--------
"What? What did you say? You're going to annul our marriage?"
Nanlaki ang mga mata ni Hamlet habang nakatitig sa annulment papers na inilapag ko sa harapan niya.
"Yes."
Iyon lang ang nasabi ko. Pilit kong pinipigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Ramdam ko na lang ang matinding init sa aking mga mata, senyales na konting kibot na lang ay bibigay na ako. Pero hindi ako puwedeng umiyak. Kailan pa ako umiyak sa harapan niya?
"Why now? Bakit ngayon mo pa naisipang tapusin ang kasal natin? Bakit ngayon pa na bumalik si Ylanna? Gusto mo bang isipin ng mga tao na siya ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay? I don't want people to think that way. You know that—"
"I know. She's not the reason why you hated me and why you can’t love me. You despised me for who I am."
Pinutol ko ang sasabihin pa sana niya. Masakit. Lagi namang masakit kapag ito ang usapan— but I manage to smile just like I always did.
"Don’t worry. People won’t think that way. They’ll put the blame on me. No worries."
Nakangiti kong inilapag ang isa pang papel sa mesa. Isang dokumentong magbabago ng lahat. Hindi ako nagpakita ng kahit anong takot. Sa halip, parang ipinagmalaki ko pa ang ipinapakita ko sa kanya.
"What is this?" tanong niya, kunot-noo, kahit halatang alam na niya kung ano iyon.
"Ohhhh… hindi mo alam?" ngisi ko. "Well, that’s my pregnancy test result. I am pregnant." Proud kong sabi, halos may yabang pa sa ngiti ko.
Napanganga siya, halatang natigilan. Muli siyang tumingin sa pregnancy report, tila tinitiyak kung tama ba ang nakikita niya. Maya-maya pa, humigpit ang kapit niya sa papel—ramdam ko ang panginginig ng kamay niya dahil sa galit. At sa huli, marahas niyang ginusot ang papel bago ako titigan nang matalim.
"How dare you, Bianca? How did you become pregnant?" galit na galit niyang tanong.
"Obviously… I cheated. Nagtaksil ako sa kasal natin." kalmado kong sagot.
Sinalubong ko ang titig niya. Walang takot. Wala na akong natitirang dahilan para matakot. Pinaghandaan ko ito. Plinano ko ito nang mabuti.
"Paano? Paano mo nagawa ito sa akin?"
Napatayo siya sa sobrang galit. Pero alam ko—hindi puso niya ang nasaktan. Pride niya ang nagdurugo, hindi damdamin. Sa aming dalawa, ako lang naman ang nagmamahal. Ako lang ang gumagawa ng mga paraan para maikasal kaming dalawa. Pero sa huli, ako rin ang gumawa ng huling hakbang para tapusin ang lahat. Ako rin ang nagtaksil sa amin.
"Paano? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" balik ko sa kanya, hindi na rin maitago ang galit. "We’ve been married for three years, and yet, you only touched me once—just to show me how much you despised me. I am a woman, Hamlet. Nasasaktan din ako. I needed your attention. I longed for it. I wanted you to hug me, kiss me, make love to me… but you never saw me as someone worthy of that. Of your attention."
Humugot ako ng malalim na hininga, pilit na pinapantay ang boses ko.
"Then one night, sumabog ako. I got drunk and had a one-night stand with someone. And it didn’t end there. Nasundan pa iyon nang magkita kami ulit. He was the man who made me feel the beauty of being a woman—something you failed to do for three years. I already wasted my whole life on you. Now, I don’t want you anymore. Let’s go our separate ways. Because I plan to keep this baby."
Natahimik siya. Nakatitig lang. Walang masabi. Parang hindi niya lubos maisip na magagawa ko ito—ako na minahal siya nang sobra, ako na kailanman ay hindi niya inakalang magtataksil sa kanya. Na hindi kailanman, tatalikod sa kanya.
"Anyway…" ngumiti pa ako, pilit pero matatag, “…my lawyer will be the one to coordinate with you regarding our annulment. Just sign it right away. You don’t love me after all. There’s no need to hold on to a cheater like me. It’s time for you to be happy and chase the love you always wanted."
Masakit iyon. Parang may humihiwang kutsilyo sa puso ko. Pero hindi ako nagpakita ng kahit anong senyales na nadudurog ako.
"Goodbye, Hamlet."
Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Tumalikod ako at lumakad palabas ng opisina. Kunting-kunti na lang at iiyak na ako. Pero hindi ako iiyak sa harap niya.
Pagkalayo ko, marahan kong hinaplos ang tiyan ko. Totoo akong buntis. Pero hindi ko siya niloko. Hindi ako nagtaksil. Ang gabing sinasabi ko… iyon ang gabing maingat kong inihanay ang lahat. A night with him. A night he couldn’t remember. Isang gabing itinanim ko ang tanging kagustuhan ko—magkaroon ng anak mula sa kanya.
I love him since I was five. My father saved him once, and Hamlet promised to marry his daughter—me. I grew up clinging to that promise like it was the only thing keeping me alive. But as we grew older, his hatred for me only deepened. In his eyes, I wasn’t just flawed—I was wicked. At talaga naman wicked ako. Kung sa isang kwento, ako yong kontrabida.
Then finally, he married me. I thought that was the fulfillment of my dream—that someday, he would learn to love me back. But instead, he only grew to despise me even more. Maybe because, in his eyes, I was never worthy of being his wife in the first place.
And I got tired. Tired of everything. Tired of being the hated wife. Tired of loving someone who never once looked my way.
Now… a new chapter is waiting for me to open. A chapter without Hamlet—yet carrying the one truth I’ve longed to share with him. A child. Our child.
This is my secret.
My forbidden secret.
And I plan to keep this forever.
-
This is just a Prologue. The first chapters happened before this Prologue. Thanks and Godbless. Salamat sa mga magiging readers ko nito.)