--------
***Bianca's POV***
-
"Anong kailangan mo? May problema ba? Mukhang urgent talaga ang kailangan mo sa akin.”
Agad na tanong ni Graham sa akin pagkaupo ko pa lang sa upuan na nasa harapan ng mesa niya. Nakaupo naman siya sa executive chair. Ramdam ko ang pag-aalala sa tinig niya.
Imbes na sagutin ko siya, tahimik kong inilapag sa mesa ang isang maliit na kahon. Kunot-noo namang napatingin si Graham sa kahon, saka sa akin, tila sinusubukang hulaan kung ano ang nasa loob nito.
“Alam ko kung ano ang nasa loob niyan,” sabi niya sa wakas. “The Pearl of the Lost Ocean Necklace. Nakipag-bid pa ako sa kakambal ko para diyan. Nag-iisa na lang kasi ang piece na ’yan at talagang gusto ko ang necklace na ’yan.”
Hindi naman talaga mahilig sa mga jewelry si Graham, kaya nakapagtataka na gusto rin niyang bilhin ito. Well, ano man ang reason niya—bahala na siya roon. Ang mahalaga, sigurado akong sasabog sa inis si Hamlet sa gagawin ko.
“Nung umabot na kami sa fifteen million, I stopped,” dagdag niya. “Sinabi kasi niya sa akin na ibibigay niya raw ’yan sa’yo. Why did you bring that here?”
Mas lalo pang kumunot ang no oni Graham. Halata ang pagkalito niya.
“Ibebenta ko ’yan sa’yo ng one million,” walang alinlangan kong sabi, kasabay ng isang malapad ng ngiti.
“What?!” Sobrang panlalaki ng mga mata ni Graham, halatang nagdadalawang-isip kung tama ba ang narinig niya. “Did I hear you right?”
“Yes, Graham. Talagang ibebenta ko ito sa’yo ng one million pesos.”
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko. Tila ba sobrang confident ako sa sinabi ko. Kilala ko si Hamlet—once na malaman niya ang tungkol dito, sigurado akong magagalit siya nang sobra.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Graham, kunot-noo habang masinsinang nakatingin sa akin. “You know my brother, Bianca. He bids. Malinaw na ayaw niyang mapunta sa akin ang necklace na ’to kasi plano ko sana itong ibigay sa birthday mo. Nang malaman niya ’yon, bigla na lang siyang nakipag-kompetensiya sa akin, na para bang may kailangang patunayan.”
Sandali siyang huminto, tila iniisip pa rin ang nangyari.
“He spent fifteen million on this,” dagdag niya, bahagyang napailing. “Tapos ibebenta mo lang sa akin ng one million? Hindi mo ba naisip na magagalit nang sobra si Hamlet dito?” Tinaasan niya ako ng tingin, halatang seryoso. “He will get furious at you, Bianca. Kilala mo siya. Hindi siya basta nagagalit—sumasabog siya.”
Napangiti ako. Perfect.
“Really, Graham? Birthday gift mo sana ito sa akin?” tanong ko. “Iregalo mo na lang ’yan sa akin sa birthday ko.”
Sigurado akong mas magagalit si Hamlet kapag mangyari yon, kapag ito ang iregalo ni Graham sa akin. Pero medyo matagal pa naman ang birthday ko. Baka… nag-disappear na ako sa buhay ni Hamlet pagdating ng araw na ’yon.
Sina Hamlet at Graham—well, bahala na silang mag-away. Mga malalaki na sila. At saka, lagi naman talaga silang nagkokompetensiya sa isa’t isa, na para bang ang isa’t isa ang nemesis nila. Para silang dalawang magkaribal—hindi man sa negosyo, pero sa ibang bagay.
Mas lalo pang napanganga si Graham, parang sini-sink in pa ng isip niya ang lahat ng sinabi ko.
“Hindi mo ba naririnig ang sinabi ko, Bianca? Magagalit ang kakambal ko sa gagawin mo. Wala naman akong pakialam kung magalit siya sa akin. Ikaw ang inaalala ko,” seryosong sabi ni Graham. “I know that you tried your best not to get him mad.”
Tama naman si Graham. I am not a people pleaser, pero I tried my best to please Hamlet. I swallowed my pride more times than I could count. But everything is useless. He still hates me more, no matter what I do, no matter how hard I try.
“He hates me, Graham,” sagot ko, diretso ang tingin sa kanya. “Mahalaga pa ba kung magalit siya? At saka—iyan nga ang gusto ko. Ang magalit siya nang sobra. ’Yung halos hindi siya makatulog kakaisip ng galit niya sa akin, ’yung bawat oras niya, dala-dala niya ang inis niya marinig pa lang ang pangalan ko.”
Hindi agad nakahuma si Graham. Awang-labi itong nakatitig sa akin, para bang hindi pa rin siya sigurado kung biro ba ang lahat ng ito o kung seryoso talaga ako. Maya-maya, sinalat niya ang noo ko, parang tine-check kung may lagnat ba ako o kung may nangyayari sa akin.
“What are you doing?” kunot-noo kong tanong sa kanya, bahagyang umatras.
“Siniguro ko lang na wala kang sakit. O baka naman—” Nanlaki muli ang mga mata niya, sabay bahagyang pag-atras. “—hindi ka si Bianca. Sabihin mo sa akin, sino ka? Sino kang sumanib sa katawan ni Bianca?” Umaksyon pa siya na parang natatakot.
“Wag kang OA, Graham,” natatawa kong sabi. “Pag may makarinig sa’yo, masisira ang imahe mo bilang strict boss.” Huminga ako nang malalim bago magpatuloy, mas mabigat na ang boses ko. “Pero tama ka. Hindi na ako si Bianca. Hindi na ako ang dating Bianca. I don’t want to please Hamlet anymore. I want him to get stressed because of his hatred for me—’yung tipong hindi siya makatulog, kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata niya.”
Ilang sandali ring hindi naka-react si Graham, tila iniintindi at sinusuri kung tama ba talaga ang naririnig niya. Pero matapos ang halos isang minuto, bigla siyang napatawa. Mukhang natutuwa pa nga siya.
“Hindi ko talaga masakyan minsan ang trip mo, Bianca. But still, you amaze me all the time. Fine. Bibilhin ko ito ng one million, just to be your accomplice in your new trip now.”
Ngumiti na lang ako. But this is not just my trip. This is my way of getting myself justice against all the suffering and humiliation I endured from loving Hamlet.
He promised to marry me when I was five. At hindi na talaga ako naka-move forward mula sa pangakong iyon. Palagi iyong laman ng isip ko. I don’t have any dreams; I just wanted to be his wife. Kaya hindi ako nagkagusto sa iba. So he should pay a little for ruining my childhood.
Yes, tinupad naman niya ang pangako niya. But still, I am the one who did all the efforts just for him to marry me.
Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Graham. Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin, kaya nagpaalam na ako.
I’m done with my first step of getting Hamlet furious. Now, I need to go and plan my next step.
Be ready, Hamlet. Patikim pa lang ito. Marami pang kasunod bago ako tuluyang mawala sa buhay mo. And my final act—something you didn’t expect. Isang bagay na hindi mo talagang inaasahan na kaya kong gawin sayo.
Samantala...
F*ck!
Gustong magwala ni Hamlet. He can’t focus on his work right now. Pati ang meeting niya kanina with the marketing team ay hindi rin naging maayos. And why? Because Bianca didn’t show up. He was furious, thinking na kahit malinaw niyang sinabi rito na puntahan siya, halos natapos na lang ang buong araw niya sa opisina ay hindi pa rin ito dumarating. And now, galit na galit na talaga siya.
Fine. Maybe she’s still mad about what happened yesterday. Dumating naman siya sa party. Sadyang unreasonable lang talaga ito. In the end, siya pa ang nag-lower ng pride niya at nagbigay ng necklace dito. Buong akala niya, the necklace can please her, since she likes jewelry a lot. But she’s still throwing her tantrums at him. Talagang sinasagad nito ang pasensya niya—eh maikli pa naman ang pasensya niya. Alam niyang sinasadya ito ni Bianca, just to get his attention.
Ibinaba niya ang hawak na dokumento. Wala naman siyang maintindihan sa mga ito dahil sa inis niya kay Bianca. Kinuha niya ang cellphone para i-text ito. Gusto niyang iparamdam dito ang galit niya, para kabahan ito. Mukhang lumalaki na ang ulo nito.
Pero pagbukas pa lang niya ng cellphone, bumungad na agad sa kanya ang isang chat mula sa kakambal niya. Ano na naman kaya ito?
Pinili muna niyang buksan ang chat ng kapatid.
Naghihirap ka na ba at wala ka nang pang-support sa wife mo? She even came to the point na ibenta ito sa akin for one million. She’s so desperate that it came to the point she lowered the value of the necklace you bought for fifteen million.
Iyon ang laman ng chat mula kay Graham. Kunot-noo siyang napatingin sa screen. Ano bang tinutukoy nito?
Pero may kasunod pang picture, at muntik na niyang maibato ang cellphone sa sobrang galit nang makita ang necklace na tinutukoy ni Graham. That was one of the most expensive things he bought for his wife. Nag-agawan pa sila ng kakambal niya sa bid nito. And now, it’s already in his brother’s hands—for one million. One million only. Samantalang fifteen million ang binayad niya para sa necklace na yon.
He doesn’t care about the money. Ang mas mahalaga sa kanya ay ang ginawa ni Bianca. She insulted him. Parang tinapak-tapakan nito ang pride niya.
“Bianca!” galit na galit na sambit niya sa pangalan nito, habang kuyom na kuyom ang kanyang kamao.
Bianca frustrated him. She’s giving him another headache, and now—direkta na talaga sa kanya.
What is she up to?
Kung inakala nito na nakuha nito ang atensyon niya, she’s wrong.
But still, galit na galit siya sa ginawa ni Bianca. Kaya kailangan niya itong komprontahin. Kailangan niyang ipakita rito kung gaano siya ginalit nito.