AVEL Pakiramdam ko ay dinadaya ako ng pandinig ko. Parang may naririnig ako na hindi ko maintindihan. Pero baka dahil lamang sa pagod ako. "Anong sabi mo ulit?" Agad namang nag-iwas ng tingin si Aerith. "Wala," Hindi na kumibo ang dalaga hanggang sa nakarating kami sa palasyo. Pinagbuksan kami ng mga guard. Kakausapin ko pa sana siya pero nagmamadali na siyang nagtungo sa kwarto niya. Hindi na kami nakapagusap pa. Natitigilang nahabol ko na lamang siya ng tingin. Ano kaya ang nangyayari kay Aerith? Samantala, sa kwarto naman ng dalaga ay lakas lakas ng kabog ng dibdib nito. Sinuntok ng dalaga ang sariling dibdib nito. "Bakit ganito ang nararamdaman ko...? Aerith, kailangan mong pigilan 'to," pakiusap ng dalaga sa sarili. Hanggang sa sumapit ang hapunan. "Hindi raw ho sasabay ang Pri

