Chapter 1

2303 Words
"Na track mo ba Ken kung saan ang coordinates ng signal nila?" halos pasigaw na wika ni Maximus habang sakay ng kaniyang Montero Sport. Nasa kahabaan siya ng EDSA bandang Cubao at hinahabol ang isang Toyota Hi-ace van na lulan ang mga drug pushers na naka-eskapo mula sa nasunog na kulungan kagabi. Bigla kasi itong sumuot sa isang makitid na eskinita at nawala na lang bigla sa kaniyang paningin. Napamura siya tuloy. Nanggigil siyang diniinan ang silinyador ng sasakyan. "Oo, Max. I-sesend ko sa iyo ang live streaming ng GPS nila!" sagot ng kasamahan niya na nakabase sa Cyber-crime division ng PNP at kasalukuyang tina-track ang direksiyon ng van. Palibahasa kasi bakit pa ngayon nagloko ang kaniyang GPS router at wala siyang magawa dito. "Gaano na ba ako kalayo mula sa kanila?" "Approximately nasa twelve kilometers southwest ka nila. Actually, malapit ka lang sa kanila kaso walang eskinita na maari mong madaanan. Halos commercial buildings kasi ang nasa pagitan ninyo." "s**t! Ang chopper? Nakasunod na ba?" "Oo kaso maraming tao at hindi agad masipat ng sniper ang sasakyan baka may madamay na sibilyan. Alam na rin kasi nilang may chopper na sumusunod sa kanila eh." "Lintik na!" Tinapon ni Maximus ang cellphone sa katabing upuan. Bumaba siya ng sasakyan at iniwan ito sa isang gasoline station kung saan siya na tapat. Isa lang ang nasa isipan niya, kailangan siyang sumuot sa mga barong-barong na naroon dahil ito ang pinakamalapit na displacement na maari niyang tahakin upang maabutan ang sasakyan ng kalaban. Mabilis niyang tinalon ang isang pader na magdadala sa kaniya sa bubong ng mga barong-barong doon. Nainis pa siya nang mapadaan sa mga buhol-buhol na kable ng kuryente at muntik nang masagi doon sa isang live wire. Kung hindi siya nakalundag kaagad, tiyak na paglalayaman na siya pagdating ng gabi. Mula sa pagtatakbo sa mga bubungan ng mga bahay doon bigla siyang napahinto nang makitang wala na siyang madaanan pa. Sumapit kasi siya sa ilog na tambakan ng mga basura. Nagpalinga-linga ang binata sa paligid at nakita niya ang isang makapal na alambre na nakakabit sa isang puno ng kahoy at nakadugtong sa rooftop ng isang convenient store. Kaagad niyang hinubad ang kaniyang jacket at ginamit iyon upang dumulas siya patungo doon. Saktong paglapat ng kaniyang mga paa sa palapag nito ay dumaan ang van na kaniyang hinahabol. Mabilis siyang tumalon mula sa itaas ng two-storey convenient store na iyon at pinaulanan ng bala ang mga ito. Gumanti naman ang mga loko at natamaan siya sa braso. Napamura siya. Bago pa nakaliko ang van sa isa na namang makitid na eskinita ay natamaan niya ang isang gulong niyon at salamin nito. Kasunod niyon ay dumating ang mga kasamahan niya sakay ng mga mobil nito. Nagkaroon na putukan at nagtakbuhan ang iilang mga sibilyang naroon. Ngunit na korner na nila ang sasakyan nito at tuluyang na-aresto ang mga sakay niyon. Sampung drug pushers pala ang lulan ng van at nakuha mula sa kanila ang limang kilo ng hinihinalang shabu at iilang pakete ng ecstasy. Aabot sa limampung milyon ang halaga ng mga nasabat nila mula sa mga ito. --------------------------------------------------- Malungkot at tulala nang pumasok si Bemery sa kaniyang townhouse. It's been a year mula noong iniwan niya muna ang bahay na ito at nagleave sa trabaho. She spent that one year in crying and getting over from her heartaches brought by an aphrodisiac man which at first, she thought her prince charming. Muling nanariwa sa kaniyang mga alaala ang mga tagpong kasama niya si Jack sa lugar na iyon. Gusto na naman niyang umiyak at huli na nang mapagtanto niyang unti-unti na palang tumutulo ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Napakasakit pala talaga ng unang pagkabigo. Mabuti na lang at hindi niya naisuko ang kaniyang pagkakababae sa manyak at salawahang iyon. He didn't deserve it. Ang dapat sa kaniya ay 'yung mga babaeng pinagsawaan na ng iilang mga kalalakihan. Nasa isipin siyang iyon nang biglang tumunog ang doorbell ng bahay. Nagtaka siya dahil wala sa mga kaibigan at katrabaho niya ang nakakaalam na nagbalik na siya. Tinungo niya ang gate at nakita roon ang isang dalagita. Kumunot bigla ang kaniyang noo dahil hindi niya naman ito kilala. "Ah, anong sa atin?" mahina niyang tanong nang mabuksan ang maliit na dahon ng gate. "Ah, maam, ako nga pala si Jenny. Nakita ka raw ni Maam Dorothy kanina sa bus terminal at pinapunta niya ako rito dahil baka magbigti ka raw. Isa ako sa mga working students niya, maam" nakangiting pakilala ng isang dalagita na nasa labing-anim na taong gulang na. Napangiti si Bemery sa sinabi nito. Kahit kailan talaga, Dorothy knew almost everything about her even some of her secrets. Kaya nga naging bestfriend niya ito dahil halos magkapareha ang mga interes nila sa buhay. Nakakarelate sila sa isa't isa. "Grabe talaga itong si Dorothy. Halika!" Sa mga sandaling iyon napangiti ang dalaga at pilit na tinatakpan ang kalungkutang bumabalot sa puso. Mabuti na rin siguro na may kasama siya at least may kausap siya. Hindi 'yung nagsasalita na lang siya mag-isa na parang loka-loka. Binuksan niya ng malawak ang dahon ng gate at iginiya paloob ang dalagita. May dala itong backpack na siguro'y laman ang mga damit nito. "So, ikaw si Jenny? Nasa senior high school ka na?" Umupo si Bemery sa sofa. Para silang kapuwa kararating lang mula sa isang backpacking escapade kasi nandoon rin ang mga bag ng dalaga at hindi pa niya naipapasok sa kaniyang silid. "Opo maam. Nasa tech-voc program po ako at magaling akong magluto." Proud na proud ang dalagita sa sinabi nito. "Mabuti naman. Dahil sa sinabing mong iyan, hindi na kita ibabalik kay Dorothy. Ako na ang bahalang magpapaaral sa iyo." Natatawang wika niya. "Naku, sabi ni maam isang linggo lang daw ako rito." Naamuse siya nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. "Hay! Huwag mo ng isipin iyon ako na ang bahala. Libre f*******: ka dito!" Pagkawika niya niyon ay lumiwanag bigla ang mukha ng dalagita. Alam naman niyang ang mga millennials na tulad nito ay gusto talagang magpe-f*******:. Of course, may limitasyon rin naman siyang ilalagay para rito. "Salamat po ma'am! Ang bait po ninyo at saka ang ganda pa. Mas maganda pa nga po kayo kay Maam Dorothy." Tumawa ng hagalpak si Bemery, parang pinagtaksilan na nito ang kaniyang kaibigan. Baka strikto naman kasi ang isang 'yun at hindi man lang makapag-f*******: ang mga working students nito. Nakatutuwa para sa kaniya ang mga isiping iyon. Pambihira talaga si Dorothy. "Oh siya, sige ikaw na muna bahalang magluto sa ating hapunan ha? Okay lang ba sa iyo? Medyo pagod pa kasi ako mula sa biyahe eh. Ilagay mo lang muna iyang gamit mo diyan." "Opo maam. Walang problema." --------------------------------------------------------------------- Isang linggo na ang lumipas mula sa operasyon nilang iyon ni Max. Balik na sa normal ang takbo ng buhay ng binata. Well, pansamantala lang naman iyon. Babalik rin sa ganoon ang lahat kung may mga loko-loko na naman silang dadakipin. Nagamot na ang kaniyang braso ngunit may benda pa rin ito. Sanay na siyang matamaan ng bala. Ilang beses na ba siyang ma-assign sa mga delikadong operasyon? Mga dalawampung beses na mula nang mailagay siya sa PNP Special Action Force. Kaya sa mga ganitong sitwasyon, hindi na niya iniinda ang sakit. Hindi naman siya super hero na may super powers. Talagang sinusuwerte lang siya o mas tamang sabihin na hindi pa nagkrus ang mga landas nila ni kamatayan. Pasasaan ba ang kaniyang limang taong training sa isang international intelligence agency kung wala siyang kakuwenta-kuwenta sa labanan. Maliban sa mabilis na promotion, ito rin ang naging dahilan kung bakit maraming mga babae ang nagkakagusto at nagkakandarapa sa binata to the extent na halos ito na ang manliligaw sa kaniya tuwing may pagkakataon. Natutuwa siya sa mga babaeng nahuhumaling sa kaniya lalong-lalo na 'yung mga pakunwari pang hard-to-get pero madali lang pala niyang napalanding sa kaniyang kama. Pero sa kaloob-looban niya ayaw pa rin niyang makapagpangasawa ng liberated. He dreamed himself of having a pure wife. 'Yung siya ang una at huli sa lahat. He was in his early thirties but he was still happy being alone. Wala pa sa isip niya ang pag-aasawa. Alam niyang darating din siya doon but not this time. As of now, he loved to play tricks among his women especially those pa-hard-to-get ones. Natutuwa siya tuwing napupukaw niya ang init sa katawan ng mga ito. Then, leaving them without any trace. Parang whirlwind romance lang ang drama! "Sir, siguro naman pipirmahan na ninyo ang aking application for leave. I'd done a great job last time naman diba?" Sumungaw ang pilyong ngiti ng binata sabay lahad ng brown folder sa kaniyang head at de-kuwatro na umupo sa sofa na naroon. "Well, gugustuhin ko man pero parang hindi yata papayag ang pagkakataon, Max." Gumanti rin ng ngiti si Senior Inspector Roman Guillermo. Ninong ito ng binata at ito ang nagluklok sa kaniya sa posisyon. Ito rin kasi ang head ng PNP Special Action Force sa rehiyon nila. Nakita ng huli ang kaniyang galing sa shooting at ang di-matatawarang endurance at agility noong nagte-training pa siya. Hindi nga naman ito nagkamali sa pagpili sa kaniya at mas lalo pang napatunayan nito ang galing niya nang magsilbi na siya sa pulisya. "What?" Biglang napatayo si Max at magkasalubong ang kilay na hinarap ito. "I received a report last night. Namatay ang isang NBI agent na si Phillip Dela Riva. Siya ang nakakuha ng napaka-importanteng memory card na naglalaman ng listahan ng mga gobernador na involve sa droga. Unfortunately, when he was on his way to escape, napuruhan siya. Naitakbo pa raw siya sa ospital ngunit dead on arrival." mahabang turan ng lalaki. "Then, why me again ninong?" May bahid inis na tanong niya rito. "Please, Max. This is the last favor I want to ask you ngayong taon. Pagmatapos to, I will give you a half-year vacation with pay." Biglang nag-iba ang ekspresiyon ng mukha ng binata. Kasunod niyon ay ang pagguhit ng malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. "So, what will be my mission this time, ninong?" Nakangisi na siya sa pagkakataong ito. "Just get the memory card from Philip's cousin without any trace." Parang nanalo sa lotto ang binata nang marinig iyon. Napa-snap pa siya sa kaniyang mga daliri. Hindi siya makapaniwala na napakadali lang ng ipinapagawa nito sa kaniya. Kung tutuusin, parang isang joke lang ang mission niyang ito. "But the problem is, we have no information this time kung sinong pinsan niya ang nakakuha niyon. Ang huling lugar na kinaroonan ni Philip ay Binan, Laguna at doon din siya namatay. So, nandoon rin siguro ang taong iyon." "Well, no problem. Mahahanap ko iyan." Kampanteng wika ng binata. "That is why I give you this task dahil alam kong sisiw lang sa iyo eh." "Then, I will start tomorrow." Actually, excited na siyang matapos iyon kaagad kahit na hindi pa nga siya nagsisimula. Sisiw lang ito para sa kaniya.Ilang saglit pa siyang nagtagal roon at pagkatapos ay umuwi na sa kaniyang bahay na nasa isang exclusive subdivision. --------------------------------------------------------------- Hindi pa nga nakabalik si Bemery sa kaniyang trabaho, isang panibagong problema na naman ang kaniyang kinakaharap ngayon. Nagimbal siya noong nakaraang gabi nang biglang dumating ang kaniyang pinsan na naghihingalo at may tama ng bala sa dibdib. Kaagad niya 'yung isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival na ito. Dinala niya ang labi nito sa isang mumurahing memorial chapel. Namroblema siya ngayon dahil wala siyang perang pambayad para maiuwi sa probinsiya nila sa Bulacan ang labi ng kaniyang pinsan. Halos ubos na ang kaniyang naipong pera at kahit uubusin man niya ang natira hindi pa rin iyon sapat. Nasa chapel siya at si Jenny nang may biglang tumapik sa kaniyang balikat. Bigla siyang nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko. Kumunot ang kaniyang noo nang hindi makilala ang lalaking iyon na bigla na lang sumulpot. "Ah, ano pong sa'tin, Sir?" Mabilis na pinahiran ni Bemery ang iilang butil ng luha sa kaniyang pisngi at pilit ang ngiting hinarap ang tao. "Ah, condolence Miss Dela Riva. Kasamahan ako ni Philip sa trabaho. Ipinapaabot ng agency namin itong pera para sa pagpapauwi ng labi niya sa kaniyang pamilya." pormal na wika ng lalaki na naka-black leather jacket. Matangkad rin ito tulad ng pinsan niya ngunit mas matanda na yata ito. Mga nasa kuwarenta na. Iniabot nito sa kaniya ang isang sobre na naglalaman ng pera ngunit hindi niya iyon kaagad binuksan. Bigla siyang naguluhan sa pinagsasabi nito. Ang alam niya kasi walang trabaho ang kaniyang pinsan. "Anong agency ang pinagsasabi ninyo? Ano pala ang trabaho ng pinsan ko?" Kunot-noong tanong niya. "Isa siyang NBI agent."  Parang natameme bigla ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na ganoon ka astig ang trabaho ng kaniyang pinsan. Kaya pala medyo mailap ito kung pag-uusapan ang kaniyang trabaho. Iyon pala ang dahilan. "Ganoon po ba? Naku, salamat sa tulong ninyo Sir ha. Gagamitin ko po ito kaagad bukas upang maipadala na ang kaniyang labi. Naghihintay na kasi doon ang kaniyang pamilya." Napansin ni Bemery na parang nag-atubili ang lalaki. "T-teka, may ibinigay ba siya sa iyo?" Biglang sumeryoso ang mukha nito. Naalala agad ng dalaga ang bilin sa kaniya ng pinsan noong nag-aagaw buhay itong nakarating sa townhouse. Saglit siyang nag-isip. "H-hu-wag na hu-hu-wag mo ii-tong ibi-bigay s-sa maling tao, Bem-e-ery." Nang mapansin ng lalaki na medyo natahimik siya ay tumikhim ito upang agawin ang kaniyang pansin. "Ah, ano nga po iyon ulit?" Para lang siyang tanga. "May ibinigay ba si Philip sayo bago siya mamatay?" "Kung may ibinigay po siya, iaabot ko talaga iyon sa inyo kaso wala po eh." Mariing tanggi niya at umiwas ng tingin rito. Ayaw niyang ipahalata na may alam siya. "Ah ganoon ba? Sige, mauna na ako, Miss." "Ayaw po ba ninyong magkape muna?" "Huwag na. Salamat." pagkasabi niyon ng lalaki ay tumalikod na ito at lumabas kaagad ng lugar na iyon. Sinundan na lang niya ng tingin ang bulto hanggang mawala na ito sa dilim. Naalala niya ang sobre kaya dali-dali niya 'yung binuksan, naglalaman nga iyon ng pera na umaabot yata sa limampung libo. Lihim siyang napangiti dahil sa wakas ay may kasagutan na ang kaniyang problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD