Kabanata 49

1030 Words
AVEL Tinuruan ako ni Harlek kung paano ang tamang paghawak sa pana. At kung paano ito itira sa target board. "Bibigyan kita ng sampung pirasong pana, Avel. Ang task mo lang ngayon, kailangang may mapatama sa ka sa target board na kahit isa. Huwag ka masyado mawalan ng pag-asa kung ni isa ay wala pang tumatama. Medyo mahirap talaga lalo na kung first time mo. Magfocus ka lang at huwag mag-isip ng kung anu-ano," Tumango ako at huminga nang malalim. Tama ito. Dapat magfocus lang ako. Hindi ako dapat nagiisip ng kung anu-ano. Sinunod ko ang instruction sa akin ni Kapitan Harlek. Tinapat ko ang dulo ng pana sa bandang mata ko at awtomatikong naipikit ko ang aking mga mata. Hinila ko ang dulo ng pana. Medyo kinakabahan ako. Grabe rin ang kabog ng dibdib ko. Pagkahila ko sa dulo ng pana ay medyo napakunot-noo ako. Ang tigas. Ang hirap hilahin. Dapat pala ay matindi ang pagkakahawak mo sa pana. Hinawakan ko ng matindi ang armas. Sa mga napapanood kong movies ay matindi pa nga ang kapit ng mga ito sa crossbow. Medyo masakit sa daliri, pero sa tingin ko ay dahil lamang 'yon sa bago ko lang ito gamitin. Pinakawalan ko ang pana sa daliri ko, at parang slow motion pa ang paglakbay ko nito sa ere. Tinitignan ko kung tatama ito sa board. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Pero as usual, hindi tumama ang una. Hindi naman ako masyado nalungkot dahil unang beses lang naman 'yon. Unang try. Walang kaso sa akin 'yun. Kinipkip ko ang hangin sa baga ko at huminga nang malalim. Dapat akong magconcentrate. Dapat kong isipin na nasa delikado kaming sitwasyon at kailangan kong patayin ang kalaban. Tama. Yun dapat ang isipin ko. Kasi habang relaks lang ang kapaligiran at walang kalaban na tunay, hindi lalabas ang adrenaline instinct ko. Nakita kong seryosong nakatingin sa akin si Kapitan Harlek. Halatang tinitignan din kung magagawa ko ba ang task na ito. Nanunuod din ang dalawang kawal na kasama nito. Hindi ko kailangan magpa-impress kay Harlek. Dapat ko lang magawa ng tama ito. Muli kong sinubukan magpakawala ng isang pana. Pero ganoon pa rin. Sa ere lang ito tumapon. Ni hindi man lang dumaplis sa board. Pangatlong subok... ganoon pa rin. Pangapat... walang pinagkaiba sa mga nauna. Panglima... wala pa ring pag-asa. Napabuntong-hininga na ako. Hindi naman malabo ang mata ko, at alam kong nakatutok ang pana sa board, pero bakit ganoon? Napilitan na si Harlek magsalita sa gilid. "Avel, tandaan mong may limang pana ka na lamang. Kapag naubos 'yan at wala kang naipatama, ibig sabihin lang nito ay bagsak ka sa unang pagsusulit. Made-delay ang training mo, dahil uulitin natin ito kinabukasan. Tandaan mong ginto ang bawat minuto," paalala nito. Napatango ako. Alam ko naman 'yon. Pero ano bang magagawa ko? Sa hindi talaga tumatama eh. Isa pa, first time ko lang naman kasi mag-ganito. Hindi ko pa naman talaga alam paano gamitin ito. Wala akong idea. Justifiable naman 'yun, diba? Huminga ako nang malalim. At muling sinubukan ang pang-anim na tira. Sana... sana... sana tumama. Pero nakita ko lang na hindi man lang ito umabot sa board. Napangiwi ako. Bakit ganoon? Bakit laging sablay ang tira ko? Hindi lang 'yun. Bakit parang baliko ang pana? Alam ko sa sarili ko na straight lang ang tingin ko at hindi naman ako nakatingin sa kung saan saan, pero hindi tumatama. Hindi naman ako banlag o duling. Pero bakit ganoon? Sinubukan ko ulit ang pangpitong tira. Abut-abot ang panalangin ko na sana ay tumama ito. Pero ganoon na lamang ang panlulumo ko nang hindi pa rin tumama. Matinding pawis na ang nararamdaman ng katawan ko. Hindi naman ako pawising tao, pero nagpawis ng masyado ang kili kili ko. Ibig sabihin nito ay na-i-istress ako. Ano ba ang dapat kong gawin para manalo ako sa task na ito? Muli akong kumuha ng pangwalong pana. This time, binagalan ko. At talagang sinigurado kong nakatapat ang paningin ko sa target board mismo. Hindi ko alam kung bakit hindi tumatama roon kahit naman sobrang kaharap ko na ang board. Pinakawalan ko ang pana at nakita ko gumewang ito hindi dahil sa impact ng pagtira ko, kundi sa hangin at gravity! Napasinghap ako. Mukhang alam ko na ang dapat gawin. Ibig sabihin, hindi masyadong malakas ang pagtira ko para makaya nito ang lakas ng hangin at ang gravity na tinatawag. Hindi sa duling ako o banlag. Diretso itong papunta sa board, pero dahil hindi gaanong malakas ang pwersa ng tira ko, madali siyang tangayin ng hangin. Sana may sense ang sinasabi mo, Avel. Sambit ng isang bahagi ng utak ko. Dalawang pana na lamang ang natitira sa akin. Kaya dapat pagisipan at pag-aralan ko na nang mabuti ang hakbang na aking gagawin. Napadasal ako ng wala sa oras. Hinugot ko na ang isang pana. Nakita ko ang paghinga ni Kapitan Harlek ng malalim. Alam kong kinakabahan siya para sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Alam kong inaasahan niyang mananalo ako ngayong task. Inatras ko nang maigi ang pana. Halos magdugo na ang mga daliri ko sa higpit ng pagkakahawak ko sa buntot ng pana. Kung masyadong malakas ang pagkakatira ko, kaya nitong tanggapin ang malakas na hangin. Kaya nitong tirahin ang board nang walang paligoy-ligoy. Kumbaga sa tao, hindi ito lampa. Pinakawalan ko ang pana. Nanglaki ang mga mata ko nang makita hindi nga ito tinangay ng malakas na hangin o ng gravity. Dare-daretso ito patungo sa board. Napalunok ako. Sana tumama ka, sana tumama ka! Piping dasal ko sa sarili ko. Napasinghap ako nang makitang halos matamaan na nito ang gilid ng board. Pero sa lupa pa rin ito bumagsak. Medyo nabuhayan ako ng loob. Ibig sabihin, tama ang ideya ko. Tama ang nasa utak ko. Kailangan ko lang mas maging accurate ngayon dahil huling tyansa ko na ito. Napakatagal kong hawak ang buntog ng pana bilang panghuling tira. Sinigurado kong nasa sentro ako at matatamaan ang board. Pinakawalan ko ang pana. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Kitang kita ko ang mabilis na pagbulusok nito, hindi nagpatinag sa hangin. Nanglaki ang mga mata ko nang makita kong dumaplis at dumikit ito sa dulo ng board! Fuck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD