Kabanata 45

1086 Words
AVEL Nanglaki ang mga mata ni Kapitan Harlek. Alam kong hindi niya inaasahan ‘yon. Kaya naman naging huli na ang lahat para makailag siya. Hindi lamang ang daplis ang naiatake ko sa kanya. Sinamantala ko ang pagkagitla niya kaya naman hindi niya inaasahan ang susunod na pangyayari. Muli ko siyang inatake. Sobrang bilis. Kahit sinuman ay iisiping parang professional user ako ng katana. Nanglaki ang mga mata ng dalawang kawal na nanonood sa amin. Nakita ko ang paghingal ni Kapitan Harlek. At isa lang ang ibig sabihin nito, nahihirapan na siya. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko. Dapat malaman ni Harlek na nasa akin ang alas. Na mas kaya kong manalo sa kanya. Hindi ako tumigil sa pag-atake sa kanya. Napakabilis. Kitang kita ko ang pagkasindak niya dahil hindi niya alam kung paano at anong posisyon ang gagawin niya para lamang mailagan ako. Napangisi ako lalo nang makita ko ang pawis na pumatak sa noo niya. Puro salag na lang si Harlek. Pero natitiyak kong mabigyan lamang ito ng pagkakataon, matitira niya ako ng matindi. At hinding hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataon mangyari ‘yon. Dapat manalo ako sa laban na ito, dahil hindi naman ako basta-bastang lalaki lang. Ako si Avel. Ang lalaki sa propesiya. Dapat kong patunayan sa lahat na kaya ko at magiging napakalakas ko. Na magiging makapangyarihan ako. Isang malakas na pwersa ang pinakawalan ko at dahil wala na sa tamang balanse si Kapitan Harlek, medyo na out of balance ito. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at mabilis ko siyang binigyan ng malakas at pwersadong atake. Napakalakas n’yon at hindi niya kinayang salagin. Kaya naman lumipad siya sa ere at tumalsik sa may puno roon. Sa lakas ng impact, tila nahilo pa ito sa pagkakatama sa puno. Medyo nag-aalala ako, pero natandaan kong hindi dapat magpakita ng vulnerability dahil baka matulad ako sa ginawa ni Natan na taktika. Tinakbo na ng dalawang kawal si Kapitan Harlek kaya naman alam kong panalo na ako. Bumalik ako sa normal na ayos at tinakbo ko na rin si Kapitan Harlek. “Ayos ka lang ba, Kapitan Harlek?” Natawa ito. “Ayos na hindi ayos,” Nagkatawanan ang dalawang kawal nito. Inalalayan ng dalawang kawal si Harlek patayo. Kahit papaano ay nagalala naman ako sa kanya. “Ayos ka lang ba talaga, Kapitan?” “Masakit s’yempre. Malakas ang impact na ginawa ni Avel. Pero s’yempre, hindi naman ‘yung tipong mamamatay na ako,” Muli kaming nagkatawanan. Tumingin sa akin ng seryoso si Kapitan Harlek. “Pero maiba tayo… tunay mo akong pinahanga, Avel. Hindi ko aakalain na sa loob lamang ng linggo ay kaya mo nang gumamit ng katana ng maayos. Hindi kita maihahambing bilang propesyunal, pero masasabi kong marunong ka na. At alam kong darating ang araw na mas mapaghuhusayan mo ito…” Nagpatuloy ito. “Tagumpay mong natapos ang iyong training sa katana, Avel! At maari ka nang tumuntong sa ibang training. Kinagagalak kong maging tagapagturo mo,” Yumuko pa ito sa harap ko na tila isa akong prinsipe. Medyo nahiya tuloy ako. “Maraming salamat, Kapitan Harlek. Natutuwa ako na na-a-appreciate niyo ang maliliit na effort ko,” “Maliliit na effort? Hindi lamang maliit na effort ang ginagawa mo, Avel. Sobrang laki. Mula sa tahimik at masaya mong buhay sa mundo ng tao, at ang career mo… pinagpalit mo ito para lamang tulungan kami at mailigtas ang sanlibutan. Tunay kang kahanga-hanga at mabuting ehemplo sa ating mga kabataan,” Napangiti ako. Inalok niya ako ng pakikipagkamay. “Hindi ko gusto ang natatalo sa laban. Isa akong Kapitan at dapat lamang na malakas ako. Pero kinagagalak kong matalo sayo, Avel. I feel so honored to fight with you today,” Wow. May pag-english pa si Kapitan Harlek. Inabot ko ang pakikipagkamay niya. “Maraming salamat po,” Muling nagformation ang mga ito na para bang mga sundalo na may sinusunod na steps. “Nagtatapos na ang araw na ito para sa ating examination. Pwede ka nang bumalik sa kaharian. Bukas muli ang ating pagkikita,” Tumango ako. Ganoon pa rin naman ang oras. Walang nagbabago. Yumuko ang tatlong kawal sa akin bilang pagbibigay respeto. Kaya naman bahagya akong nailang. Pero hindi na sila tumingin sa akin kaya naman medyo nabawasan ang nararamdaman ko. Sabay-sabay na silang naglakad papalayo roon. Tinanaw ko sila habang naglalakad. Nang hindi ko na sila makita ay tumalikod na rin ako at naglakad patungo sa tagpuan namin ni Aerith. Kung saan ko siya hinihintay araw-araw. Minsan, siya ang nauuna, minsan ako naman. Depende sa kung sino ang mauna sa amin. Saktong nakita ko ring papunta na roon si Aerith. Kaya naman tumakbo ako at sumigaw. “Aerith!” Napalingon ito sa akin at napangiti na rin. Kumaway ito sa ere. “Avel!” Sinalubong ko siya ng ngiti. “Mukhang good mood tayo ngayon, ha? Anong resulta? Alam kong final examination mo ngayon sa katana,” “Ako ang nanalo,” Nanglaki ang mga mata ni Aerith. Parang hindi makapaniwala sa narinig. “Talaga?! Congratulations, Avel! Masaya ako para sayo! Sabi ko na nga ba eh, magaling at malakas ka talaga. Ikaw talaga ang lalaki sa propesiya. Mantakin mong linggo ka pa lang nagte-training ng katana, pero natalo mo si Kapitan Harlek? Eh ‘yun ilang taon na niyang ginagawa ‘yon,” Napakamot ako sa batok ko. “Ahe… tyamba lang siguro ‘yun, Aerith. Sabi mo nga, ilang taon na ginagawa ito ni Kapitan Harlek. Malakas siya,” “Alam kong malakas siya. Ang akin lang, talagang hindi nagkamali si Cygnus sa kanyang propesiya. Ikaw nga talaga ang magliligtas sa sanlibutan. Anong sabi niya?” tanong nito. Naglakad na kami pauwi. “Ayun, binati niya ako. At bukas daw iba na ulit ang ituturo niya sa akin. Eh ikaw, kamusta ang training mo? Niyo?” tukoy ko sa mga Enchanted. Huminga ito nang malalim. “Heto, nakakapagod s’yempre. Pero ganoon talaga ang buhay training. At para rin naman kasi sa lahat ito. Medyo parang nabugbog lang ang katawan ko,” “May examination din ba kayo?” Umiling ito. “Naku, wala na. Ang ginagawa sa amin ay mas pinaghuhusay ang aming magic. Pati s’yempre, katawan na rin. Tinuturuan kami ng mas makabagong mga techniques at skills,” “Alam ko namang kayang-kaya mo ‘yan eh. Ikaw kaya ang prinsesa. Ang anak ng hari at reyna na makapangyarihan sa Ereve. Alam kong may tinatago kang galing na hindi mo inaasahan,” Natawa lang si Aerith sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD