-------- ***Bianca’s POV*** - Napa- calm ako sa sarili ko. Grabe naman itong si Luke. Parang aatakehin ako sa sobrang kilig. Pakiramdam ko, nagkaroon ng sariling mga paa ang puso ko at bigla na lang itong tumalon palabas ng dibdib ko. Napatingin pa nga ako sa floor, baka sakaling nandoon na ang puso ko, gumugulong sa sahig dahil sa bilis ng t*bok nito. Mabuti na lang at wala naman akong nakita. Nandito pa pala ito, ligtas pa rin sa loob ng dibdib ko. At talagang halata namang nandito pa rin ang puso ko sa loob— ramdam ko pa rin kasi ang sugat na nilikha ni Hamlet sa puso ko. Isang sugat na parang binudburan ng asin nang makita ko kanina na magkasama silang dalawa ni Ylanna. Masakit. Mahapdi. Mabuti na lang at nandito si Luke, at kahit papaano, nagawa pa rin niyang pakiligin ang sugat

