AVEL "Wala namang tamang paraan kung paano makipaglaban gamit ang knuckles at ang spear. Nasa gumagamit 'yon mismo kung paanong klase niya ito gagamitin. Teka, ipapakita ko sayo kung paano ang tamanag pag-gamit nito," ani Kapitan Harlek at sumenyas sa kapwa kawal. Lumapit ito sa kanya at nagusap sila saglit. Lumingon sa akin si Kapitan Harlek. "Pagmasdan mo maigi, Avel. Tignan mo kung paano ko gamitin ang dalawang armas," utos nito. Tumango ako at pinagmasdan siya mabuti. Pumorma ang dalawa bilang handa na sa pakikipaglaban. Nasa kamay na ni Kapitan Harlek ang knuckles at ang spear. Hindi naman ito pumosisyon o kung anu-anong ritwal na kailangan. Binato nito sa kapwa kawal ang spear. Napasinghap ako dahil matulis ang dulo n'yon at kung hindi magiging maingat ay tiyak na dadaplisan ang

