Kabanata 34

1071 Words
AVEL Hapunan. Kinatok ng isang kasambahay ang kwarto ko at sinabi niya sa akin na nakahanda na raw ang hapag-kainan. Nagayos lang ako ng sarili ko at bumaba na. Nakita kong naroroon na nga ang pamilyang Ginemoux sa baba. Napangiti si Aerith nang makita ako. Nginitian ko rin siya ng matamis. “Avel, halika na at kumain na tayo. Natitiyak kong gutom ka na rin,” nakangiting bati sa akin ng Reyna Amoria. “Salamat po,” Umupo ako sa dati kong pwesto, kaharap ni Aerith. Sandaling nagdasal ang mga ito ng taimtim. Pagkatapos ay magana na naming sinimulan ang kainan. Napatingin sa akin si Alcaster. “Siya nga pala, Avel. May sinasabi sa akin itong si Aerith…” Napatingin ako sa dalaga. May hinuha akong sinabi niya sa magulang niya ang napagusapan naming kanina. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya. Pakiramdam ko ay nagbibida-bida ako. At ayaw ko ng ganoong feeling. Napayuko ako. Natawa si Alcaster sa naging reaksyon ko. Kinumpas ng Hari ang kamay sa ere. “Hindi ko alam kung bakit nahihiya ka, Avel. Wala ka dapat ikahiya. Sa totoo lang, kami nga ang dapat mahiya,” Napaangat ako ng tingin at napakunot noo. Tila may sinasabi ang mga ito na hindi ko maintindihan. Bumuntong-hininga si Alcaster. “Ako ang dapat mahiya, Avel. Ikaw itong iniistorbo namin sa buhay mo sa totoong mundo. Ikaw ang lalaki sa propesiya at naging pabaya kami,” “Pabaya?” “Masyado kaming nagrely na ikaw lamang ang kailangan sa laban na ‘yon. Tama si Aerith. Tama ka. Habang ikaw ay nageensayo, dapat ang buong Ereve ay nageensayo rin. Hindi sapat ang aming kapangyarihan. Kailangan namin tulungan ka. Hindi mo lang ito laban. Laban nating lahat ito. Hindi dapat kami humihinto sa pageensayo. Kailangan din naming maging malakas pa,” Napasinghap ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin ito ng Hari. “Akala namin kasi, okay na ang lakas namin. At ikaw na lang ang kinakailangan maging malakas. Pero tama ka, mapababae man o lalaki, kailangan sumama sa laban. Anuman ang edad, huwag lamang mga bata at matatanda. At… noon, akala naming wala nang magiging silbi ang mga matatanda at paslit kundi ang gabayan kami. Pero, hindi namin naisip na sa panahon ng digmaan, ang mga matatanda ang magiging magulang ng mga batang ito. Hindi sila tunay na walang silbi,” Tumango rin si Amoria. “Tama si Alcaster, Avel. Kaya naman inutos niya sa mga kawal na mag hukay ng pangilalim na base. Kung saan pagdating ng unos ay doon ang magiging silbing taguan ng mga matatanda at mga bata. Kakailanganin namin ng malakas na kapangyarihan para mapanatili ang sekyuridad ng lugar na ‘yon. Kailangan lagyan ng mahika na kung saan hindi ito mahahanap ng kalaban,” Namangha ako sa narinig ko. “Possible ho pala ‘yun?” “Mahirap gawin, Avel. Sapagkat nagkokonsumo ito ng malakas na kapangyarihan. At sinumang gagawa nito ay tiyak na manghihina. Ngunit, kailangan natin gawin. Dahil tiyak, ang kalabam ay sila ang uunahin. Alam ng mga kalaban na ang matatanda at mga bata ay walang kakayahan upang lumaban. Kaya naman natitiyak kong lahat ay gagawin nila upang malaman kung saan natin sila itatago,” Tumango ako. Napakagandang suhestiyon. “Ayos na ayos ho sa akin ang sinabi niyong ‘yan,” Dinama ng Reyna Amoria ang palad ko at pinisil. “Nagpapasalamat ako sayo, Avel at sinabi mo ito kay Aerith. Dahil kung hindi, hanggang ngayon ay hindi naming maiisip ‘yan,” Napatingin tuloy ako sa dalaga. Kiming ngumiti lang ito. Napakamot tuloy ako sa batok ko. “Walang anuman ho iyon, mahal na reyna…” “Mahal na Reyna ka r’yan! Hindi ba’t ilang beses na naming sinabi sayo na tawagin mo na lang kaming Alcaster at Amoria. Hindi mo kami kailangan tawagin sa ganyan…” “Ahe… s-sige,” Nagpatuloy kami sa pagkain. Muling nagsalita si Alcaster. “Nasabi nitong si Aerith na pasado ka raw sa pagsusulit mo kanina, Avel. Congratulations. Masaya ako. Alam kong isang hakbang pa lamang ito patungo sa maraming pagsubok. Alam naming hindi magiging madali saiyo ang lahat at puno ito ng sakripisyo, pero alam naming makakaya mo ito,” ngiting ngiti na sabi ni Amoria. “At huwag ka rin mag-alala, Avel. Hindi kailangan maapektuhan ang training mo. Bukas na bukas ay magpapatawag ako ng emergency meeting sa Ereve. At dito, i-a-anunsyo ko ang tungkol sa suhestyon mo. Natitiyak kong lahat ay papayag. Sino bang hindi gusto ipagtanggol ang sariling bayan? Sino bang hindi gusto ng kapayapaan?” ani naman ni Alcaster. Ngumiti sa akin si Aerith. “Huwag ka na masyadong magalala, Avel. Natitiyak kong walang bayolenteng reaksyon ang lahat bukas. Maiintindihan ng lahat ang nais mong iparating,” “S-Salamat,” nahihiya kong tugon. Kung anu-ano pa ang pinagusapan namin. Binigyan pa nila ako ng desert. Na tinatawag nilang “mix and match” kumbaga sa mundong tao, ay maihahalintulad ito sa halo-halo. Hinihintay nila ang reaksyon ko pagkatapos kong kainin ‘yon. At dahil napakasarap naman talaga at creamy, idagdag pang mahilig ako sa mga desert katulad ng halo-halo, ay talaga namang nagustuhan ko ito. “Ang sarap!” bulalas ko. Tuwang tuwa ang itsura ng mga ito. Satisfied na satisfied sila sa reaksyon ko. “Mabuti naman at nagustuhan mo, Avel. Isa ‘yan sa mga specialty namin dito. Hinahanda ito tuwing my selebrasyon o pista. Ang mga bata ay mahilig d’yan. Si Aerith nga rin, mahilig d’yan,” buska ni Amoria. Napatingin ako kay Aerith. Nahihiya at nanglalaki ang mga mata nito sa akin. “O, ano naman kung paborito ko ‘yan? Ikaw nga, mukhang nagustuhan mo eh,” namumula ang mukha na sabi nito. Natawa ako sa defensive agad na sagot nito. Natawa rin tuloy ang Reyna at Hari. “Bakit naman nagagalit ka agad, anak? Wala namang sinabi si Avel, ah. Napatingin lang siya sayo,” nangingiti na sabi ni Amoria. Napalabi ang dalaga. “Eh, tinitignan niya ho ako, ina. May laman ang tingin niya sa akin. Na para bang sinasabi niyang ang tanda tanda ko na para maging paborito ang gusto ng mga bata,” Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak. Naningkit ang mga mata ni Aerith. “Ikaw lang ang nagiisip ng ganyan, mahal na prinsensa. Hindi ko nga naisip ‘yan eh,” Umingos si Aerith pero namumula pa rin ang mga pisngi. Natatawa naman ang Reyna at Hari sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD