Kabanata 40

1073 Words
AVEL Tama ako sa hinala ko. Pagod na nga si Natan. Halos maubos ang enerhiya niya sa pinakita niyang liksi sa akin. Samantalang wala naman akong ibang ginawa kundi ilagan lang siya. ‘Yun lang ang ginawa ko buong atake niya. Kaya naman marami pa akong lakas. Saglit siyang huminto upang humingal at magpahinga. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at siya naman ang sinugod ko siya. Ito na ang tyansa ko na maatake siya! Mukhang hindi niya inaasahan ang atake ko kaya naman napaurong siya. Inatake ko siya sa katawan, pero naisalag niya ang katana niya. At pilit nilalabanan ang lakas ko. Umurong ako ulit dahil ang tindi ng pagkakasalag niya kaya tumakbo ako nang mabilis at mula sa likod niya ay inatake ko siya. Hindi niya inaasahan ‘yon kaya naman matagumpay kong naatake sa katawan niya ang katana na hawak ko. Napaigik si Natan dahil sa pwersa. Pero wala namang naging sugat ito dahil sa kapangyarihan ni Kapitan Harlek. Napasubsob ito sa lupa. Bigla akong nawala sa concentration at nagalala sa kanya. “Ayos ka lang ba?” Pero isang malaking pagkakamali ang ginawa kong ‘yun dahil sinamantala ni Natan ang pagiging vulnerable ko at ito naman ang umatake sa akin. Nagulat ako at hiningal sa ginawa niya. Kaya naman siya ang nakaatake sa akin na kanina ay hindi niya magawa. Napangiti ako. Nakikita ko kay Natan ang kagustuhan na matuto at maging malakas. Gusto niyang manalo. At gusto ko ang ganoong mindset. Dahil kung totoong laban na ito, alam kong gagawin niya ang lahat para manalo lamang sa kalaban. Inayos ko ang tayo ko at muling pinaghandaan ang atake niya. Alam kong wala na siyang lakas at kaunti pa ay bibigay na ang katawan nito. Hinayaan ko lang siyang atakihin ako ng atakihin. Defense muna ang gagawin ko. Pinagaaralan ko ang bawat pagtira niya, kaya naman naiilagan ko talaga ito. Natyantya ko na ito na ang pinakahuli niyang magagawang tira at said na talaga ang lakas niya, kaya naman ako na ang umatake. Tinakbo ko siya ng sobrang bilis at inatake siya gamit ang katana. Hindi ito nakailag o nakatakbo. Kaya naman napasailalim ko siya at napahiga siya sa lupa. Tinutok ko ang utlis ng katana ko sa mukha niya. Pero s’yempre, hindi ko naman nilalapit. Para lang sinasabi kong na sa akin ang alas ngayon. Napabuntong-hininga si Natan at nagtaas ng kamay. Parang sinasabi nitong tinatanggap nitong talo na siya. Lumapit sa amin si Kapitan Harlek kasama ang dalawang kawal na kasama nito. “Ang nanalo sa round na ito ay si… Avel!” sambit ni Kapitan Harlek. Tinulungan ng dalawang kawal tumayo si Natan. Napabuntong-hininga ang binatilyo. Umakbay naman ako sa kanya kahit hindi ko siya kilala. “Huwag kang madisappoint. Hindi ka mahina. Nagkataon lang na nanalo ako. Pero malakas ka, at nakikita ko sayo ang kagustuhan mo na manalo sa laban, kung ganito ka sa training, siguradong mas ipaglalaban mo pa ang sanlibutan sa tunay na laban,” pagco-comfort ko rito. Nakita ko ang pagsinghap nito. “S-Salamat po,” Kiming ngumiti lang ako. Tinignan naman kaming dalawa ni Kapitan Harlek. “Tama si Avel, Natan. Pinabilib mo kami sa pinakita mo. Nakikita naming sayo ang eagerness mo na manalo at kung sa totoong laban ito, ay malaking bagay ‘yun dahil gagawin mo ang lahat para sa Ereve at sa mundo. Kailangan mo pang mag-training nang maigi, magiging ganap na malakas ka rin,” Naging masaya na ang mukha ng binatilyo. Sa kabilang bandaa naman ay tumingin naman sa akin si Kapitan Harlek. “Congratulations, Avel. Ikaw ang nanalo sa round na ito. Pinatunayan mo sa amin na ikaw talaga ang lalaki sa propesiya. Nagustuhan naming ang strategy mo. Alam naming naisip mong mag-defense muna dahil si Natan ay puro offense ang ginawa. Tama ka, kapag nag-defense ka, walang masyadong lakas ang mawawala sayo at mapag-aaralan mo pa ang bawat kilos at galaw ng kalaban mo. Dahil don, ay napahanga mo kami.” Ngunit nagseryoso ang mukha nito. “Gayunpaman, may nakikita pa kaming problema at kailangan mong baguhin ito. Kanina, sa laban mo, alam naming sinadya at nag-inarte si Natan na nasaktan ito. Ginamit ni Natan ang emosyon mo dahil alam niyang malambot ka at madali kang mapaniwala. At tama nga siya. Dahil naging vulnerable ka agad at nagalala sa kanya, kaya naman nakagawa siya ng paraan para maatake ka ulit. Kung sa totoong labanan ‘yan, magagamit sayo ng kalaban ang kahinaan mong ‘yan. Masyado kang maawain. Tandaan mo, ang awa, binibigay ‘yan sa tamang tao,” paalala nito. Napangiwi ako kasi tama naman ito. Naging malambot ako kanina. “Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko, Avel?” tanong nito. Tumango ako. “Naiintindihan ko, Kapitan Harlek,” “Mabuti. Dahil sa susunod na training mo, ayaw ko nang makikitaan ka ng ganoong emosyon. Sinasabi ko sayo, gagamitin ng kalaban ang kahinaan mong ‘yan,” Tumango ako pero hindi na nagsalita. Pinapaintindi ko sa utak ko ang mga sinabi nito. Tumingin sa akin si Natan at yumuko pa. “Kinagagalak ko pong makatunggali ka, Avel Basilio,” “Naku, bakit parang sobrang pormal mo naman sa akin? Pero salamat. Muntik na ako roon. Ang galling mo,” totoong puri ko. Nagbilin pa ng kung anu-ano si Kapitan Harlek bago nito tuluyang sinabi na pwede na ako umuwi at meron kaming training ulit kinabukasan. Hinanap ng mata ko si Aerith. Nasaan kaya ang dalaga? Siguro, parehas din naming hinahanap ang isa’t-isa dahil nakikita ko ang prinsesa na lumilinga. “Avel!” sambit nito nang makita ako. Napangiti ako. Ang gaan ng aura niya. Kay gandang babae. “Aerith,” “Kamusta ang training mo? Tapos na kami. Bukas ulit,” “Katatapos ko lang din. Ayun, ayos naman,” “Panalo ka ba?” Napangiti ako at tumango. “Hindi ko nga inaasahan ‘yon. Magaling na bata si Natan,” “At magaling ka rin. Nakikita ko ang kagustuhan mo na matuto kahit mahirap,” Parang may humaplos naman sa puso ko. Naniniwala sa kakayahan ko si Aerith. Iyon pa lang ay sapat na upang matuwa ako. “Salamat,” Sabay kaming naglakad pauwi. “Ano ka ba? Hindi ako nangbobola. Sinasabi ko lang ang totoo. Kaya naman lahat ay inaasahan ka. Huwag kang magalala, Avel. Ang mga taga Ereve ay susuportahan ka,” Napangiti na ako nang malawak. “Ikaw, kamusta naman ang training mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD