Kabanata 33

1079 Words
AVEL Ngiting ngiti ako habang pauwi kami sa palasyo. Hindi mapunit-punit ang ngiti na nasa mukha ko. Well, sino bang hindi ngingiti kapag nalaman na hindi bumagsak? Inaasahan ko pa naman na babagsak ako kasi parang wala na akong matandaan sa mga pinagsasabi sa akin kanina. “Mukhang masayang masaya ka ngayon, Avel,” puna ni Aerith sa tabi ko. Sabay kaming naglalakad patungo sa palasyo. Tapos na ang training ngayong araw. Napangisi ako at nailagay ko ang dalawang braso ko sa likod ng ulo ko. “Masaya talaga ako, Aerith. Sino bang hindi magiging masaya sa nangyari? Siya nga pala, ano bang pangalan nung leader ng mga kawal? Hindi ko tuloy alam kung ano ang itatawag ko sa kanya,” Napabungisngis si Aerith. “Hindi talaga siya tinatawag sa pangalan. Ang mga kawal ay hindi dapat pinapangalanan dahil magbubuo lang ito ng favoritism o ‘yung tipong mga kauri ko na may kapit sa kanila. Pantay pantay ang tingin naming sa kanila at walang nakakalamang,” Napakamot ako sa ulo ko. “Ganoon ba?” “Ganoon na nga. Pero dahil ikaw ang lalaki sa propesiya, malaki ang utang na loob namin sayo. Kaya nararapat lamang na malaman mo ang lahat dito sa Ereve. Hindi ko na kilala ang ibang kawal, pero s’yempre, sa mukha ay kilala ko sila. Ang leader ng kawal ay tinatawag naming kapitan. At siya ay si Kapitan Harlek,” sabi nito. Napa “aah” ako at napatango. “Pwede ko ba siyang tawagin sa ganoon? Kapitan Harlek?” tanong ko. Tumango si Aerith. “Oo naman. Wala akong nakikitang problema, Avel. Tiyak na ikagagalak ni Kapitan Harlek na tawagin mo siya sa kanyang pangalan at ang kaisipan na kilala mo siya. Malaking karangalan ‘yun sa kanya,” Pero napaisip ako. “Ganoon ba talaga si Kapitan Harlek?” tanong ko. Napatingin naman siya sa akin. “Ano ang ibig mong sabihin, Avel?” “Masungit siya. Strikto. Laging nakasimangot,” Nagulat ako nang biglang mapahalakhak si Aerith. Tinignan ko siya. “Bakit ka tumatawa?” Gusto kong mamesmerized sa gandang babae niya. Napakahinhin. Kagalang-galang. At babaeng babae. “Natawa ako dahil ganoon ang interpretasyon mo sa kanya. Sabagay, hindi kita masisisi. Malupit nga talaga siya mag-training. Laging seryoso at parang hindi marunong ngumiti ‘no?” untag nito. Napasimangot ako. “Oo. Parang ang mahal bilhin ng ngiti niya. Ano bang meron sa kanya at ganoon kasungit ‘yun?” Tawang tawa talaga si Aerith sa akin. Napahawak pa ito sa tiyan kaya naman hindi ko na rin maiwasan hindi matawa sa sinasabi ko. Pero totoong lahat ang lumalabas sa bibig ko. “Wala pa siyang pamilya. Isa siya sa mga kawal na sobrang devoted sa kanyang tungkulin. Para kay Kapitan Harlek, buhay niya ang kanyang trabaho at may mahalaga siyang tungkulin dito sa Ereve. Mahal na mahal niya ang mga tao rito at kaya niyang ibuwis ang kanyang sariling buhay mapagsilbihan lang kami rito at ang Reyna’t Hari,” Napasinghap ako. “Grabe… may ganoon pa rin pala talaga ka-loyal, ‘no? Kaya naman deserve rin niya talaga maging leader ng mga kawal,” komento ko. Tumango si Aerith sa sinabi ko. “Tama ka r’yan, Avel. Mahal na mahal niya ang mga taga Ereve. Ang mga matatanda at mga bata. Mukha lang talaga siyang masungit, pero mabait siya. Strikto, kasi kinabukasan ng lahat ang nakataya. Gusto niyang masiguradong may matututunan ka. Ipagpapasalamat mo rin sa kanya na naging ganoon siya sa totoong digmaan,” sambit nito. Biglang may pumasok na ideya sa isipan ko. “Oo nga pala, Aerith. Sabihin natin dumating na tayo sa punto kung saan nilulusob na tayo ng mga kalaban. For sure, hindi lang naman ako ang lalaban diba. Lahat tayo. Bakit hindi natin i-propose sa ama mo na kailangan din magensayo ng lahat?” Napatingin sa akin si Aerith. Nagtatanong ang mga mata nito pero hindi nagsasalita. Napangiwi ako. “Ahe… ang akin lang naman ay suhestiyon, Aerith. Sabi mo nga, tulungan tayong lahat. Oo nga’t may kapangyarihan na kayo. Malakas na kayo. Pero sabi niyo rin, napakamakapangyarihan ng grupong ito. Kayang kaya ng mga ito sirain ang mundo. So bakit, ako lang ang nagte-training? Hindi ba’t kailangan niyo rin maghasa pa ng kasanaya niyo? Kailangan niyong mas maging malakas. Ang mga matatanda, dapat turuan na sila kung saan sila dapat magtago sa oras na sakuna. Ang mga bata, kasama ang matatanda. Lahat ng may kakayahan pang makipaglaban, babae man o lalaki ay kailangan mag-ensayo at iyon ay isang batas na hindi dapat mabali. Kasi kung hihintayin lang natin ang paglusob nila, at magre-rely lang tayo sa kakayahang meron kayo ngayon, kahit nandito pa ako, baka hindi natin kayanin ang pwersang meron sila. Tingin niyo ba, sa mga panahong ito hindi sila gumagawa ng paraan? Ibig ko sabihin, sa tingin niyo ba hindi sila nageensayo ngayon kahit malakas na sila? For sure, ginagawa nila ‘yon. Walang masama maging masaya. Naiintindihan kong ayaw niyong takutin ang lahat at gusto niyo lang mapanatili ang pagiging mapayapa…” huminga ako nang malalim. At nagpatuloy. “Pero mas maganda na ang handa at nag-iingat. Hindi niyo naman sila kailangan takutin. Ipaintindi lamang sa kanila na may banta. Kaya naman kailangan din ng kooperasyon nila. Kung sa tingin niyong walang silbi ang matatanda dahil mahina na ang mga ito at wala na masyadong kapangyarihan, d’yan kayo nagkakamali. Dahil malaki ang magiging role nila sa digmaan. Sila ang magsisilbing magulang ng mga batang ang magulang ay nasa digmaan. Sila ang magaaruga at magco-comfort sa mga bata. Nang sa gayon akala lamang ng mga bata ay iniwan lang sila saglit. Sila ang dapat magasikaso sa mga bata sa oras ng digmaan habang tayo ay pinoproteksyunan ang Ereve at ang lahat,” mahabang sabi ko. Napatango-tango si Aerith. Mukhang hindi naman minasama ng babae ang sinabi ko. “Sa tingin ko ay may punto ka, Avel. Tama ka. Ngayon ko lalng din naisip ‘yan. Ngayon, hindi nakakapagtaka kung bakit ikaw ang lalaki sa propesiya. Hayaan mo, sasabihin ko ‘yan sa aking ama. Tiyak kong sasangayon siya sa suhestiyon mo,” “Salamat, Aerith,” “Sus! Kami nga dapat ang magpasalamat sayo eh. Dahil sayo kaya may pag-asa pa ang Ereve at ang sanlibutan. Naririto na pala tayo sa palayaso, halika na. Tiyak kong nagugutom ka na naman,” Natawa ako at napakamot sa kilay ko. “Sa totoo nga n’yan ay talagang gutom na ako,” Nagkatawanan kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD