"Ma'am, may bago yata tayong kapitbahay." nakangising wika ni Jenny habang nagpi-prito ng itlog nang umagang iyon. Natapos rin ang linggo at balik trabaho na ang dalaga kaya maaga siyang gumising at naligo.
Ano naman ngayon Jenny?" Parang walang interes na tanong niya habang pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok, kalalabas lang kasi niya ng banyo.
"Halika ma'am." Iginiya siya ng dalagita sa binata. Muntik na nga siyang mabangga sa maliit na lamesitang naroon dahil sa pagmamadali. Siyempre, tiningnan naman niya kung anong naroon at bakit parang napakalaking balita ang sinasabi nito. Baka may kapitbahay na silang artista. Bahagya pang kinikilig si Jenny. Medyo nairita nga siya nang makita ito. Batang-bata pa at lumalandi na.
And there this man.
Isang segundong nagtama ang kanilang paningin ng lalaking itinuro ng dalagita. His sights were flaming. Huli na ng maalala niyang nakatapi lang pala siya ng tuwalya ng mga sandaling 'yun. Medyo namula siya sa inis.
Kaya naman pala parang sinisilihan si Jenny dahil guwapo naman pala talaga ang nakita niya. Ang mas nagdulot pa ng sobrang appeal dito ay nakita kasi nila itong topless habang nagba-barbel sa itaas na terasa ng bahay nito. Nasilayan nila ang mga nakahanay na pandesal sa katawan nito na kay init sa kaniyang paningin dagdagan pa ng iilang butil ng mga tumatagaktak pawis na nagkikislapan.
Absolutely, he was a hearthrob. Hindi ganoon ka tindi ang s*x appeal ng kaniyang salawahang ex-bf. 'Yung tipong unang tingin pa lang matatakam ka na.
"Guwapo plus macho plus damuho plus manyak equals babaero..." Iyon ang mga adjectives na biglang rumagasa at rumehistro sa isipan ng dalaga kaya pinaikot na lang niya ang kanyang mga eyeballs at lumayo na agad sa bintana. Nakakapaso kasi ang tanawin na 'yun. Walang kakuwenta-kuwenta na magiging boyfriend ang ganoong tipo ng lalake. Iyon ang kaniyang paniniwala.
"Jenny, nasusunog na ang pinipritong itlog mo." Sinigawan niya ang dalagita nang mapansing hindi pa ito lumayo sa bintana at parang na bato balani yata. Kaagad ring tumalima iyon nang marinig siya at napahagikhik pa. Nang mahuli niya iyon ay inirapan niya ito at akmang kukurutin sa tagiliran ngunit kapuwa na lang silang napatawa.
---------------------------------------------------
Napahinto si Maximus sa pagbubuhat ng barbell nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Naroon na siya sa Binan para sa kaniyang misyon. Nairefer sa kaniya ng isang kaibigan ang townhouse na medyo malapit sa Unibersidad. Nagustuhan ito ng binata dahil simple at parang tahimik ang lugar na iyon.
Pinulot niya ang aparato na nakalagay sa maliit na lamesita sabay abot sa tuwalya na naroon upang punasan ang mga dumadaloy na pawis. Bago niya sinagot ang kung sinong tumatawag ay nakita niya ang dalawang babae mula sa kabilang unit na nagsisiksikan sa bintana upang matanaw siya. Biglang naagaw ng isa sa mga iyon ang kaniyang pansin dahil sa mapuputi nitong dibdib at braso. Imbis na tumalikod sa mga ito ay mas lalo niyang binalandra ang sarili.
"Hello, brod?" wika niya nang sumagot. Si Mike ang tumatawag, kaibigan niya at kasamahan sa trabaho noon nang hindi pa siya napabilang sa action force.
"How's your first night there?" tinig iyon sa kabilang linya.
"Well, it's okay. I'm glad na may gym equipment dito sa ibabaw. Matagal na rin kasi akong hindi nakapag-gym. At isa pa..." muling niyang sinulyapan ang bintana. Medyo nainis siya dahil wala na roon ang babae.
"I think gaganahan akong mag-stay dito." natatawa niyang dugtong habang iginala ang paningin sa katabing bahay. May hinahanap.
"Well, I think nahuhulaan ko na kung bakit." Bahagyang tumawa ang kausap.
"Wala akong sinabing ganiyan, brod." Tumawa na rin siya.
"I know you very well Maximus dahil hindi lang ito ngayon nangyari sa buhay mo. Walang ni isang lugar sa mga mission na pinuntahan mo na wala kang.... alam mo na."
"I think that's part of our job. Nakapackage na iyan. Ang hirap kaya ng mga mission na pinapagawa sa atin. We deserve a little heaven after." Binigyan pa talaga niya ng emphasis ang salitang heaven.
"Sige, brod. Hindi na ako magtataka if in the near future panganay ang lahat ng anak mo. Bye!"
Tumawa siya at umiiling na pinindut ang end call button. Hindi na siya nagpatuloy sa ginagawa kanina at sa halip ay nagluto ang binata ng kaniyang almusal at naligo. Sisimulan na niya sa araw na ito ang paghalughog sa buong Binan upang matagpuan na niya kung sino ang may kaugnayan sa Phillip Dela Riva na iyon.
------------------------------------------------------------------------
"Jenny, pakisara ng gate, male-late na ako!" sigaw na wika ni Bemery na hindi halos nagkandaugaga sa pagdala ng kaniyang laptop at kung anu-anong mga papel. Alas siyete bente tres na at ilang minuto na lang ay papatak na ang official time nila. First day pa naman niya mula ng kaniyang bakasyon tapos ganoon pa ang mangyayari. Parang isa siyang bulakbol at tiwaling kawani ng gobyerno na kahit late ang oras ng pagdating sa trabaho ay okay lang. Hindi na nga niya halos nasuklay ng maigi ang buhok at mabilis pinahiran ng lipstick ang kaniyang mga labi. Papara na sana siya ng traysikel nang biglang may tumawag sa kaniya.
"Is this yours...Miss?" Isang baritonong tinig ang narinig ni Bemery mula sa likuran. Napakunot ang kaniyang noo at biglang sumulak ang kaniyang mga dugo sa ulo. Letse! Abala! Pigil ang inis na hinarap niya kung sino ito.
"It's him. Katawan pa lang, alam ng manyakis." Naka-cargo short ito at topless tulad ng unang tingin niya rito kanina. Malinis ang loko at bagong paligo yata. Bahagya pa niyang naamoy ang mabangog body spray nito.
Walang tinging hinablot niya kaagad ang kaniyang i.d mula sa kamay nito. Nagpasalamat siya sabay talikod. Sakto namang huminto ang isang traysikel sa tapat nila at mabilis siyang sumakay rito. Gusto sana niyang lingunin ang lalaki ngunit pinigilan niya ang sarili. Alam na niya ang balahibo ng ganiyang klase ng mga lalake katulad rin ang isang iyon sa kaniyang hayop na ex-boyfriend. Napailing na lang siya sa mga isiping iyon. Ilang sandali pa ay dumating na siya sa malaking gate ng unibersidad. Nakangiti siyang binayaran ang tsuper at mabilis ang mga hakbang na tinunton ang biometric system. Napangiti siya nang makitang hindi pa siya late sa official time. Mula roon ay naglakad na siya patungo sa Bio-lab nang may tumapik sa kaniyang balikat.
"Puwede bang ako na ang magdala niyan?" Bago pa nakatanggi si Bemery ay naagaw na ng lalaki ang mga papeles na hawak niya. It's Harold. Isa sa mga nanligaw sa kaniya noong bago pa siya rito ngunit kaagad rin niyang binasted. Hindi niya gusto ang lalaki dahil medyo mahangin ito at kay taas ng bilib sa sarili. Isa pa, hindi ito masculine sa kaniyang paningin. Maputi at makinis rin ito tulad niya. Kung hindi mo kilala siguro mapagkakamalan mo talagang bakla. Nginitian niya lang ito na matipid.
"Have you fully recovered?" Pasimpleng tanong nito habang naglalakad sila sa isang corridor. Hindi lingid sa kaalaman nito ang kaniyang masalimuot na karanasan sa pag-ibig.
"Puso ko lang ang nasaktan, okay naman ang health at wellness ko." sarkastikong sagot niya na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.
"Bakit kasi doon ka pa sa Jake na iyon."
Heto na naman! Hindi na lang niya sinagot 'yun hanggang sumapit sila sa kaniyang opisina. Nagpasalamat siya sa kabaitan nito. Akala niya aalis na ang lalaki ngunit naroon pa rin ito. Mabuti na lang at wala pa si Dorothy, tiyak na tutuksihin na naman siya nito.
"May problema ba Harold?"
"Puwede bang iinvite kita ng dinner mamayang gabi? Susunduin kita sa unit mo."
"Harold, hindi pa ak-"
"Pagbigyan mo na, bessy. Baka siya naman pala talaga ang hinihintay mong prince charming."
Ayun! Dumating na nga ang magaling niyang kaibigan at tumalak pa. Binigyan pa ng suporta ang loko kahit alam naman nito na kahit katiting wala siyang pagtingin rito. Matalim niyang tinapunan ng tingin si Dorothy nang maupo ito sa lamesa. Of course wala siyang nagawa at tumango na lang. Nakangiting umalis ang lalaki na pinaningkitan niya ng mata nang tumalikod.
----------------------------------------------------------------------
BEMERY G. DELA RIVA
"Kapag sinusuwerte ka nga naman."
Nakangising wika ni Maximus habang papasok ng bahay. Lumabas kasi siya kanina upang tumingin-tingin sa paligid ng kaniyang tinutuluyan nang makita niya ang kaniyang magandang kapitbahay na nagmamadali. Nilapitan niya ito dahil napasin niyang may nahulog na kung ano mula rito nang hindi nito napansin. Pinulot niya iyon at pinakatitigan. Abot tenga ang kaniyang ngiti nang rumihistro sa kaniyang utak ang nahulog nitong I.D. Ngunit medyo nainis siya nang hindi man lang siya tiningnan ng babae at hindi pa bukal sa loob na nagpasalamat at kaagad ring umalis.
"Makikilala rin kita." Hinagilap ng binata ang cellphone at idinayal ang numero ng kaniyang ninong nang nasa loob na siya.
"Hello, Max!" Bungad ng lalaki sa kabilang linya.
"Good Morning, ninong! Parang matatapos ko na yata ngayong linggo ang ipinapagawa ninyo sa akin eh." Tumatawang wika ng binata.
"Ganoon?" Nagulat yata ito at hindi halos makapaniwala.
"Yeah, nahanap ko na kasi 'yung hinahanap natin eh. Parang umulan lang sandali ang kalangitan tapos pagbukas ko ng pinto nandoon na ang grasya." Tumawa siya.
"Sigurado ka Maximus?" Tila hinihimigan ng kausap kung nagjojoke ba ito o hindi.
"Yeah, at kung makukuha ko na sa makalawang araw, ibibigay ko rin sa inyo kaagad."
"Salamat talaga hijo ha? Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa iyo. Bueno, puputulin ko muna ha kasi may dumating."
"Yes, sige, bye!"
Dumaan ang tatlumpong minuto mula noong lumabas ang isang dalagita sa bahay na tinitingnan ngayon ni Maximus. Ang bahay ni Ms. Bemery Dela Riva. Kaagad niyang binuksan ang kaniyang backpack at inilabas doon ang kung anu-anong mga uri ng camera mula sa maliliit hanggang sa medyo malaki. Binuksan niya ang kaniyang laptop at may ininstall doon. May ikinabit rin siyang mga aparato. Pagkatapos niyon ay tumayo na.
Parang isang pusang nilukso niya ang bakod na pumagitan sa dalawang bahay. Hindi man lang siya kinakitaan ng paghihirap sa ginawa. Tinungo niya kaagad ang pinto nito sa likod. Mapanuri ang kaniyang mga mata habang kinalikot ang door knob niyon.
Pagkatapos ay parang bulang bigla siyang nawala at nakapasok na pala sa loob. Kaagad niyang iginala ang paningin at hinalughog ang bawat sulok niyon mula sa sala, kusina at isang kuwarto. Nang walang matagpuan ay napamura siya. Mabilis siyang tumungo sa isang kuwarto na nasa ibabaw. Kinalikot niya ang door knob niyon at na-unlock naman ngunit laking gulat niya nang hindi bumukas ang pintuan. Halos gibain na niya iyon ngunit ayaw pa rin bumukas.
"s**t! Anong klaseng pinto ba ito?" Pinagpapawisan na ang binata sa pagpupumilit na bumukas iyon. Ayaw naman niyang tadyakan iyon dahil tiyak niyang masisira ito at maiisip ng may-ari na may nagnakaw sa kanila. Sandali siyang nag-isip. Ilang sandali ang lumipas ay nilisan na niya ang lugar na iyon.
-----------------------------------------------------------------------------------
Laking taka ni Bemery nang dumating siya sa unit niya nang wala pa doon si Jenny. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone nang akmang sususian na niya ang door knob ng main door. Tumigil siya at kinuha ang nag-iingay na aparato sa bag. Rumehistro doon ang pangalan ni Dorothy.
"Hello, bess."
"Bess, sorry hindi ako nakapagpaalam sa iyo kanina. Puwede bang dumito muna si Jenny ngayong gabi lang. Nilagnat kasi ang anak ko at wala si Jefford. Wala akong katimbang sa pag-aalaga ng bata." nag-aalala ang tono na wika ng kaniyang kaibigan. Ang lalaking binaggit nito ay ang asawa na isang enhinyero.
"Naku! Okay lang bess. Medyo kinabahan lang ako kung bakit hindi pa nakauwi si Jenny. Sige diyan na lang muna siya sa inyo hanggat hindi pa okay ang baby mo."
"Uuwi naman bukas ang asawa ko. Bukas ng gabi pababalikin ko na si Jenny diyan."
"Okay bess, mag-ingat ka. I will pray for baby Matthew's health."
"Salamat."
Pumasok na si Bemery sa loob ng bahay at pasalampak na naupo sa malambot na sofa. Marahan niyang ipinikit ang mga mata at pinisil-pisil ang noo. Masakit ang kaniyang ulo at natitiyak niyang dahil iyon sa kaniyang mga mata. Matagal na rin kasi siyang hindi nagkapagpacheck-up sa isang optometrist. Tumataas na nga siguro ang grado ng kaniyang mga mata at kailangan na niyang palitan ang lente ng kaniyang salamin. Mayamaya ay nagvibrate ang kaniyang cellphone. May nagtext yata kaya tiningnan niya iyon.
I will fetch you at six-thirty.
Galing lang pala iyon sa manliligaw niya. Hay! Nainis siya. Kung hindi lang ginatungan ni Dorothy ang pag-uusap nila kanina ni Harold, matatanggihan niya sana iyon. Inis na bumangon siya sa sofa at sinipat ang relo. Alas singko kuwarenta na pala at medyo madilim na kaya ini-on niya ang ilaw. Pumasok siya sa kuwarto at sunod-sunod na hinubad ang kaniyang mga damit. Naka-bra lang at panty na humiga siya sa kama habang nakalawit ang mga binti. Pumikit siya hanggang sa hindi na niya namalayan ang pagpatak ng oras.
"Bemery!"
Isang pamilyar na tinig ang narinig ng dalaga at napabalikwas siya ngunit hindi na tuloy iyon nang mapansing may nakadagan sa kaniya. Madilim ang buong kabahayan at hinintakutan siya kaagad.
"Harold?" Pilit na inaninag ng dalaga ang mukha ng mapangahas na lalaking nakadagan sa kaniya ngayon. Nakapantalon ito ngunit walang suot pang-itaas. Mas lalo siyang kinabahan doon. Hindi niya halos maigalaw ang kaniyang katawan. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod. Wala siyang sapat na lakas at parang nagugulumihanan siya. Paano kaya ito nakapasok? May balak ba itong masama?
"Ssshhh..."
Naramdaman niya ang paggapang ng mga kamay ng lalaki sa kaniyang mga binti patungo sa kaniyang hita. Nagsitayuan ang lahat ng kaniyang balahibo at napasinghap siya. Bigla niyang naalala na wala nga pala siyang damit at tanging ang dalawang maliliit na saplot lamang ang suot niya. Paano ba kasi nakapasok ang lalaking ito? Nanginginig ang kaniyang katawan nang maramdamang hinalik-halikan nito ang kaniyang balikat. Nag-ipon siya ng lakas at sinuntok ang mukha nito. Napamura ang lalaki at mabilis niya itong itinulak. Hinagip ng kaniyang mga kamay ang isang tuwalyang naroon at tumakbo pababa. Kailangan niyang tumawag ng pulis. Nangapa siya sa dilim upang matunton ang cellphone. Ngunit napatili siya nang makitang nasa likuran na niya ang lalaki at animo'y nademonyohan.
"Harold. Please...I did not expect that you can do this to me." Napaluha na siya. She was so helpless.
"Wala naman talaga ito sa plano ko babe eh, kaso nakita kita. The door was open at pumasok ako. Then, I found you. You're like a sleeping goddess at napukaw ang matagal ko ng pagnanasa sa iyo." Humakbang ito papalapit sa kaniya. An evil grin drawn into his lips.
"Harold please...." Humagulgol na siya na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Napaatras siya ngunit na corner na siya nito.
"Come to me babe, hindi naman kita sasaktan eh. Ipaparamdam ko lang sa iyo kung gaano ako kabaliw sa iyo." Kasunod niyon ay sinunggaban na nga siya nito. Hindi pa siya nakahuma nang may narinig siyang kalampag, bumulagta si Harold at doon siya pinanawan ng ulirat.
==================