------- ***Bianca’s POV*** - Mabilis na bumitaw si Ylanna sa braso ng asawa ko, parang bigla siyang natauhan nang makita ako. The shock was clear on her pretty face—not the kind that comes from guilt, but the kind that comes from not wanting to be misunderstood. Humakbang pa sya paatras, tila gustong maglagay ng distansya sa pagitan nila ni Hamlet. “Bianca, it’s not what you think,” agad niyang sabi, halos magkasunod ang mga salita. “Hindi kami magkasama ni Hamlet. Nagkataon lang na nagkita kami rito, and—” itinaas niya ang kamay, parang gustong ipaliwanag ang lahat sa isang iglap, “—yung paghawak ko sa kanya, aksidente lang ’yon at—” “Enough, Ylanna.” Mabilis siyang napatahimik sa malamig na tinig ni Hamlet. Hindi man lang siya tinignan ng asawa ko; nakatuon ang buong atensyon ni Ha

