AVEL “Grabe! Sobrang ganda rito, Kapitan Harlek. Hindi ko akalain na may ganitong kagandang lugar. Sigurado ka bang totoo ‘to?” tanong ko sa kanya habang ginagala ang tingin. Parang ito na yata ang pinakamagandang lugar na nakita ko sa tanang ng buhay ko. Sa mundo ng tao, gandang ganda ako sa bansang Switzerland. Gustong gusto ko ang natural na likas na yaman nito. Pero grabe, walang tatalo sa lugar na ito. Di hamak na mas maganda ito. At halatang mayaman sa likas na yaman. Sigurado ako, kung nagkataong ang lugar na ito ay nasa mundo ng tao, tiyak na sasamantalahin iyon ng mga sakim na negosyante na walang alam kundi ang magpayaman kahit pwedeng ikasira ito ng mundo. Mabait pa rin talaga ang Diyos, alam nitong ang kagandahang ito ay hindi mapapangalagaan ng tao, kaya naman ibinigay ni

