Kabanata 31

1493 Words
AVEL Lahat ay nakatitig na sa akin. Alam kong inaasahan nila na ako ang susunod na makikipaglaban. Pero siguradong training pa lang naman ang gagawin sa akin. Ni hindi ko nga alam kung paano humawak ng katana eh. Sinalubong ko ang dalawang nag demo. "Ang galing niyo. Napabilib niyo ako. Para lang kayong sumasayaw sa ere," nakangiting sabi ko. Natawa ang isang kawal. "Tiyak na matututunan mo rin 'yun, Avel. At hihigitan mo pa kami," kumpiyansang sabi nito sa akin. Kahit papaano ay lumakas ang loob ko. Masarap sa pakiramdam na may naniniwala sayo na kaya mo. Kahit sa sarili ko ay hindi ko alam kung magagawa ko ba ito. Wala sa sariling napatingin ako kay Aerith. Ngumiti siya sa akin at kumaway. Alam kong pinapalakas niya rin ang loob ko. Lumapit sa akin ang pinakaleader ng mga kawal. "Huwag ka masyadong magalala, Avel. Hindi ka naman isasabak sa laban o demo. Napakabasic lang ng ituturo namin saiyo ngayon," "O-Okay," Ibinigay nila sa akin ang katana. Nagulat pa ako nang malaman na medyo mabigat din pala 'yon. Sabagay, tunay na materyales ang ginamit doon. Hindi puchi puchi na nabibili lang sa mga bangketa sa mundo ng tao. "Una, kailangan mong magrelaks. Ang mga katana user ay hindi lakas ng paghiwa o pagwigkas ng katana ang labanan. Ang laban ay liksi kumilos at bilis ng mata. Isipin mo, kung marami kang kalaban na nakapalibot sayo, malakas ka nga, tipong isang taga mo pa lang, hiwalay ang katawan, pero ang bagal mo naman kumilos at ang bagal ng pag-galaw ng mata mo. Edi wala rin. Ang bagal bagal mo naman. Edi napatay ka rin ng kalaban diba. Kaya karamihan ng mga katana user ay may normal na pangangatawan. Hindi sobrang payat at hindi rin naman sobrang malusog," Napangiwi ako. "Ganon? Parang may body shaming pala r'yan sa katana. Namimili ng body type." komento ko. "Hindi body-shaming 'yun at walang sinuman na maiisip 'yun. Isa pa, may mga field naman sila na kung saan sila ang kailangan. Katulad na lamang sa depensa. S'yempre, kakailanganin ng malusog na pangangatawan at matangkad, para mabigyan ng proteksyon 'yung po-proteksyunan nito. Ganoon lamang kasimple 'yun, Avel," Kahit papaano ay may natutunan naman ako rito. "Sabagay, may punto ka. Magsisimula na ba tayo?" "Ganito ang tamang paghawak ng katana, Avel..." Iminuwestra nito ang sarili. Sinunod ko naman siya. "Ngayon, tignan ko naman kung papaano mo bubunutin ang katana mo. Sige, gawin mo sa paraan mo. Magiingat ka na lamang," Dahan dahan kong nilabas ang katana sa takot na mahina ako ng talim nito. Sinukbit nito sa gilid ko ang katana. Sobrang haba at ang talim. Kaya naman ingat na ingat ako dahil pakiramdam ko ay masusugatan ako. Umiling ito. "Mali na kaagad. Nakabend ang siko mo. Ang tendency nito, pwede kang mahiwa o masaktan o madisgrasya kasi limitado lang ang galaw ng braso mo dahil nakabend. Subukan mo itong gagawin ko," Kinuha nito ang katana sa gilid nito pero nakadaretso ang kanang kamay sa panghugot. Hindi nakausli o nakabend. "Sige, gayahin mo, Avel." yakag nito sa akin. Ginaya ko kung ano ang ginawa niya kaya nagulat ako nang makita kong mas mabilis nga ang naging pagdukot ko sa katana at mas less prone sa aksidente dahil hindi nito maabot ang balat o braso ko. "Mas madali nga," natutuwang sambit ko. "Di ba? O, sige ngayon naman subukan mo kung paano ibabalik sa case niya ang katana. Ipagpalagay natin tapos ka nang makipaglaban. Sinubukan kong ilagay sa case, kaso medyo nahirapan din ako dahil sobrang haba at maling shoot ko lang sa lagayan ay pwede akong madisgrasya. Bakit naman kasi napakatulis ng katana na ito. "Mali ka ulit kasi binibend mo ulit ang kanang braso mo habang sinusuksok mo siya sa lagayan. Ibig sabihin, limitado lamang ang galaw. Pero heto, subukan mong gawin. I-straight mo lang ang braso mo ang o 'yang kanan, basta kung saan ka dominante, huwag mong i-be-bend ang braso mo habang sinusuksok. That way, iwas aksidente. Sige, ikaw nga. Subukan mo ulit ang ginawa ko," Kahit papaano naman ay nalilibang ako. Natandaan ko naman kung paano niya ginawa 'yon. At nang subukan ko ay napakabilis ko ngang naipasok 'yun sa case. "See? Ganun lang kabilis." "Sige, ang susunod naman na gawin natin ay ang tamang paghawak sa katana. Sabihin nating may kalaban ka. Paano kung lusubin ka ng marami, tapos mag-isa ka lang. Paano madagdagan ang tyansa mo na manalo ka? May factor din ang tama g paghawak sa katana," "Dapat naka-tilt 'yung katana sa kamay mo. At naka hand-shake grip ka. Don't do the wrist over extended. Ipapakita ko sayo kung paano," Iminuwestra niya sa akin. Napangiwi ako. Ang dami pa lang dapat iisipin dito. Akala ko kasi pwede na 'yung ano lang ang gusto momg hawak sa katana. May tamang pag-gamit pala nito. Ginaya ko 'yun at kahit papano ay nagawa ko naman. Medyo natuwa sa akin kahit papaano ang guard dahil mabilis akong makagets. Sa madaling salita, hindi naman ako lutang. "Meron pa akong ibang kailangan ipaalala. Ang mga dapat at hindi dapat gawin sa katana. Makinig kang mabuti dahil magkakaroon ka ng written exam at kailangan mong masagot 'yon. Kapag bumagsak ka, hindi ko lang alam kung anong ipaparusa sayo," Napangiwi ako. Sa university, hindi na matapos tapos ang exam, pati ba naman dito sa mundo ng Ereve? Pinaupo nila ako sa damuhan aba may nagmumuwestra sa harap ko at nagsasalita. "Ang tawag sa case na kung saan nilalagay ang katana ay scabbard. Kapag hindi ito ginagamit, nirerekomenda na alisin ito sa scabbard. Dahil kapag ang mga espada ay naka-imbak sa scabbard sa loob ng mahabang panahon, medyo nagmo-moist ito at nagkakaroon ng kalawang, nagiging mapurol o pwede ring maagbas. Ito ay dahil ang leather ay sumisipsip ng moisture mula sa hangin, na umaabot naman sa talim ng katana," esplika nito. Ah, scabbard pala ang tawag doon. Akala ko case lang. "Pangalawa, alam kong obvious na ito, pero kung pagdating ng panahon na ikaw naman ang magtuturo ay magagamit mo ito. Huwag mong hahawakan ang talim ng iyong katana, gamit ang daliri mo kung anumang parte ng katawan ko. Bagama't hindi ito magdudulot ng anumang agarang pinsala, pero maaring may kalawang 'yon at matetano ka. Ang natural na langis at pawis ng daliri mo ay tiyak na lilipat sa talim ang napapanahon pwede itong mangalawang," Nakikinig lamang ako sa kanya. "Kung gusto mo talagang ingatan ang iyong katana ay may paraan. At ito ay ang paglagay ng la gis blade. Kung paanong pinoprotektahan ng wax ang kotse mula sa moisture damage, ganoon din ang langis sa katana. Iisa lamang ang langis namin dito dahil hindi naman ito produkto, bagkus ay libre sa lahat," Patuloy lang siya sa pagsasalita. "May mga ilan na ang turing sa katana nila ay isang mahalagang gamit, o kaya koleksyon, bigay ng importanteng tao. Nakakatawa man, pero mas makakabuti kung hindi natin kakausapi. ang ating katana. Dahil pwedeng tumulo ang laway at bumaba sa katana. Napangiwi ako. Diyos ko. Pati ba naman 'yon? Nakakahiya! " Pero hindi lamang doon nagtatapos. Kailangan din nating tandaan ang iba. Tulad ng paglagay ng langis sa ilalim ng katana at kung saan ang hawakan nito na kahoy. Ang kahoy ay lubos na buhaghag at maaaring sumisipsip o maglalabas ng moisture, depende sa nakapaligid na moist. Kung ang iyong katana ay may kahoy na hilt, at iniimbak mo ito sa isang lugar na may mababang halumigmig, ang kahoy na hilt ay maaaring matuyo at kalaunan ay pumutok. Kaya naman mas mainam at maiwasan ang pagputok ng hilf," Sa totoo lang ay hindi ko alam ang ibang sinasabi niya. Pero kailangan kong intindihin dahil para pa lang may graded recitation dito na kailangan mong sumagot, kundi patay ka. "At ang pinakahuli, kailangan mong inspeksyunan o tignan ang katana mo. Hindi naman kailangan araw-araw. Pero kailangan mong gawin dahil dapat alisin ang mga katana sa imbakan kahit isang beses sa isang linggo. Sa panahon ng inspeksyon na ito, kailangan mong suriin maigi para makita mo ang tunay na sitwasyon ng katana mo. Kadalasan, ang problema ng iba ay napapabayaan kaya nagkakaroon ng kalawang. Pwede rin mag-oxidize ito," Matalino ako pagdating sa school at sa trabaho ko. Pero ewan ko ba ngayon. Feeling ngayon ay sobrang information overload na ako. Samantalang walang binatbat ito sa trabaho ko sa University. Nahalata naman nito na pagod na ako kaya tumango ito sa akin. "Magpapahinga muna kami ng fifteen minutes. Gawin mo na kung anong gusto mong gawin habang nagpapahinga ka. Pwede ka na ring kumain ng kahit ano para kahit papaano ay may gana ka," "Salamat," Tumalikod na ang mga ito. Napakamot naman ako sa ulo ko. Parang pagod na ako ngayong araw ah. Wala ngang masyadong physical activies, pero parang pagod na ang utak ko. Marami rin kasi akong iniisip. Sinalubong ako ni Aerith ng ngiti. "Avel! Nakikita ko ang training mo kahit medyo malayo. Masasabi kong kahit paano ay nakaadjust ka na. Halika na at kumain na tayo,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD