AVEL
Malalim na ang gabi pero medyo hirap pa rin ako makatulog. Paguwi namin kanina ni Aerith sa palasyo ay inulan kami ng tanong ng Hari at Reyna. Tuwang tuwa naman si Aerith na nagkukuwento sa ina kung ano ang nangyari sa training nito at sinabi rin nito na nanalo ako sa training ko.
Nagsabi ng congratulations sa akin ang mag-asawa. Nakikita ko naman ang suporta nila kaya natutuwa rin talaga ako.
Pero ngayon, hirap ako makatulog. Pabiling-biling ako sa hinihigaan ko. Ang layo ng tinatakbo ng utak ko.
Pumunta akong terrace at doon tinanaw ang malawak na kalangitan. May mga bituin din at ang payapang tignan nito.
Nakakagulat na kahit ibang mundo ito ay meron ding kalawakan. May moon din.
Ang presko ng hangin. Payapa ang Ereve. Sana kung ganito lamang habang buhay. Kaso hindi. May mga taong ganid na puro kasakiman ang dala-dala.
Nasa ganito akong sitwasyon nang maramdaman ko ang presensiya ni Aerith.
"Hindi ka rin makatulog, Avel?" tanong nito.
Lumingon ako sa kanya. "Anong oras na, magandang binibini. Bakit gising ka pa rin?"
Napahagikgik ang dalaga. Hindi ito nakapajama tulad ng mga tao sa mundo. Pero nakasuot ito ng parang victorian dress. At ang ganda ganda nitong tignan. Bagay na bagay talaga itong maging prinsesa.
"Hirap din akong makatulog," sagot nito.
Napatawa kaming dalawa. "Mukhang parehas tayong hindi nakakatulog ah,"
"Baka pagod kasi tayo. At marami kasi akong iniisip," amin ng dalaga.
Umupo ito sa upuan doon. "Ano ba ang iniisip mo?"
Bumuntong-hininga ito. "Ang Ereve. Ang sanlibutan. Ang kapayapaan. S'yempre, iniisip ko kung magtatagumpay ba tayo. Natatakot ako para sa kinabukasan, Avel. Para sa mga inosenteng bata, para sa mga matatanda... para sa lahat,"
Nakita ko sa mukha niya ang pagnanais na makatulong sa kapwa. At inaamin ko na humahanga talaga ako sa kanya.
Parang nagkaroon tuloy ako ng pakiramdam na gusto kong ipangako sa kanya na magiging maayos din ang lahat. Parang meron sa akin na naguudyok na huwag na itong mangamba pa dahil gagawin ko ang lahat para hindi magtagumpay ang mga kalahan.
Na isasalba ko ang mundo. Pero ang hirap naman gawin n'yon. Ang hirap mangako tapos baka hindi ko naman magawa. Hanggat maaari, ayaw ko ng ganoon.
Sana... sana... bigyan ako ng lakas ng Panginoon para magawa ko ang misyong ito.
"Kung magtutulong-tulong tayo, hindi impossible na makamit natin ang panalo at kapayapaan, Aerith. Kahit ako, sa sarili ko, may pangamba. Mga tanong na tulad na kaya ko ba talaga? Ako ba talaga ang tagapagligtas? Anong meron sa akin na wala ang iba? Mga ganoong tanong. Inaatake rin ako ng negatibo, Aerith. Pero dahil sainyo, naniniwala kayo sa akin, alam kong kakayanin ko. At sinuman ang Diyos natin, iisa lamang ang lumikha sa ating lahat, at alam kong hindi niya tayo papabayaan. Gagabayan niya tayo sa magiging laban natin," mahaba kong sagot sa kanya.
Napasinghap si Aerith. Tila humanga sa akin.
Tila biglang may naisip ito. "Avel... totoo bang... wala kang kasintahan?"
Nagulat ulit ako sa tanong ni Aerith. Napakurap.
Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng personal na tanong. Napalunok ako.
"Wala talaga akong kasintahan, Aerith. Wala akong asawa o nobya,"
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang o kung ano, pero nakita ko ang pagkislap ng kanyang mata.
"G-Ganoon ba... hmm... pero may babae ka bang nagugustuhan?" tanong ulit nito.
Umiling ako. "S'yempre, hindi ko ikakaila na humahanga ako sa mga babaeng magaganda at matatalino. Mababait. Normal lang naman ang makaappreciate ng panlabas na anyo. Kasi 'yan ang unang nakikita ng ating mga mata,"
Parang nainip ito. "Ang tanong ko... may nagugustuhan ka ba ngayon, oo o wala?"
Natawa ako sa kanya. Parang kahit ang demanding niya ay ang cute pa rin niya pakinggan. Hindi siya nakakainis.
"Wala, Aerith. Dahil saglit na paghanga lang naman 'yung nararamdaman ko. Pero wala akong partikular na babaeng nagugustuhan sa ngayon, 'yung tipong gusto ko na nga ang itsura, gusto ko pa ang personality. Wala. Isa pa, nasabi ko ngang busy akong tao. Tanging ang research at University lang ang puntahan ko. Wala pa akong time na may magustuhang babae, kasi hindi ko rin naman siya mabibigyan ng sapat na oras," honest kong sagot.
Mukha namang nasatisfied si Aerith sa sagot ko.
"Sabagay. Ang kwento mo nga kay ina at ama ay hardworking person ka. At nais mong maging scientist," sabi nito.
Tumango ako. "Tama. Pero, s'yempre, normal na lalaki rin lang ako na humahanga pa minsan-minsan,"
Hindi na siya nakasimangot. Siya naman ang tinanong ko. "How about you, Aerith? Ikaw ang prinsesa rito sa Ereve. For sure, maraming mga kabinataan at kalalakihan dito na gustong makamit ang matamis mong oo,"
Namula ang dalawang pisngi nito. "B-Bakit naman? Dahil ba sa isa akong prinsesa?"
Natawa ako. "Of course, not. You're more than just a princess. Hindi lang ang entitlement ang meron ka, Aerith. You are more than that. You have a beautiful face, a golden heart and a good soul. So, walang rason para hindi ka magustuhan ng isang lalaki," sagit ko sa kanya.
Kitang kita ko ang mas pagpula lalo ng pisngi nito. "L-Lahat naman ay may maayos na itsura at ugali rito, Avel..."
Tunay ang sinabi nito. Sa mundo ng mga Enchanted lang ako nakakita ng halos mga perpektong mukha. Mapabata man o matanda. Mapaanumang posisyon o trabaho. Parang mga artista ang pagmumukha! Pero, ewan ko ba, iba ang dating ng Prinsesa Aerith. She looks so timeless. Ang classic ng dating ng ganda nito. At oo nga, halos lahat yata ng mga tao rito ay mababait.
Pero iba talaga ang kabutihang taglay ni Aerith para sa akin. At alam ko, maraming lalaki dito na gustong mapa sakanila ang prinsesa. At hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kaisipan na 'yon.
"Ikaw ba? May nagugustuhan ka na bang lalaki rito, Aerith?" siya naman ang tinanong ko.
Nakita kong parang nasukol siya at hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tila naumid ang dila nito.
Nagkunot ang noo ko. "Prinsesa Aerith?"
Doon lamang itong nahimasmasan. "Ahm... ano kamo 'yun?"
"Ang tanong ko, may nagugustuhan ka na bang lalaki rito?"
Kitang kita ko ang paglunok na ginawa niya.