The bomb named Hamlet!

1508 Words
--------- ***Bianca's POV*** - You are the dancing queen Young and sweet, only seventeen Dancing queen Feel the beat from the tambourine Oh yeah.... Hindi ko mapigilan ang sarili kong pakanta-kanta at pasayaw-sayaw habang sumasabay ako sa tugtog na nagmumula sa cellphone ko. Parang kusa na lang gumagalaw ang katawan ko sa bawat beat ng music, gaano man ito kalakas o kahina. Kasalukuyan kong inilalabas mula sa paper bag ang mga binili kong high-branded na mga dress kanina. Isa-isa ko silang inilalatag sa kama habang sinusuri ang bawat detalye. Maingat akong pumipili ng pwede kong isuot ngayong gabi—yong may pagka-revealing, yong agad mapapansin ang magandang hubog ng katawan ko. May pupuntahan ako mamayang gabi kasama ang mga close friends ko dahil magse-celebrate ako. Masaya ako. Totoong masaya. Iba talaga ang pakiramdam kapag alam mong may nagagawa ka para sa sarili mo. Parang gusto kong magwala sa sobrang saya, parang gusto kong isigaw sa mundo na buhay pa rin ako at kaya kong maging masaya nang mag-isa. Ano ba ang nagawa ko para sa sarili ko? Syempre, sa wakas, may nagawa na rin akong isang bagay na tunay na ikakagalit ni Hamlet. Kahit wala akong ginagawa, kahit wala akong kasalanan sa kanya, lagi na lang siyang galit sa akin. Kaya ngayon, binigyan ko na siya ng rason na magalit. At least, hindi na siya parang baliw na bigla na lang nagagalit nang wala namang malinaw na dahilan. Ngayon, may nagawa na talaga akong kasalanan sa kanya— tunay na kasalanan. Hindi yong gawa- gawa lang ng ibang tao dahil alam nilang sa akin magagalit si Hamlet. Sigurado ako na may ginawa na si Graham para maipaalam sa kakambal niya ang tungkol sa ginawa kong pagbebenta ng necklace sa sobrang mababa na presyo. Kilala ko si Graham—wala itong pinalalampas na pagkakataon para inisin ang kakambal niya. Kaya maghihintay na lang ako ng magandang resulta. Bahala na kung ano ang mangyari, handa na ako. Nagpatuloy pa rin ako sa pagkanta-kanta habang pumipili ng pwede kong suutin mamaya, hanggang sa tuluyan kong napili ang isang dress—sakto, revealing sa tamang paraan, at bagay na bagay sa high-class bar na pupuntahan ko mamaya. Wala na akong sinayang na oras. Agad ko itong isinuot dahil maaga rin akong aalis. Sa labas ako kakain, sa paborito kong restaurant. May date ako ngayon, but I am alone. Hamlet didn’t date me, so I am dating myself. Katatapos ko lang magbihis nang makarinig ako ng malakas na katok sa pinto ng kwarto. Muntik na akong mapapitlag sa gulat, kusang bumilis ang t*bok ng puso ko. Shit! Sino naman kaya ito? Lahat ng maids ay takot sa akin, kaya imposible na isa sa kanila ang may lakas ng loob na gumawa nito. At iisa lang ang pumasok sa isip ko. Well, inaasahan ko na rin naman na galit siya, pero hindi ko inakalang aabot ito sa puntong parang gusto na niyang sirain ang pinto ng kwarto ko. Pero hindi ako natatakot sa kanya. Hindi mentally. Hindi emotionally. At lalong hindi physically. Mabuti na lang at may kaunti akong alam sa self-defense. Wag lang syang magkamali at talagang--- I calm myself first. “How dare you, Bianca?” Ito ang sumalubong sa akin pagbukas ko pa lang ng pinto, mula sa galit na galit kong asawa. “Paano mo nagawang ibenta kay Graham ang necklace na ibinigay ko sa’yo kanina? Are you insulting me? Are you humiliating me?” Madilim ang kanyang anyo at matalim ang titig na ipinupukol niya sa akin. Ramdam ko na galit na galit siya ngayon—at sa halip na matakot, mas lalo pa akong nasiyahan. Ito nga ang gusto ko—ang makita siyang parang sasabog na sa galit. ’Yong maramdaman naman niya ang stress na matagal ko nang dinadala, ang bigat na paulit-ulit kong nararamdaman sa tuwing para sa kanya, ako ang masama, ako ang nagkamali, ako ang laging may kasalanan, ako ang wicked. Well, I know that I am… sometimes. Hindi ako perpekto, at may mga pagkakataong nagkakamali rin talaga ako. Pero sumusobra na siya sa judgment niya sa akin—na parang wala na lang kahit isang magandang katangian sa ugali ko, puro mali na lang ang nakikita niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Na parang hindi talaga ako apektado sa galit niya. “I don’t like that necklace. Ibinigay mo ’yon sa akin. So, I have all the right to sell it. Do you have a problem with that?” sabi ko sa isang kaswal na paraan. Na parang isang kaswal lang na bagay ang ginawa ko. Napanganga siya. Hindi siguro niya inaasahan ang sagot ko. Well, talagang sarkastik akong sumagot sa kanya minsan, lalo na kapag naiinis ako. Siguro iba ang hindi niya inaasahan mula sa akin--- yong hindi ko magustuhan ang ibinigay niya lalo na’t he spent too much of it. The truth is, I really love it—but I have to let it go, not because I want to, but because it’s meant to be that way. That’s just how life works, and it’s something I’ve slowly learned these past days: that even when you love someone or something deeply, you still have to know when it’s time to let go. “You!” galit niyang sabi matapos ang ilang segundo. Hindi niya ito maituloy. Kita ko kung paano niya pilit kinokontrol ang sarili niya, halatang sinusubukang pakalmahin ang emosyon niya. “What exactly are you doing, Bianca? Kung ginagawa mo ito para makuha ang atensyon ko, sinasabi ko sa’yo—you’re not succeeded.” He is right. Ginagawa ko talaga ito para makuha ang atensyon niya. Paano ko mararamdaman na puputok siya sa galit kung hindi siya apektado sa mga ginagawa ko? “Really, Hamlet?” ngumisi ako. “If I didn’t succeed in getting your attention, sana ngayon hindi ka parang nagwawala diyan sa sobrang galit. Siguro ngayon, if not in your office, you’re in your room—cold, distant, and didn’t bother to check on me.” “So, tama ako. Talagang ginagawa mo lang ito para sa atensyon ko?” “Ano pa nga ba?” walang alinlangan kong sagot habang sinalubong ko ang titig niya, hindi man lang umiwas. “Kung ayaw mong pagtatawanan kita sa bandang huli, don’t bother me. Okay?” Ngumisi ako muli—isang nakakalokong ngisi ang sinadya kong ipakita. “Umalis ka na sa daraanan ko. Huwag kang humarang-harang sa pinto ng kwarto ko,” naiirita kong sabi sa kanya. Napatitig siya sa akin. Maya-maya pa, kunot-noo niya akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa, wari’y sinusukat ang bawat pulgada ng suot ko. “Saan ka pupunta at bakit ganyan ang suot mo, Bianca?” “Pupunta ako sa bar, kasama ang mga friends ko,” nakangiting sagot ko sa kanya, halatang wala akong balak magpaliwanag pa nang higit doon. “Ano? ’Di ba I forbid you na pumunta sa mga bar? Doon ka madalas gumagawa ng gulo. Kung sino- sinong mga babae ang binu-bully mo.” Nakuyom ko ang kamao ko. I am the one bullying? Sigurado ba siya sa sinasabi niya? Sadyang dahil kilala ako bilang hated wife, marami talagang babae ang gustong gatungan pa lalo ang galit at pagkamuhi ni Hamlet sa akin. Tapos ngayon, sasabihin niya na ako ang nambu-bully. Kasalanan ko bang hindi ako nagpapaapi sa mga babaeng makakati na gustong-gusto yatang maging kabit ng asawa ko? Hindi lang talaga niya ako hinayaang magpaliwanag, at mas pinili niyang maniwala sa kanila. Iyon ang totoong problema. “Hindi pa kita pinapayagan na pumunta sa isang bar, Bianca,” dagdag pa niya, mariin at walang puwang para sa pagtutol. “At sino ka para pigilan ako?” galit kong sagot. “Even though you are my husband on paper, you still don’t have the right para pigilan ako sa gusto kong gawin. May karapatan akong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa akin, lalo na ’yong bahagi ng stress-reliever ko.” Nanggagalaiti kong tinapos ang sinabi ko. “Umalis ka. Sinayang mo ang oras ko.” Tumabi naman siya, halatang napipilitan. Saka ko siya nilampasan. Iiwan ko na sana siya nang muli siyang nagsalita, dahilan para mapahinto ako sa paglakad. “Bianca, I know this is just part of your being rebellious. And you just wanted my attention, which you won’t be succeeded. Kaya kung inakala mo na susundan kita sa bar na pupuntahan mo, nagkakamali ka. Hindi ko ’yan gagawin. I don’t care what you are going to do with your life. Bahala ka kahit anong gawin mo." Well, it’s still painful. Hindi pa kasi ako one hundred percent na nakaka-move on, kaya natural lang na masaktan. Pero hindi ko hahayaang maapektuhan ako nito. Nagpatuloy ako sa paghakbang at iniwan ko nga siya. Naririnig ko ang sunod-sunod niyang pagmumura sa likuran ko. And I smiled—ibig sabihin lang nun, talagang galit na galit si Hamlet. Nakakatuwa naman. Parang gusto kong magpaparty sa tuwa. Talagang gagawin ko ang gusto ko at hindi ko iisipin kung ikakagalit niya iyon. Ngayon gabi...I am a free Bianca.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD