------- ***Bianca’s POV*** - Halos dalawang linggo mula nung nag-usap kaming dalawa ni Luke tungkol sa pagkuha ko sa kanya bilang auto dealer ng mga luxury cars ko. Ngayon, magkikita kami para pag- usapan ang tungkol dun. Sa pagkakataong ito, sa isang private lounge ng isang hotel kami nagkita. Tahimik, elegante, at siguradong walang makikialam sa usapan namin. Kaka-upo ko pa lang nang magsalita na siya. “Bianca, I have good news about the cars.” Umayos ako ng upo, biglang naging alerto. “Already?” “Yes.” sagot niya, sabay slide ng tablet sa harap ko. “There were multiple interested buyers, local and international. But I decided to go with just one.” Napakunot-noo ako. “Just one? That’s… unusual. Who’s the buyer?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip, may inilabas siyang sobre mula sa

