Chapter 3

2313 Words
Pinindot ni Maximus ang switch ng ilaw. Kung hindi pa siya nagkabit ng spy camera kaninang umaga hindi niya malalaman ang krimeng mangyayari ngayon. Siguro'y nagahasa na ng lalaking ito ang babae. Nilapitan niya ang dalawang nakahandusay na bulto matapos mag-switch ng ilaw. "s**t! Kaya naman pala mare-r**e ang babaeng ito ay dahil nagsusuot pala ng ganiyan." Lumantad sa kaniyang paningin ang flawless at seksing katawan ng babaeng sinaklolohan. Kulay black ang pang-ibabang suot nito at ang pang-itaas naman ay pula. Wala itong malay at nakahandusay sa sahig. Marahan niya itong binuhat at dumampi ang mga balat niya sa malabot na balat nito. Naramdaman niya na may napukaw na ng kung ano sa kaniyang sistema. It's his libido which suddenly rushed. "Ano ka ba naman, Maximus? Parang ngayon ka lang nakakita ng mga ganiyan!" pangaral ng sarili niya. "Naku Maximus, kung ikaw ang nangrape sa babaeng ito tiyak na walang sinumang makapipigil at talagang maisasakatuparan mo. Ang hina naman ng humirit dito. Kung ikaw iyan, tiyak..." Natigilan ang binata saglit. Buhat-buhat niya ang dalaga tungo sa kuwartong nasa ibabaw. Pagkarating niya doon ay bukas ang pinto niyon. Lumaki ang ngiti ng binata at saglit na nawala ang mahahalay niyang ideya sa kaniyang isipan. It is his chance! Mahahanap na rin niya sa wakas ang memory card. Dali-dali niyang inihiga sa kama ang karga at tinakpan ng kumot ang katawan nito bago pa siya mademonyo at maisipang itutuloy ang naudlot na misyon ng estranghero. Tinungo niya ang mga cabinet na naroon at ang closet nito. Hinalughog niya lahat. Pati ang mga gamit nito sa tokador ay hindi niya pinaligtas. Sinilip rin niya ang ilalim ng kama ngunit walang anuman doon. Tinungo niya ang tambakan ng mga labahin na naroon at isa-isang dinampot ang mga laman niyon ngunit wala talaga siyang nakita. "Ouch!" Nasapo ni Maximus ang batok nang may tumama sa kaniya mula sa likuran. Kung hindi siya nagkamali, isang yung hanger. "Who are you?" Medyo nagulat ang binata ngunit nakabawi rin. Napangiti siyang bigla. She was so pretty. Ibang appeal ang dulot niyon sa kaniya. It wasn't like the mere feelings he felt usually with his past women. Nanlilisik sa galit ang mga mata nito na sa sandaling iyon ay nakabalot na ng kumot ang katawan. He was amused. Kahit na nakabalot na ang katawan nito parang malinaw pa rin sa paningin niya ang nasa loob niyon. "Sino ka at anong ginagawa mo rito sa bahay ko? Ikaw ba- " "Teka, Miss, actually ako ang sumaklolo sa iyo. Muntik ka nang ma-r**e ng manliligaw mo. Narinig ko kasi ang sigaw mo kaya nagtaka ako." Pagsisinungaling niya at pa-cool effect na wika habang nakapamulsa. Nakita niya sa camera ang nangyari, iyon ang totoo. Nabasa niya sa mga mata nito na parang hindi ito naniniwala sa kaniya. "Kung gusto mo, tumingin ka sa ibaba." pahamon niyang wika ngunit ngumisi ng konti. Patakbo namang bumaba si Bemery. Natutop niya ang mga labi nang makita ang nakahandusay ang walang malay na si Harold. Medyo dumugo ang mga labi nito kaya agad niya iyong dinaluhan. Napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala na nagawa ito ng lalaki na isa sa mga naging una niyang kaibigan sa unibersidad noon. Imbis na galit ang madarama ay napalitan iyon ng awa. Kung mapipilit lang niya ang puso na ibigay rito, ginawa na niya. Ngunit matigas na yata ang kaniyang damdamin dahil sa unang pagkabigo. Tumikhim ang lalaki sa likod at napakunot ang kaniyang noo. "Ano bang ginawa mo sa kaniya?" paasik na hinarap niya ito. "Are you crazy? Iniligtas kita mula sa kaniya at ganiyan ka pa magtanong?" Mukhang hindi makapaniwala si Maximus sa narinig niya mula rito. Hindi ba ito nasiyahan sa ginawa niyang pagpapaka-hero para rito? Ibig sabihin ba nito siya pa ang mali eh siya na nga ang nagligtas sa kaniya mula sa kamay ng hunghang na manliligaw? That's very ironic! "Parang pinatay mo na kasi iyong tao eh. Kahit nagawa niya iyon hindi mo siya dapat ginanito na halos patay na kung tingnan." galit na wika ni Bemery at bumaling ulit sa nakahandusay na lalaki at pilit itong hinila para maitayo. "So? Are you saying na kasalanan ko pa? Sana hindi ka na lang sumigaw. Sana pinabayaan mo na lang siya." Parang bumulwak ang dugo ng binata sa kaniyang ulo at namula siya. Napaka-ungrateful naman ng babaeng ito! Hindi man lang na-appreciate ang tulong niya. At may gana pang pagtaasan siya ng boses pagkatapos ng lahat. "Are you trying to say na gusto ko naman pala?" Pinaningkitan ni Bemery ang sinabi na iyon ni Maximus at mabilis siyang nagmartsa papalapit dito. Nang makalapit siya, doon niya natanto na kay tangkad pala ng lalaki at halos taga-balikat lamang siya nito. Napansin rin niya ang malalapad na dibdib nito na bakat sa tshirt na suot. Iwinaksi ng dalaga ang mga isiping iyon. Hindi siya dapat ma-impress sa hambog na lalaking ito. "Baka nga." maikling sagot ng binata. Pinakatitigan niya ang magandang mukha ng babae at napangisi ng konti. He was hooked by her natural charm. Bago pa nakapag-isip ng kung anu-ano ang binata ay isang malakas na sampal ang humulagpos sa mukha niya. Kaagad niyang nasapo ang kaliwang pisngi. "Get out!" Nanginginig sa galit na wika ni Bemery sabay luwang sa main door na bahagya ng nakabukas. "Miss Dela Riva, you are so ungrateful. Ganiyan ka ba sa mga taong gumagawa ng mabuti sa iyo?" sarkastikong wika ni Maximus na hindi man lang halos gumalaw para lumabas . Mapapansing medyo nagdilim ang kaniyang anyo dahil sa sakit na tinamo. Tinitigan niya ng masama ang babae nang wala itong masagot sa kaniyang sinabi. Dahan-dahan ay inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha nito at biglang kinabig ito. Napasinghap at nagpupumiglas si Bemery sa kabiglaan. Buong lakas niyang itinulak ito ngunit walang saysay ang ginawa niya kontra sa mala-bakal nitong braso. Sasampalin niya sana uli ito ngunit nahagip nito ang kaniyang mga palad hanggang sa gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Kinabahan siya ng husto at gusto niyang umiyak. "You're so beautiful. Good night." Naiwang naka-awang ang mga labi ni Bemery nang kinain ng dilim ang lalaking iyon. Kay bilis nitong natawid ang mataas na bakod sa pagitan ng kanilang mga bahay. Parang nabingi siya sa sinabi nito. Bigla siyang pinanlamigan at nawalan ng lakas. Ipinikit niya ang mga mata at huminga ng malalim. Kay raming nangyari ngayong gabi na nakasisindak. Marahan niyang isinara ang pintuan at binalingan ang lalaking nakahandusay. Ngayon lang niya napansin na halos putok ang mga labi nito. Nakaramdam siya ng awa ngunit di pa rin makapaniwala sa ginawa nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tumawag ng 911. Ilang sandali pa lang ay dumating na ang rescuer at kinuha ang walang malay na lalaki. Hindi na siya sumama. Bahala na siya sa buhay niya basta ang importante buhay pa siya. -------------------------------------------------------------------------- Kringgg! Tunog ng alarm clock ang gumising kay Bemery. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ilang sandali ay biglang napabalikwas. "Gosh, alas-sais y media na. Lintik na! Mahuhuli talaga ako nito." Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo siya patungong banyo na nasa sa ibaba sabay hagip sa tuwalyang nakasampay sa likod ng pinto ng kaniyang kuwarto. Kaagad niyang pinihit ang gripo. Napamulagat ang kaniyang mga mata nang walang anumang tubig na lumabas mula doon. "Oh my goodness! Pag inabot ka nga naman ng kamalasan!" Pabalibag niyang sinara ang pinto ng banyo at dali-dali siyang pumunta sa labas upang tingnan ang tangke ng tubig doon sa likuran ng bahay na kumokolekta ng tubig tuwing umuulan. Nang pinitik-pitik niya iyon at marahang hinampas para malaman kung may lamang tubig ba, umingay lang ito ngunit walang anumang senyales na may laman. Napakamot sa ulo na bumalik siya sa loob. Hindi na siya nagsaing. Kumuha na lang siya ng tinapay at nagtimpla ng kape. Namomroblema siya kung paano makaliligo o kaya'y magpunas na lang. Maiisip pa lang niya ang init tuwing tanghali at wala pa siyang ligo, napapangiwi na siya. Napakamot siya sa kaniyang ulo ng wala sa oras at kahit wala namang kumakati doon. Ilang saglit ang lumipas ay may biglang kumatok sa pintuan. Napakunot ang kaniyang noo. Nakalimutan ba niyang isarado ang gate kagabi? Nasapo na lang niya ang noo nang walang anumang maalala. Naniningkit ang mga mata sa inis na tinunton niya ang main door. Bago binuksan iyon, sumaglit muna siya sa salamin upang sipatin ang mga mata. Baka may muta pa siya dahil kagigising lang niya. "Magandang umaga!" Isang malapad na ngiti ang bumungad kay Bemery pagbukas niyon. Medyo nagulat pa nga siya. Ito 'yung taong sumaklolo sa kaniya kagabi ngunit bastos naman kung makapagsalita sa kaniya. Ano ba ginagawa nito dito ngayon? Paano kaya siya nakapasok? Siguro tumalon na naman ito sa pader na parang kawatan. Mahirap man aminin pero aminado siyang may kung anong appeal sa kaniya ang aura nito. Mabilis niya itong pinasadahan ng tingin. Napalunok siya nang marealize niyang nakashort lamang ito at walang suot pang-itaas. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin ngunit mula sa sulok ng kaniyang mga mata, batid niyang pawisan ang maskulado nitong mga braso. Lihim rin siyang napahanga nang mahagip ng kaniyang mga mata ang nakahanay nitong abs. Umasta siyang galit at taas kilay itong hinarap. "Ano pong sa atin Mister?" Mataray niyang wika nang hindi tumitingin dito. "Ah...Oo nga pala ano hindi pa pala tayo magkakilala. By the way, I'm Max." Inilahad nito ang sariling kamay sabay ngiti. Wow! Parang hindi na ito galit! Parang wala lang nangyari sa kanila gabi. Ang huli niyang natatandaan, galit ito sa kaniya. Aba! Ano kayang nakain nito at parang kay bait ngayon? Biglang naalala ni Bemery ang oras at lihim siyang napamura. Talagang male-late na siya dahil sa pang-iistorbo ng estrangherong ito na masyadong feeling close. Kaya sa halip na tanggapin ang kamay nito, sinulyapan niya lang ito na nakataas pa rin ang kilay. "Anong kailangan po ninyo?" Medyo may iritasyon na sa tono niya. Kumunot ang noo ng binata at parang napahiya sa ginawa niya. Ngunit nandoon pa rin ang nakakalokong ngiti sa labi nito. "I was roaming around the house this morning and I found out that there was a problem in water supply. Fortunately, may poso pala sa likuran ng bahay na inuupahan ko at mabilis kong naayos iyon. I came here just to ask if you want some water. I mean alam kong papasok ka pa kasi." "Aba, aba, pumoporma yata ang loko!" wika ng isang tinig sa isipan ng dalaga. Hindi na siya nag-abalang tingnan ang lalaki dahil baka madistract lang siya sa katawan nito. "Ah ganoon ba? Sige salamat." Maikli niyang sagot dito. Wala siyang choice kundi tanggapin ang alok nito kaysa papasok siya ng opisinang late na, mabaho pa. Kay init pa naman ng panahon. "May mga galon ka ba diyan or any container?" Sumilay ang mas nakakalokong ngiti ng binata. Lihim na nagngitngit si Bemery dahil doon. Masama ang kaniyang kutob sa lalaking ito. "Sandali lang kukunin ko." Patakbong tinungo niya ang banyo at kinuha ang dalawang balde doon. Naabutan niyang ngiti-ngiti sa kaniya ang lalaki. Mabilis nitong kinuha mula sa kaniyang mga kamay ang dalawang balde at pasimple siyang kinindatan bago tumalikod. "Bastos talaga 'tung mokong na ito! May lahi yata itong manyakis." Nanggigigil na siya. Bumalik si Bemery sa komedor at mabilis na nilagok ang kaniyang kapeng medyo lumamig na. Pagkatapos niyon ay nagsipilyo na siya ng ngipin. Ilang saglit ang lumipas ay naulinigan na niyang paparating na ang lalaki mula sa labas. Kay bilis yata nitong dumating. Patakbong lumabas ng bahay ang dalaga pagkatapos magmumog ng mouthwash. Pagsapit niya sa pinto ay napapikit siya sa nakita. He was so hunk! "Letse ang lalaking ito." Lumantad sa kaniyang mga mata ang mamasel nitong braso na mas lalong na-emphasize habang sabay na binubuhat ang dalawang balde ng tubig sa magkabilang kamay. Lihim na napangiti si Max nang mahagip ng kaniyang tingin ang reaksiyon ng babae. Kung hindi niya makukuha ang memory card sa pagsasabit niya ng spy camera sa bahay nito at sa paghalughog sa mga laman niyon, isasagawa na niya ang plan B-isang linggong pag-ibig. Napangisi siya ng maalala niya kung paano niya ito pinlano kagabi. "S-salamat!" Maikling wika ni Bemery nang makabawi mula sa pagkagulat. Tatalikod na sana siya nang biglang magsalita ang lalaki. "Salamat?......Naku Ma'am, may bayad iyan!" Tumatawang wika ni Max. Sinadya niya talagang inisin ang babaeng ito. Hindi pa rin kasi siya nakamove-on sa pananampal nito sa kaniya. Napahiya siyang labis. Actually, it was his first time na masampal ng isang babae. Noon kasi, pagnahuhuli siyang may iba na namang babaeng kinahuhumalingan at akma siyang sasampalin ng kasalukuyang kinakasama, mabilis niya iyong mahahagip o kaya'y maiiwasan. As his revenge sa pahard-to-get na babaeng ito, balak niyang paibigin ito sa loob ng isang lingo kasabay niyon ay ang pagsagawa niya sa kaniyang totoong misyon. Pagkatapos ng isang lingo, iiwan niya itong bigla-bigla. Hindi ibig sabihin niyon na kung humanga siya sa ganda nito eh exempted na siya sa kabulastugan ng binata. "What?" Nanlaki ang mga mata ng dalaga pagkarinig niya sa sinabi nito. Parang pumutok ang isang pinaka-active na bulkan sa loob-loob niya. Aba, parang peperahan pa yata siya ng bwisit na ito. Marahan siyang lumingon dito at gustong-gusto niyang pandilatan ito. Naalala niyang isa nga pala siyang edukada at may mataas na pinag-aralan, hindi siya dapat nag-eeskandalo for the sake of penny. "Magkano ba?" mataray at nagngingitngit na tanong niya. Nanggigigil na ang kaniyang mga kamay at kay excited nang sabunutan ang bastos na 'to. "One hundred bawat isa. So, dalawang daan lahat." pasimpleng wika nito na umakto pang hapung-hapo sa ginawa. "What? Umaabuso ka yata eh! Kung alam ko lang na ganoon kamahal ang tubig na- "Naputol siya sa pagmamaktol nang akmang bubuhatin ni Maximus ang dalawang batya ng tubig upang ibalik. Tinapunan niya ng masamang tingin ang binata at halos ihampas sa mukha nito ang dalawang daang piso. "Mas lalo kang gumaganda kapag napipikon, alam mo ba iyon?" He gave a crazy grin then. "Mister, tanggapin mo na at baka mag-iba pa ang isip ko." paasik niyang sabi na talagang nabubwisit na. "Keep that one. Ibili mo 'yan ng pagkain mamaya, dito ako maghahapunan." Then, he left. Naiwan siyang naka-awang ang mga labi. ===================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD