Kabanata 47

1074 Words
AVEL Hyper na hyper ang pakiramdam ko dahil sa kinain kong kakaiba na pagkain. Ang sarap pa. Kakaiba ang lasa. Parang walang makakapantay na lasa sa sarap nito. Papunta na kami ni Aerith sa training ground. “Ano kaya ang panibagong ituturo sa akin ni Harlek? Sana naman makaya ko,” nakangiwing sabi ko. Ngumiti sa akin ang dalaga. “Huwag ka masyadong mag-alala, Avel. Alam kong makakaya mo ‘to. Atsaka, nararamdaman mo na ba ang paglakas ng katawan mo?” Tumango ako. “Oo. Parang ag gaan ng pakiramdam ko. Parang lahat ay napakadali. Gusto ko ng ganitong pakiramdam. Nawala ang sakit ng kasu-kasuan ko. Ang sakit pa naman ng katawan ko nitong nakaraan, walang patawad si Kapitan Harlek mag-training,” Natawa ang babae sa narinig. “Ganoon talaga ‘yun mag training si Kapitan Harlek. Pero tignan mo, effective naman. Ang bilis mo natuto eh,” “Sabagay. Ikaw, ano na ba ang training niyo ngayon?” tanong ko. Ikiniling nito ang ulo. “Wala naman masyadong pagbabago. Atsaka, hindi kami katulad mo na lagi-laging nagpapalit ng training. Iisa lang naman ang focus ng training naming mga Enchanted. Ang maging flexible ang aming mga katawan at paghusayan ang aming mahika. So far, marami kaming natututunan. At masasabi kong medyo mas bumilis ang pagkilos ko ngayon kesa noon,” Napangisi ako. “Talaga ba? I’ll be the judge of it, Aerith. Kung talagang bumilis ka, takbuhin natin dito hanggang sa training ground,” yaya ko sa kanya. Naapasinghap ito. “Avel!” Tinaasan ko siya ng kilay. “What? Don’t tell me na aayaw ka na agad? Suko ka na ba agad, Prinsesa Aerith?” Mukhang na-tsallenged naman si Aerith kaya naman tumango ito. “Hmm, sige na nga,” Natawa ako sa napilitan niyang itsura. “O, sige, pagbilang ko ng isa hanggang tatlo tatakbo na ha,” Seryoso naman ang mukhang tumango ito. “Sige,” “Isa…” “Dalawa…” “Tatlo…!” Mabilis kaming kumaripas ni Aerith ng takbo. Hindi ko alam kung dahil sa pagkaing kinain namin, pero iba talaga ang sigla niya ngayon. Ang liksi ng katawan niya. “Wow. Pinapabilib mo ako, Aerith. Dahil ba ‘yan sa training niyo?” Lumingon ito sa akin at kinindatan ako. Pakiramdam ko parang nahulog ang puso ko. “Siya nga. At kaya mukha akong energetic ngayon dahil sa kinain natin. Parang naging bata ulit ang katawan ko,” Tama si Aerith sa sinabi nito. Parang ganoon nga ang pakiramdam. Parang bumata ang katawan ko. Kung sana, hindi lamang limitado ang supply ng pagkain na ito, magagamit ito ng lahat sa digmaan. Nakita kong medyo mas nakakausad sa akin si Aerith. Natutuwa naman ako dahil hindi lang siya basta prinsesa. Ngayon alam kong kaya talaga nitong ipagtanggol ang sarili sa parating na sakuna. Pero, s’yempre, mas mabilis pa rin ako sa kanya. Nilagpasan ko siya ng takbo hanggang sa marating naming ang finish line kung saan kami naghihiwalay ng landas. Hingal-kabayo ang dalaga pagkatapos. “Whew! Ang layo rin pala ng nilalakad natin. Mukhang hindi pa naguumpisa ang training ko, pagod na ako,” nakangiwing sambit ni Aerith. Hindi ko mapigilan na hindi matawa. “Kumain ka rin naman ng kakaibang pagkain na ‘yon eh. Mas lamang ka pa rin sa mga kasama mo. But, yeah, infairness. Talagang nakita kong mas bumilis ka ngayon. Dati para kang lalampa-lampa eh. Atsaka, mabagal talaga ang pag-galaw mo noon. At least ngayon, nakitaan kita ng improvement,” Napangisi ito. “S’yempre. Anong akala mo, ikaw lang ang nag-improve? Kami rin, Avel.” Pinisil ko ang ilong niya. Nanggigigil kasi ako. Napakacute niya. “Oo na. Sige na, pumunta na tayo sa training natin at baka mapagalitan pa tayo ng masusungit na kawal,” Napahagikgik ito. Natigilan naman ako sa ginawa niya. Napakaganda niya sa aking paningin. Para siyang diwata. Wala sa sariling nahaplos ko ang pisngi niya. Tila nagulat din ito pero hindi nagpahalata. Akala ko sasampalin niya ako, pero tila nahipnotismo lang din itong nakatitig sa akin. Napalunok ako. Wala pa akong nakikita o nakikilalang babae na kasing ganda ni Aerith. Wala pa akong nakikilalang babae na kasing pino nito kumilos at kasing bait. Mabait at may compassion sa kapwa. Napabuntong-hininga ako. No… hindi maari. Hindi ko maaring magustuhan si Aerith. Siguro, humahanga lamang ako sa kanya dahil magandang babae siya. At mabait. Natural lang naman ang humanga sa isang tao, diba? Pero hindi ibig sabihin n’yon ay may malalim na kahulugan ‘yon. “Avel…” tawag nito. Tila napahiya ako at mabilis ko siyang binitawan. Nahihiya ako sa naging asal ko. Prinsesa siya. At ako ay dayo lamang dito. Walang masama kung magiging magkaibigan kami ni Aerith. Pero hanggang doon lamang ‘yun. Wala akong karapatan na magustuhan siya. Parang langit at lupa kami. Siya ay sa Ereve. At ako sa mundo ng tao. Kung papalarin kami na kami ang manalo sa digmaan, pagkatapos ng lahat ng ito ay kailangan ko ring bumalik sa mundo ko. Kung saan naroroon naman talaga ang buhay ko, ang pamilya ko at mga kaibigan ko. Doon ako nababagay. Parang bumigat tuloy ang pakiramdam ko dahil sa isipin na ito. Parang hindi ko kayang isipin na darating ang panahon na ‘yon. Parang ang hirpa sa pakiramdam. “P-Pumunta na tayo sa training natin. Natitiyak kong hinahanap na nila tayo,” nasabi ko na lamang. Nakita ko ang bahagyang lungkot na dumaan sa mukha niya. Malungkot siya, pero bakit? “Sige. Mamaya na lang ulit,” pilit na ngitian niya ako. Pinisil ko ang palad niya dahil parang mabigat din ang dibdib kong makita siyang malungkot. “Sige, mamaya na lang ulit, Aerith. Good luck sa training mo,” Kahit papaano ay ngumiti ito. “Ikaw din. Good luck,” Naghiwalay na nga kami ng landas. Pigil na pigil ko ang sarili ko na huwag siyang lingunin. Baka maramdaman pa niya. Kaya naman laking pasasalamat ko nang makita ko ang nakasimangot at nakapamewang na si Kapitan Harlek. Halatang naiinip na ang mukha nito kahihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan hindi matawa. Nakakatawa naman kasi talaga ang itsura niya! “Ang tagal mo, Avel. Wala ka sa date. Mag-te-training ka,” Napatuwid tuloy ako ng tayo. Huminga ito nang malalim. “Magsimula na tayo sa panibagong training mo,” Tinawag nito ang isang kawal at nakita kong may bitbit itong malaking bagay na may cover. Napalunok ako. Ano naman kaya ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD