Mabilis kang makaintindi, Avel. Ngayon hayaan mo kaming ipakita kung paano gamitin ng tama ang katana. Pagkatapos nito ay subukan mo naman," Akala ko tinutukoy nito ay ipapakita niya sa akin kung paano niya gagamitin 'yon. Pero napasinghap ako nang makita tinawag niya ang isang guard. Bigla silang naglaban, gamitin ang katana nila. Gusto kong mapanganga dahil sa galing nila. Para silang mga professional kung gumamit ng katana. Pwede sila magaling at walang tulak-kabigin. Pero alam kong mas higit na malakas ang leader ng mga kawal. Kung hindi, hindi naman ito ang gagawin ni Alcaster na tagapagmuno ng mga kawal kung hindi ito malakas at magaling. Pero gusto ko ring mabilib sa isa. Magaling din itong humawak ng armas. Ilang minuto na ang lumipas at nanatiling mainit ang labanan nila. Parang walang gusto bumigay at magpatalo. Tutok na tutok ang mga mata ko sa ginagawa nila. Sa bilis nila kumilos, halos hindi na sila masundan ng mata ko. Para silang sumasayaw sa hangin. Hindi ko tuloy napansin na halos laglag na ang panga ko. Napakagaling ng mga ito. Tira rito, tira roon. Pero wala pang tumatama sa kanilang mga katawan. Laging nasasalag ng bawat isa sakanila ang mga atake nila. "Grabe... ang galing..." anas ko. Nagkomento ang isa sa mga kawal na nanonood. "Normal na lamang sa amin ito, Avel. Ang iba nga sa amin ay ginagawang hobby ito. Para may pagkaabalahan. Kaya naman naging ganito kami, marunong. Natitiyak kong paglipas ng araw ay matututunan mo rin ang pag-gamit ng katana. Hindi mo ito matututunan sa loob ng isang araw. Kailangan mo ng praktis at tibay ng loob dito," Ang naririnig ko na lamang ay ang mga ingay na nagagawa ng mga ito habang nakikipagbaka sa isa't-isa. Halos lumilipad na sila sa ere at kapwa pawisan. "Bakit hindi pa sila matapos tapos?" nagtatakang tanong ko. "Kasi wala pang sumusuko sa kanila. Maituturing lamang na talo ang isang partido kung ito ay hindi na kayang lumaban o duguan na. O kung sumuko na," "Eh nagde-demo lang naman sila sa akin, ah? Bakit hindi pa sila natatapos?" "Para ipakita sayo na may isang salita ang mga gumagamit ng katana. May paninindigan sila. At wala silang pakialam kahit ikamatay pa nila ito. Masasabi lang na talo kung ito ay wala nang kakayahan o sumuko na ang isa..." Para silang nagsasayaw sa ere. Tanging kalansing ng katana lamang ang maririnig ko at mga ingay na nagmumula sa kanilang mga bibig. "Kapag tinamaan ka n'yang katana, mamamatay ka na ba agad?" inosente kong tanong. "Depende sa talim ng katana at depende sa intensyon ng pag-atake. S'yempre, kung malakas at talagang may intensyon na pumatay, walang dudang nakakamatay ito lalo na't kung itatapat mo ito sa parte na alam mong ikamamatay ng nilalang na 'yon. Pwede namang sugatan mo lang, para hindi makagalaw. Iba't-ibang klase, Avel." Akala ko kasi kapag tinamaan ka ng katana eh siguradong patay na agad. Sa tulis at talim pa lang ng katana nakakatakot na. Feeling ko kaya nitong tapyasin ang isang braso ko. "Ayan, tapos na sila," napatingin ako sa dalawang naglalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD