AVEL Ilang araw pa ang matuling lumipas. May napansin akong kakaiba kay Aerith nitong mga nakaraang araw. Parang hindi niya ako masyadong pinapansin at iwas siya sa akin. Sabay pa rin naman kaming pumupunta sa training ground at sabay pa rin naman kaming umuuwi, pero hindi ko alam, parang iba talaga siya ngayon. Parang naging awkward siya sa akin, ganoon ba. Naguusap pa rin naman kami, syempre. Pero hindi na katulad noon na ang taas taas ng energy niya. Ngayon parang kibuin dili na ito. Isang tanong, isang sagot lang din. At s'yempre, nabo-bother ako. Hindi naman kasi ganoon si Aerith. Ngayong umaga, pagkatapos magalmusal ay kinausap ako ni Alcaster. "Aerith, mauna ka na sa training ground. Kakausapin ko muna si Avel ng saglit," Tumango naman ang dalaga at tahimik na nagpaalam. Nang

