Kabanata 32

1015 Words
AVEL "Kinakabahan ka ba, Avel?" tanong sa akin ni Aerith habang binibigyan niya ako ng pagkain. Napangiwi ako. "Masyado bang obvious?" "Uhmm. Medyo," Nagkatawanan kami. "Ang putla mo kasi, tapos parang pinagpapawisan ka. Huwag ka masyado kabahan, Avel. Sa una lang mahirap at nakakatakot. S'yempre, hindi mo naman kasi alam kung paano. Kaya sa una lang 'yan. Magtiwala ka sa sarili mo, makakaya mo 'yan. Isa pa, huwag kang matakot magkamali," Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Magana kaming kumain ni Aerith. Kung anu-ano rin ang pinagkukuwentuhan namin. Sa malayo, nakita ko ang papalapit na mga kawal. Alam kong tatawagin na ako mga ito kaya inisang lunok ko na ang huling pagkain ko. Tumayo ako at pinagpag ang puwitan ko. "Salamat sa masarap na pagkain, Aerith. Babalik na ako sa training ko," "Sige. Good luck!" Ang matamis niyang ngiti ang nagpagana sa akin. Kaya naman nang makalapit ang mga kaw at inanyayahan na ako ng mga para sa praktis ko ay masaya pa akong sumunod na ikinagulat ng mga ito. "Makikipaglaban na ba agad ako ngayon?" tanong ko. "Huwag ka masyadong magalala, Avel. Ito pa lamang ang unang araw mo at alam naming hindi mo kakayanin makipaglaban sa unang araw. Even the masters and professional couldn't do that," "Eh anong gagawin natin ngayon?" "Lahat ng mga bagay na tinuro ko sayo ay i-de-demo mo sa akin. Gusto kong makita kung malinaw ba ang memorya mo at kung talagang nakikinig ka," Walang kaso sa akin. Kasi talaga namang nakikinig ako sa kanya. "Sige," Huminga ako nang malalim. Bumilang siya isa hanggang tatlo. Paatapos ay masusi nila akong pinapanood. Alam kong si Aerith ay ganoon din kaya naman ayaw kong madisappoint siya sa akin. Hindi ko kailangan maperpekto, pero kailangan kong magawa ito ng maayos. Muli kong sinariwa sa isip ko ang mga tinuro niya sa akin kanina. Inisa-isa kong gawin 'yon at ang mga tips niya. Kung ano ang tamang tindig at posisyon, kung paano hawakan dapat ang katana, kung paano ito hugutin at kung paano ito ilagay sa scabbard. Talagang pinilit ko lang ang sarili ko na matandaan at gawin lahat 'yon. Di bale na kung mali, ang mahalaga ay sinubukan ko. Matiim ang tingin sa akin ng mga kawal na nagpadagdag ng aking kaba. Tumango ang pinakaleader ng kawal. "Ang susunod naman na ay ang written exam," sambit nito. Nanglaki ang mga mata ko. Hindi ko akalain na seryoso talaga siya sa pagsabi ng examination. "Teka... hindi mo naman sinabi ang resulta ng pagdedemo ko. Pasado ba ako o hindi?" tanong ko. "Avel, mamaya mo malalaman ang resulta. Pagkatapos ng eksaminasyon. Pagsasamahin ang puntos mo sa demonstration and examination," Wala na nga akong nagawa kundi ang sumunod. Sa totoo lang, hindi naman ako mahina sa written examination. Magaling nga ako roon, dahil isa akong researcher. Magaling ako sa academics. Matalino ako. Pero ewan ko ba, parang nawala sa isip ko lahat ng pinagsasabi sa akin ng kawal. O baka kasi hindi ako interesado sa sinasabi niya kaya ganoon. Matalino ako, pero iba kasi rito. Talagang training ito para lumakas ako. "Bakit ba kailangan pa ng written examination? Hindi naman ito kailangan kapag nilusob na tayo ng kalaban, ah?" hindi ko maiwasan hindi itanong. "Hindi nga, Avel. Pero kailangan naming malaman at makasiguro na lahat ng sinasabi namin ay naiintindihan at nakikinig ka. Na hindi kami nagsasayang ng oras. Ang bawat oras at minuto ay napakahalaga, Avel. Dahil hindi natin alam kung kailan lulusob ang mga kalaban," sabi nito. Wala na nga akong nagawa pa. Binigyan nila ako ng isang upuan at mesa. Nagbigay din sila ng maliit na papel at ballpen. Hindi ko akalain na may ganito rin pala sa mundo ng Enchanted. "Bibigyan ka namin ng sampung minuto upang sagutan 'yan," Umupo na ang lahat ng kawal sa harap ko. Pakiramdam ko tuloy para akong judge sa husgado at ang sila ay mga nasasakdal. Napalunok ako nang makitang essay type ang examination. Kung sa totoong buhay ito, mas gugustuhin ko ito. Magaling kasi ako sa ganito. Pero ngayon, parang gusto ko na lang ng multiple choice. Pawis na pawis na ako at ilang minuto na ako nakatitig lang sa papel. Ni hindi pa ako nakakapagsulat ng kahit ano. Hindi ko sinasadyang napatingin ako kay Aerith. Mukha siyang nagaalala sa akin. Pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya ng matamis at binigyan ako ng thumbs up. Para bang sinasabi niya sa akin na makakaya ko ito. Kaya naman nagkaroon ako ng lakas ng loob. Bigla, ay parang nagrecollect sa isip ko ang mga sinabi ng kawal. Kaya naman naging dire-diretso ang pagsusulat ko sa papel. Narinig ko pa ang pagsinghap ng ilang kawal sa ginawa ko. Hindi ko alam, pero ang simpleng ngiti na 'yon ay nagpaalala sa akin ng mga sinabi ng kawal. Lahat ng sinabi nito ay nagrewind sa utak ko. Tuloy tuloy ako sa pagsulat. Napakagana ng utak ko ngayon. Ilang saglit pa'y natapos na ako. Binagsak ko ang ballpen sa mesa at itinaas ang papel. "Tapos na ako!" Halata ko ang pagkamangha ng mga ito pero hindi pinahalata sa akin. Lumapit ang pinakaleader ng kawal at tinignan ang papel ko. "Sige, hintayin mo na lamang ang resulta kung pasado ka sa training mo na ito," Nagsilapitan din ang mga ibang kawal at nakibasa ng mga sinulat ko. Napangiti ako. Alam kong makakapasa ako. Dahil parang biglang nagkaphotographic memory ako na natandaan ko lahat ng sinabi sa akin. Naghintay ako ng ilang minuto. Pagkatapos ay tumikhim ang leader ng kawal. "Avel... ang puntos mo sa demonstrasyon at sa eksaminasyon ay..." Dumagundong ang dibdib ko. Napakipkip din si Aerith ng kamay nito. "...ay pasado! Ikaw ay nakakuha ng 90/100 na score. Kinagagalak namin na pwede ka nang sumabak sa unang training mo ng katana bukas ng umaga!" Napasinghap ako. Hindi makapaniwala. "P-Pasado ako?" Nakangiting tumango ang mga kawal. "Ang galing mo, Avel. Napahanga mo kami. At sana, hindi ito ang pinakahuli. Pabilibin mo pa kami sa mga susunod na araw," Napatingin ako kay Aerith na ngayon ay kitang kita ko ang labis na kaligayahan sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD