The call!

1564 Words
------- ***Bianca’s POV*** - Kahit sugatan ang puso ko dahil sa narinig kong pag-uusap nina Hamlet at Graham kanina, magaan pa rin ang pakiramdam ko dahil sa natuklasan ko. Tignan ko lang kung hindi sasabog ang bumbunan ni Hamlet sa gagawin ko. He broke my heart, so I’m going to bruise his ego—just enough for him to feel it, just enough para maramdaman niya ang sakit na ipinadama niya sa akin. Busy ako sa pagmamaneho habang tinatahak ko ang daan papunta sa opisina ni Graham. I texted him and asked where he is, iniisip ko na baka nasa opisina pa rin siya ni Hamlet. It’s a good thing that he is already at his office; somehow, that makes my plan move a little smoother. Kagagaling ko lang sa laboratory. I have a special drug that I’ve been planning to put to use. I created this formula a long time ago, but it seems like I’ll finally be needing it now. It’s special because I’m only making a single pill, and it’s meant for one person… and one person only. Maya-maya, tumunog ang cellphone ko. Tamang-tama naman at nakahinto ang kotse ko dahil sa traffic. Kinuha ko ang cellphone para sagutin ang tawag. Sana hindi ang Hamlet na iyon ang tumatawag at baka masigawan ko pa siya. Masama pa rin ang loob ko hanggang ngayon, at ayoko munang marinig ang boses niya. Hindi pangalan ni Hamlet ang nakita ko sa screen, kundi pangalan ni mommy. Napalunok ako. Ano na naman kaya ang kailangan ni mommy? Kukulitin na naman ba niya ako na samahan sila ni daddy sa pagsundo mamayang gabi kay Ylanna? Halos nauubusan na ako ng rason na tumanggi sa gusto niya. But still— I have to answer this call. Baka ibang bagay ang kailangan ni mommy sa akin. “Mom,” sagot ko sa tawag niya. “Bianca, how are you?” masiglang bungad ni mommy. “I am fine, mom. You call me every day, asking me this. Okay lang ako. I am happy.” “I miss you every day----- kaya lagi akong tumatawag sayo at kinukumsta ka.” malambing niyang sabi sa kabilang linya. She’s not lucky when it comes to Hamlet, but for her, she is the luckiest when it comes to her family. “Anyway, na-postponed ang flight ni Ylanna. Instead of tonight, tomorrow afternoon na lalapag ang eroplanong sasakyan niya. I am hoping that you have a time tomorrow.” Gosh, akala ko makatakas na ako dito. Ayaw ko talagang makita si Ylanna. I’m not ready to see her again—hindi pa, hindi ngayon. The truth is, hindi ko rin talaga maipaliwanag kung ano bang nararamdaman ko para kay Ylanna. I don’t hate her, pero hindi ko rin siya gusto. Maybe… maybe I’m jealous of her. Yes, hindi ako selosa. But when it comes to Ylanna, talagang selos na selos ako. Although my family, especially my parents, shower me with love, hindi maalis sa isip ko ang posibilidad na baka mas mahal nila si Ylanna dahil ito ang biological child. And Hamlet—well, the affection that I wanted from him, he wants to give it to Ylanna. And even Hamlet’s parents, pakiramdam ko mas gusto nila si Ylanna kaysa sa akin. Ylanna makes me feel that I am less of her in every way, as if I am always one step behind her no matter what I do. Kahit pa sabihin na sa aming dalawa, ako yong lumaki sa karangyaan. Ako ang nakikinabang na dapat sana para sa kanya sa maraming taon. I calm myself bago ako nagbigay ng sagot kay mommy. “I’m sorry, mom, but tomorrow, may out-of-town ako. I have to meet an investor.” A big lie. It’s better to lie than makipagplastikan. “But don’t worry, mom, I am sure Hamlet will come on my behalf.” I am sure of this. Regalo nga para kay Ylanna ay personal pa niyang kinuha; si Ylanna pa kaya. I don’t want to hurt myself more pretending that this won’t happen tomorrow. Alam kong mangyayari at mangyayari ito, at ako na mismo ang maglalagay sa puso ko sa matinding trauma kung pagbibigyan ko si mommy. Nangungulit pa si mommy, pero talagang hindi ko siya mapagbigyan. I love her, sobra pa sa alam niya. Pero kailangan ko ding isipin ang sarili ko. I have to think of my emotional and mental health, dahil kung hindi ko gagawin iyon, ako rin ang unang mababasag. Ayaw kong personal na makita bukas kung paano magningning ang mga mata ni Hamlet sa sobrang kasiyahan dahil after many years, nakita niya muli sa personal si Ylanna. Ano iyon? Ako mismo ang kukuha ng kutsilyo at isasaksak sa puso ko nang paulit-ulit. Tanga lang ako, pero hindi pa ako baliw para gawin iyon. Well, sa bandang huli, naintindihan naman ako ni mommy. Sinabi na lang niya ang tungkol sa party na gaganapin as a celebration sa pagbabalik ni Ylanna. At alam kong wala na akong takas—kailangan ko nang pumunta sa party na ito kahit ayaw ko. Hindi ko naman puwedeng takasan lagi ang pagkikita namin muli ni Ylanna. Ibababa ko na sana ang cellphone ko, pero biglang may tawag muli, at nabasa ko ang pangalan ni Hamlet. Hindi pala pangalan ni Hamlet kasi iba pala ang nakalagay sa phone ko. “My hubby,” tapos may tatlong heart emoji pa. Bigla akong kinilabutan. Hindi ko lubos akalain na ganito pala ako ka-badoy noong mga panahong masyado pa akong nabubulagan sa pag-ibig ko sa kanya. Nakakatawa pero mas masakit isipin na ganito ako nag-effort noon samantalang siya… hindi ko alam kung may halaga ba sa kaniya ang lahat ng ginagawa ko. Talagang papalitan ko ang pangalan niya sa cellphone ko. Kailangan kong mag-isip ng mas maganda—yong babagay sa kanya, at hindi yong magpapaalala sa akin kung gaano ako naging tanga. Bigla kong naalala ang mga panahong binabalewala ni Hamlet ang tawag ko, lalo na noong mga panahon na nasa ibang bansa ako dahil sa trabaho. Kaya imbes na sagutin ang tawag ni Hamlet, diretso kong in-end call at inihagis ang cellphone sa likod na bahagi ng kotse para hindi ako matuksong sagutin ito kung sakaling tumawag siyang muli. Saka ko pinaandar muli ang kotse dahil mukhang galit na ang mga nasa likuran ko. Kanina pa pala umuusad ang mga sasakyan, hindi ko na napansin dahil masyado akong nalulunod sa emosyon ko. Sa wakas, nakarating na rin ako sa kompanya ni Graham. Kinuha ko muna ang cellphone ko mula sa likod at napangiti ako nang makita ko na meron akong 10 missed calls at 10 text messages din—syempre, galing kay Hamlet lahat. Isa lang naman ang nilalaman: puro “answer my call” lang. Nakakairita din, wala man lamang kahit konting pagmamakaawa. Ano ngayon ang pakiramdam mo, Hamlet, na binabalewala ko ang tawag mo? What I did now is just 5% of what you did to me. Tumawag muli siya, at sa pagkakataong ito, napagpasyahan kong sagutin na. Kawawa naman siya. Baka puputok na lang ito sa inis. “Yes,” tila bored kong sagot. “Where are you, Bianca? Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?” “Nabobored ako. Wala ako sa mood na kausapin ka. Bakit ba? Urgent ba ang kailangan mo sa akin?” walang alinlangan kong sagot, malinaw at diretso. “Bianca…” ramdam ko ang inis sa tinig niya. “Nasaan ka? Bakit hindi ka pa rin pumupunta dito sa opisina ko?” Napakunot-noo ako. Kailangan ko bang pumunta ngayon sa opisina niya? Well, nandun naman ako kanina, umalis lang ako dahil sa mga narinig ko. “Bakit ba? Ano bang gagawin ko diyan sa opisina mo?” kunot-noo kong tanong, halatang annoyed pero kontrolado. “What kind of question is that, Bianca? You come here every day to check on me—I’ve gotten used to it. Now I can’t even continue my work because you haven’t shown up yet.” Napanganga ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit, malungkot, o magtaka. Hindi ko rin naman alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng sinabi niya sa likod ng mga salitang iyon, kaya pinipigilan kong bigyan ito ng ibang kahulugan para hindi ako matukso na maging tanga muli dahil sa pag- ibig ko sa kanya. Hindi ako padadala sa sinabi nya, na tila musika sa pandinig ko. Siguro, sinaniban siya ng espiritu ng pagsusubok ngayon, at sinubok ako nito kung talagang matatag ako sa desisyon kong wag nang magpakatanga sa pagmamahal ko kay Hamlet. Kaya ito ang lumabas sa labi ni Hamlet—para lang ma-distract ako, at baka mahulog ako muli sa bitag ng pag- ibig ko sa kanya. Napalunok muna ako bago ko sinagot si Hamlet. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko, kahit na may kunting kasiyahan sa loob ko dahil sa kanyang sinabi. “Wala ako sa mood para makita ang mukha mo, Hamlet.” walang alinlangan kong sagot, habang malapad ang ngiti ko, may halong confidence at kalakasan ng loob. “And besides, everything changes, Hamlet. Don’t get used to something. You shouldn’t grow comfortable with anything you never valued in the first place. Nothing in this world is permanent—except change.” Makahulugan kong sabi sa kanya. Na sana maintindihan niya na marami nang pagbabago ang bubungad sa kanya sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD