----------- ***Third Person’s POV*** - Palakad-lakad si Hamlet sa loob ng VIP room ng Innocent Bar, hawak ang baso ng whiskey na halos hindi na niya namamalayang paubos na. Mula nang umalis si Bianca, parang may permanenteng ingay sa loob ng ulo niya—halo ng galit, kaba, at frustration. Kaya bigla na lang niyang tinawagan sina Jeric, Hanz, at Kian. He didn’t even explain much on the phone. Isang salita lang: “Innocent Bar. Now.” At dahil alam ng mga kaibigan niya na bihira siyang mag-aya nang ganito, agad silang dumating. Naka-upo na ngayon sina Jeric, Hanz, at Kian sa malalambot na sofa, bawat isa may hawak na mamahaling alak. Tahimik lang silang pinagmamasdan si Hamlet na paikot-ikot, parang leon na hindi mapakali sa kulungan. “What is the problem, bro?” tanong ni Jeric, nakasandal

