Kabanata 51

1009 Words

AVEL Napalunok ako nang matindi. Nahalata pala ni Aerith na masama ang tingin ko sa lalaking 'yon. Pero masisisi ba ako? Eh sa naiinis talaga ako eh. Nauna na akong maglakad pabalik sa palasyo. "Gusto ka ng lalaking 'yon," sabi ko. Napasinghap si Aerith. Maya-maya ay narinig ko ang pagtawa niya. Nagngitngit ako. "Bakit tumatawa ka?" Nilingon ko siya at nakahawak siya sa tiyan na tila pinipigilan na huwag bumunghalit ng tawa. "Anong nakakatawa? Ikaw!" Naglapat ang mga labi ko. "Ako? At paanong naging nakakatawa ako?" "Bakit ba nagbibiro ka ng ganyan? Impossible 'yang sinasabi mo. Purque kasabay ko lang umuwi, may gusto na agad sa akin?" Huminga ako nang malalim. "Lalaki rin ako, Aerith. Alam ko 'yung mga tinginan na ganoon. Kaya naman alam kong may gusto sayo ang lalaking 'yon,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD