------
***Bianca’s POV***
-
Bumagsak ako sa leather seat ng kotse niya, ramdam ko pa rin ang init ng katawan ko—galit, hiya, at adrenaline na nagsasabay-sabay sa dibdib ko. Isinara niya ang pinto nang malakas bago mabilis na umikot at umupo sa driver’s seat. Sa kilos pa lang niya, kitang-kita ko na kung gaano siya kainis.
“Hamlet, ibaba mo ako,” mariin kong sabi habang diretso ko siyang hinaharap. “Babalik ako sa loob. Nandoon ang mga kaibigan ko.”
Suminghal siya, hindi man lang ako agad tiningnan. “Bakit? Para saan?” malamig niyang sagot. “Para magwala ka na naman? Para makipag-flirt ka na naman sa kung sinu-sinong lalaking madaanan mo?”
Bago pa ako makasagot, pinaandar na niya ang kotse—mabilis. Masyadong mabilis.
Naningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa profile niya. Ganito pala ang tingin niya sa akin—isang babaeng kung kani-kanino lumalandi. I feel like I’m about to explode. I want to scream at him, to let everything out. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong iparamdam sa kanya na apektado ako sa mga salitang binitawan niya.
Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko sa gilid ng upuan. Tahimik akong nakatitig sa kanya habang abala siya sa pagmamaneho, parang wala lang ang nangyari, parang wala lang ang sinabi niya. Pero bigla, may pumasok na ideya sa isip ko—isang ideyang alam kong siguradong ikakainis niya nang husto.
Bahagya akong ngumiti.
“Hamlet,” kalmado kong sabi, pilit pinapantay ang boses ko. “Bakit ka ba nagkakaganyan?”
Hindi siya sumagot.
“Why are you so annoyed?” pagpapatuloy ko, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Akala ko ba wala kang pakialam sa gagawin ko? You were the one who said it. But now, it’s like your own words are eating you up.”
Nanatili siyang tahimik, pero ramdam kong biglang bumigat ang hangin sa loob ng kotse.
“Huwag mong sabihin,” dagdag ko, bahagyang tinaasan ang boses ko, “na nagseselos ka. Or maybe—you’re like this now because you’ve fallen in love with me.”
This question is meant to get him irritated. Alam ko na ang sagot. Hindi na niya kailangang sabihin pa.
Hindi ko napaghandaan ang bigla niyang paghinto sa kotse.
Muntik nang mapasubsob ang maganda kong mukha sa dashboard kung hindi lang ako mabilis na nakahawak sa gilid ng upuan. Napasinghap ako—gulat at galit. Agad akong napalingon sa kanya na may matalim na titig.
“Are you crazy?” galit kong tanong. “Ano bang problema mo?”
Agad naman siyang napatingin sa akin, at madilim ang anyo niya. Hindi siya agad nagsalita, pero sapat na ang talim ng mga mata niya para iparamdam kung gaano siya kagalit. It felt like he was deliberately stretching every second of silence, as if he wanted to make me more nervous—but he was wrong. What I felt wasn’t fear, only anger, burning quietly inside me.
“Bianca,” mabigat niyang panimula, mababa pero puno ng inis ang boses. “Quit behaving like you’ve lost your mind and spouting pointless things. You’re making it hard for me to concentrate on driving.”
Napailing ako, pero nanatili akong tahimik. Hindi pa rin ako nagsalita. Pinipigilan ko ang sarili ko, pilit kinokontrol ang emosyon ko.
“Hindi ako galit dahil nagsasaya ka doon sa bar. Hindi rin ako nagseselos dahil nakipag-flirt ka sa ibang lalaki,” dagdag niya, mariing nakatingin sa kalsada. “Nagagalit ako dahil ayaw kong gumagawa ka ng mga bagay na sisira sa pangalan ko bilang asawa mo. As long as we’re married, I have every right to stop you from doing anything that tarnishes my image—as your husband, that’s non-negotiable.”
Parang may malamig na kamay na biglang humawak sa dibdib ko. Biglang bumigat ang paghinga ko. Nakuyom ko ang kamao ko sa gilid ng upuan, ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko kahit pilit ko silang kinokontrol.
He really has some nerve to say this to me. He doesn’t even do his job well as my husband. Pero kung makapagsalita siya, akala mo ay isa siyang dakilang asawa.
I didn’t say a word, pero sobra talaga akong nanggagalaiti sa kanya. Tahimik lang, pero nag-aalab ako sa loob.
“At isa pa,” dagdag pa niya, mas malamig ang tono, halos walang emosyon. “Kung may dapat mang-cheat sa ating dalawa, ako ang may karapatan. Dahil sa ating dalawa, ako lang ang napilitang magpakasal.”
Parang may pumutok sa loob ko.
Hindi ako agad nakasagot. It’s not that I have nothing to say, but because it’s too painful to speak a single word. I admit it—I was hit. Not in my ego, but in my heart. Straight to it. No defense. Walang panangga. Walang paghahanda.
Muling pinaandar ni Hamlet ang kotse, mas mabilis ngayon. Tahimik na kaming dalawa. Walang sigawan. Walang pagtatalo. Pero mas nakakabingi ang katahimikan kaysa kanina. Tanging tunog ng makina at ang paulit-ulit na pagdaan ng ilaw ng mga poste sa daan ang saksi sa pagitan naming dalawa.
Tahimik lang akong nakatingin sa bintana. I refused to let my tears fall. He was never meant to see them, just as I had promised myself back then. Pero sa loob-loob ko, durog na durog na ako. Parang bawat salita niya ay paulit-ulit na humihiwa sa puso ko, walang tigil, walang awa.
Hindi ko maintindihan. No matter what I do—whether I stay silent, fight back, or try to change—in the end, I’m still the one who loses. Always. Sa aming dalawa ni Hamlet, siya ang laging may kapangyarihan. Siya ang laging may kakayahan para masaktan ang isa sa amin at—ako iyong laging nasasaktan.
Bakit?
Dahil mahal ko siya. At kahit anong gawin ko, at kahit anong gawin niya, puso ko ang laging casualty. Laging puso ko ang kawawa. Ako pa rin ang iiyak sa bandang huli.
Halos trenta minutos ang lumipas bago kami tuluyang nakarating sa mansyon. Tahimik ang biyahe, pero hindi tahimik ang loob ko. Agad akong nagpasiuna sa paglalakad pagkapasok namin. I ignored him. Wala na akong lakas para makipagtalo pa. All I wanted was to lock myself in my room and rest—if only I could let my heart rest too.
Pero mukhang wala siyang balak bigyan ako ng katahimikan.
“Do you even realize kung gaano ka ka-irresponsible tonight?” iritableng sabi niya habang naglalakad sa likuran ko. “You embarrassed me. You embarrassed my name. Alam mo bang bukas, pag-uusapan ka na naman ng mga tao?”
Hindi ako lumingon. Diretso lang akong umakyat ng hagdan, isa-isa ang mga hakbang, pilit pinipigilan ang sarili kong sumagot.
“Lahat ng kilos mo parang sinasadya mo,” tuloy pa niya. “Akala mo ba maganda ’yong ginagawa mo? You’re acting cheap, Bianca. Huwag mong sayangin at dungisan ang apelyido kong dala-dala mo.”
Napapikit ako sandali. Sa aming dalawa, kahit ako ang babae, siya naman ang putak nang putak. Para siyang inahing manok na hindi nauubusan ng ingay. What more does he want? Why can’t he just stay quiet? Sumasakit ang ulo ko sa kanya.
Mas lalo lang akong nainis nang maisip ko na naiwan ko pa ang cellphone ko sa bar. Pati ang clutch ko. Pero alam ko na si Cindy na ang bahala roon. Kilala ko siya—sadyang may ganoon siyang ugali, at maaasahan ko siya.
Pagdating ko sa harap ng kwarto ko, mabilis kong binuksan ang pinto, umaasang makakatakas na ako kay Hamlet. Pero bago ko pa man maisara, humarang na siya. Agad akong humarap sa kanya, galit at pagod na pagod.
“Ano?” matalim kong tanong. “Ano pa bang kailangan mo? Kung wala na, umalis ka na. Pagod na ako. Matutulog na ako.”
Hindi siya sumagot. Sa halip, itinulak niya ang pinto at tuluyang pumasok sa kwarto ko. Isinara pa niya ito sa likod niya. Kumabog ang dibdib ko, ramdam ko ang biglang sikip ng hangin sa paligid.
“Hamlet—” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong itinulak pahiga sa kama.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako agad nakahinga. Pumaimbabaw siya sa akin, mabigat ang katawan, mabigat ang titig. Bago pa ako makapagsalita, sinakop na ng labi niya ang labi ko—isang halik na puno ng galit, init, at emosyon na hindi ko maintindihan. Itinaas niya ang mga kamay ko sa ulunan ko, mariin ang pagkakahawak niya roon.
Nagwawala ako, pilit kumakawala. Hinampas ko ang balikat niya, tinulak ang dibdib niya, pero parang wala akong laban. Ramdam ko ang sarili kong nanginginig—hindi lang sa takot, kundi sa matagal nang kinikimkim na damdamin na pilit kong itinatanggi.
At saka… bumigay ako.
Hindi ko alam kung kailan eksaktong sandali ako tumigil sa paglaban. Basta naramdaman ko na lang na tinutugon ko na ang halik niya. Mainit. Magulo. Masakit. Parang lahat ng hinanakit ko sa kanya ay biglang sumabog sa isang halik—galit na may halong pananabik, sakit na may halong pag-asa. Sa loob-loob ko, may isang bahagi ng sarili ko ang umaasang baka—baka sa wakas—he will be intimate with me.
Pero bigla siyang huminto.
Bumitaw siya sa labi ko na parang napaso. Tumayo siya agad, inayos ang sarili, at walang alinlangan na iniwan lang akong nakahiga—parang isang bagay na bigla na lang niyang itinapon.
Nanatili akong nakatulala, awang-awa sa sarili ko. Basa ang labi ko. Nanginginig ang katawan ko. Ramdam ko ang bawat patak ng init na naiwan sa labi ko, ang bigat ng kanyang pag-alis, at ang kakulangan ng kahit kaunting paliwanag.
Then, suddenly, tears rolled down my face. Hindi ko na napigilan. He didn’t just hurt my feelings—he crushed something deeper inside me. Dinurog niya ang puso at pride ko, making it painfully clear na ayaw niya akong maging intimate.
That kind of rejection hits differently. Para akong hinubaran ng dignidad, iniwan na sugatan at wasak. Parang bawat luha ko ay sumasalamin sa pagkatalo ko sa kanya—hindi lang sa puso, kundi pati sa karapatan kong maramdaman ang init at pagmamahal na minimithi ko. In that moment, I realized it wasn’t just my heart he wounded—it was my dignity too.