Introduction

1616 Words
---- ***Bianca's POV*** - “So, you’ve finally returned from another country. No wonder your husband hates you—because all you’ve ever done in life is go abroad and spend the money your husband worked so hard to earn. Talagang—” Isang malakas na sampal mula sa akin ang pumutol sa iba pang sasabihin ng babaeng bigla na lang humarang sa akin. Nakapamaywang pa ito habang pinagsasalitaan ako na parang kung sino siya. Hindi ko naman siya kilala, at to be honest, nakasanayan ko na ang ganitong eksena. Being known as the despised wife of Hamlet Montreal, marami talagang gustong i-provoke ako. Of course, kapag lumaban ako, ako pa rin ang mas lalong lalabas na masama sa paningin ng asawa ko, and it makes him hate me even more. But I am not a people pleaser. I don’t live my life trying to please anyone—not even my own husband. If someone insults me and tries to bully me, lumalaban talaga ako. I make sure they know exactly who they’re dealing with. “How dare you slap me?” galit na sabi ng babae. “Alam mo bang puwede kitang ireklamo for physical assault?” pananakot niya, na ni hindi ko man lang ikinabahala. “Really? If that’s so, then—” Isa na namang sampal ang ibinigay ko sa kabilang pisngi niya. “Walang hiya ka! Talagang ire-reklamo kita!” halos mangiyak-ngiyak na nitong sabi. Sinampal ko siya ulit—at sa pagkakataong ito, mag-asawang sampal pa ang binigay ko. “Walang hiya ka! Tama nga sila, ang sama mong tao! You really are wicked!” “Yes. I am,” nakangisi kong sagot. “Next time, kikilalanin mo muna ang kakalabanin mo. You said you want to sue me for physical assault? Go on, dear. Kaya nga sinampal kita nang sinampal—so I can satisfy myself before you sue me." Napasimangot siya at tiningnan ako nang sobrang talim, ngunit wala na akong oras para makipagtitigan sa kanya. Nilampasan ko siya habang nagngingitngit siya sa galit. Sigurado ako—kung sino man ang babaeng iyon, magsusumbong na naman iyon kay Hamlet. At sasabihin na naman niya na wala naman siyang ginagawa sa akin, pero sinampal ko raw siya nang walang dahilan. Sinong hindi maiinis? I’m tired. Kakadating ko lang mula sa ibang bansa, at dumaan lang ako sa comfort room dahil sa tawag ng kalikasan, tapos bigla akong hinarang ng isang babaeng kung ano-ano agad ang pinagsasabi. Hindi ko lubos maisip, kahit sa airport, may mga taong gusto pang lalo akong sirain sa paningin ng asawa ko. What’s the point of defending myself when I’ve been judged ever since? I am only protecting myself from people who want to bully me. Simula pa noon, ang tanging dahilan kung bakit nasasangkot ako sa gulo ay hindi dahil hinahanap ko ang gulo, kundi dahil lumalaban ako. But people will always think of me wrongly. For them, I am wicked. Many hate me—and most of them are women who want my husband. Bago pa man kami ikinasal ni Hamlet, maraming babae na ang dumaan sa kamay ko. Mga babaeng gustong agawin siya sa akin. Lahat sila, hindi ko binigyan ng pagkakataon. Simula pa noon, wala akong ginawa kundi alisin sa landas namin ni Hamlet ang mga babaeng tingin ko ay hadlang para magkatuluyan kami. And I succeeded. Hamlet and I got married—three years ago. He married me even though he has hated me since the beginning. At oo, talagang galing ako sa ibang bansa. Madalas akong lumipad papunta roon dahil iyon ang papel ko sa kumpanya ng asawa ko—his very own business. I’m the one dealing with the international market. Isang international pharmaceutical company ang pagmamay-ari ni Hamlet, and we are both chemists. And yes, I really do my shopping abroad. I spend money—and I deserve to. I was born into luxury. What’s wrong with spending my money and my husband’s money? Iyan lang naman ang kayang ibigay ng asawa ko sa akin, kaya ginagamit ko hanggang sa makayanan ko. It’s my way of coping with the silent sadness I endure. I don’t know why some women are so envious. Kasalanan ko ba na kahit hated wife ako, I almost have everything? Not to mention that I am beautiful, and my body is like a living Barbie doll. Kung inggit sila… sana pumikit na lang sila. Napangiti ako nang makita ko ang pamilyar na kotse na alam kong matiyagang naghihintay sa akin. Agad akong lumapit, at para bang sanay na sanay, awtomatikong bumukas ang compartment. Maingat kong ipinasok ang mga trolley ko roon at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kotse, naupo sa tabi ng driver’s seat. “Mukhang masama ang timpla ng mukha mo ngayon. Sino na naman ang sumira sa araw mo?” Nakangiti at pabirong tanong iyon ni Graham—my husband’s twin brother, and my best friend ever since. “Don’t ask. You already know,” nakasimangot kong sagot habang nag-cross arms ako at isinandal ang likod sa upuan. “Kung ako lang sana ang pinakasalan mo,” aniya sa seryosong tono pero halatang may halo pa ring biro, “you wouldn’t have to deal with women like that. Ako ang bahala sa kanila. I’ll make sure na walang babaeng mangahas na pumasok sa pagitan nating dalawa dahil ipagsisigawan ko sa buong mundo how much I value you as my wife.” Tila seryoso ang timpla ng mukha niya, pero kilala ko si Graham. Hindi iyon totoo. We were never romantically in love with each other—never. “No thanks,” sagot ko. “I like your twin brother ’cause he’s an asshole. You’re too good for me. A b*tch like me is a perfect match for your asshole brother.” Napatawa siya nang malakas sa sinabi ko bago pinaandar ang sasakyan. Kahit anong bigat ng araw ko, may paraan si Graham na pagaanin iyon. Nag-usap kami ng kung anu-ano—random topics na wala namang sense minsan pero nakakatawa. Walang nakakabagot sa biyahe kapag si Graham ang kasama ko. If Hamlet hates me to his core, Graham is the complete opposite—he likes me a lot. He treats me kindly. We’ve been best friends since childhood. Mas matanda sina Graham at Hamlet ng tatlong taon sa akin. Ilang sandali pa, tumunog ang cellphone ko. Si Mommy ang tumawag. Mabilis ko naman iyong sinagot. “Bianca, nakauwi ka na ba ng bansa?” tanong ni Mommy pagkatapos naming bumati sa isa’t isa. “Yes, Mom. Why?” “That’s good. Next week, your sister Ylanna will be back. Gusto kong samahan mo kami ng daddy mo na sunduin siya sa airport.” Napalunok ako, at para bang nanigas ang buong katawan ko sa narinig. Ylanna is back. Hindi ko alam pero hindi ako komportable sa balitang iyon. Hindi dahil masama siyang tao—hindi. In fact, she’s too kind. She’s gentle. She’s everything a perfect daughter should be. At ako? Ako ang kontrabida sa aming dalawa. Siguro nai-insecure lang talaga ako. She’s the biological child. And I was just… adopted. Four years old ako nang kinuha ako nina Mr. Denver at Mrs. Melody Montenegro mula sa orphanage. They said they lost their third child—same age as me, same features. May dalawa na silang anak nung dumating ako: si Kuya Dexter at si Ate Deanne. Labing-walo ako nang mahanap nila ang totoong anak nila. Their real daughter, Ylanna. Simula noon, hindi ko maiwasang ma-insecure. I used to be the youngest—the princess, the spoiled one, the so-called bundle of joy. At mas lalo lang akong kinain ng inggit nang naging malapit si Ylanna kay Hamlet. They said she was the one Hamlet loved, not me. At marahil, tama sila. Hamlet doesn’t love me, and I know—he clearly likes Ylanna, the way he hates me. Gusto pa ngang bawiin ni Hamlet ang pangako niya nang bumalik si Ylanna noon. Sabi niya, the promise he made to my father—after my father saved him when he was seven—was meant for the biological daughter, not for someone adopted like me. I hated that. Because the promise was given to me. In front of me. And I held on to that promise. I clung to it so tightly because it was the only thing I had from him. Sa huli, nagawa kong ipadala si Ylanna sa ibang bansa, just so she wouldn’t ruin what I’d been building with Hamlet for years. And now—she’s coming back. Humugot ako ng malalim bago ko sinagot si Mommy. “I don’t know, Mom. Titignan ko muna ang schedule ko,” tanggi ko. Ang totoo, ayaw ko talagang sumama. Ylanna and me are not close. Ni hindi kami komportable sa isa’t isa. Bakit ko pa siya sasalubungin? “I hope you are available,” paalala ni Mommy. Nagpaalam na rin kami agad pagkatapos. “What did your mom want? At para kang naurong dyan.” tanong ni Graham, halatang curious. “Ylanna will be coming home and—” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niyang ihinto ang kotse. Napaabante pa ang katawan ko at muntik nang masaktan ang maganda kong mukha kung hindi lang ako nakakapit. “What is your problem?” iritado kong sabi. “She’s back?” bulalas niya, nanlaki ang mata. Imbes na sagutin ako, iyon ang lumabas sa bibig niya. And I understand. Graham and Ylanna… had a past. Hindi ko alam ang buong nangyari sa kanila. Ang sigurado ko lang—noon, sinabi niyang siya ang bahala kay Ylanna. Sisiguraduhin niyang hindi ito papagitna sa aming dalawa ni Hamlet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD