Humihingal na dumating si Bemery sa kaniyang opisina. Natawa si Dorothy nang makitang wala pang suklay ang buhok nito. Alas-otso na ng umaga at tatlumpong minutong late na siya.
"Lintik talaga ang lalaking iyon at ang kapal ng muk- "napatigil siya sa pagmamarakulyo nang mapansin na nakataas ang kilay ng kaibigan habang pinapanood siya.
"So, sino ang lalaking iyon? Si Harold ba?" pang-uusisa ng babae at sumilay ang mapanudyong ngiti.
Napatda ang dalaga. Naalala niya ang lalaking nanloob sa kaniya kagabi. Kumusta na kaya iyon? Alam kaya ng kaibigan niya ang nagyari sa kaniya kagabi? Medyo nag-alala si Bemery sa mga isiping iyon. Ayaw niyang may maka-alam sa insidenteng kinasangkutan niya at ni Harold. Mapapahiya siya ng labis at baka siya pa ang sisisihin sa sinapit ng mukha nito. Hinamig niya ang sarili at pilit ngumiti sa kaibigan. Kailangan niyang malaman kung may alam ba ito o may kumalat na balita tungkol sa nangyari.
"Pasensiya ka na bess, na-late ako. Wala kasing tubig sa bahay at medyo late na ako nagising." imbis na sagutin ang tanong nito, iniba niya ang usapan.
"Eh bakit ang aga-aga mo yatang bad trip?" Akala niya makakawala na siya sa mapanuring bibig nito.
"Ah, wala. By the way, nakita mo ba si Harold ngayon?" Iniwasan niyang magtama ang kanilang paningin at itinuon na lang iyon sa cpu ng computer na ini-on ito.
"Wala."
"Patay! Na-ospital yata ang loko-lokong iyon."
"Oy, may development na ba sa inyo? First time ko yatang marinig from you na hinahanap mo siya." panunudyo ni Dorothy.
"Anong development ka diyan? Hay naku, nagtataka lang ako noh! Isa pa, wala na siyang katiting na
pag-asa sa akin kahit forever pa niya akong ligawan." pasimpleng wika ni Bemery sabay ngiti. Talagang wala ngang kumalat na tsismis tungkol sa kaniya at ng lalaking iyon. Ikinatuwa niya iyon. Dahil kung meron pa, tiyak na malalaman iyon ni Dorothy na isa ring dakilang tsismosa. Sa kaibigan niyang ito nalalaman ang mga latest news sa showbiz at ng kung anu-anong mga pangyayari sa university kahit sa ibang department pa ito. Kahit ganoon, napakabait naman nito. Actually, Dorothy was her first friend mula noong napasok siya sa trabaho. Pala-ngiti kasi ito at mapagkumbaba. Hindi tulad ng ibang mga instructor na kay taas ng tingin sa sarili. Mayroon pang iba na hindi namamansin lalo na kung hindi ka graduate ng doctorate degree.
-----------------------------------------------------------------
Narinig ni Max ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng inuupahang bahay. Wala kasi itong gate hindi tulad ng ibang bahay doon kaya dire-diretso lang ang nagpupunta doon. Kasalukuyang nanonood ng basketball ang binata nang marinig niya any mga katok. Tinatamad na tumayo siya mula sa couch at tinungo ang kung sinong dumating.
"Oh, ninong, ikaw pala." Nakangiting bungad niya sa lalaki at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. Ito yung head ng kanilang department. Si Roman.
"So, is this your place?" Iginala ng matanda ang paningin sabay upo sa couch. Tumango naman ang binata.
"Bakit hindi kayo nagsabi na bibisita pala kayo?" Alam ng matanda ang address niya kaya hindi siya nagtaka kung bakit siya natunton nito.
"I'm here to talked about what you had told me. Did you found him?" Isa lang ang tinutukoy ng matanda. Ito ay ang pinsan ni Philip Dela Riva na siguradong may hawak sa memory card na kanilang pinaghahanap. Hindi muna sumagot si Maximus hanggang sa maupo siya sa isang bamboo stool sa harap nito. Sumeryoso ang mukha ng binata na napahalukipkip pa.
"It's not him. It's her." pormal niyang sagot.
"Ibig sabihin babae ang pinsan niyang iyon?"
"Yes, noong araw na dumating ako dito dumiretso ako agad sa hospital kung saan itinakbo ang Philip na iyon. I found there the name of his cousin who attended to him. Noong una hindi ko alam kung saan simulan ang paghahanap sa taong iyon until she came on my way. I mean doon ko nalaman na babae pala." mahabang turan ng binata.
"Have you talked to her about the memory card?"
"Hindi. Kasi sinabi mong get it without any trace eh."
"Mabuti naman. Hindi niya dapat kasing malaman iyon dahil napaka-confidential ng laman niyon. If she will be aware tiyak na isusuko niya ito ng basta-basta. Mapanganib iyon dahil alam mo namang maraming taksil sa mga kabaro natin diba?"
Napabuntung hininga si Max. Tama si Mr. Roman.
"I hope you can get it as soon as possible, hijo. May nakuha kasi akong tip na may mga goons na rin na ipinakalat ang kampo ng mga tiwaling gobernador para alamin kung sino ang may hawak ng memory card na iyon."
Medyo nagimbal ang binata sa narinig. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Kailangan na niyang makuha ang memory card sa lalong madaling panahon bago pa malaman ng mga kalaban kung sino ang taong nakakuha nito. May kung anong pag-alala ang biglang sumibol sa loob ng binata. Inisip niyang natural lang iyon dahil sibilyan si Bemery at trabaho niya ang protektahan ito mula sa peligro. Napaisip siya ng malalim.
"I will." Maikli niyang wika sabay tayo at tumungo sa bintana. Pinagmasdan niya ang tahimik na bahay ng dalaga. Maya-maya'y tumayo na rin si Mr. Guillermo at nagpaalam na rin sa kaniya.
--------------------------------------------------------------------
Gabi na nang mag-out si Bemery. Pasado alas sais na ng gabi nang siya'y dumating sa kaniyang maliit na bahay. Hindi pa rin nakauwi si Jenny dahil na-extend pa daw ng mga ilang araw ang asawa ni Dorothy sa construction na tinatrabaho nito bilang project engineer. Naawa siya sa kaibigan dahil may sakit ang baby nito kaya sinabihan niya itong sa susunod na linggo na lang pababalikin sa kaniya ang dalagita. Pagod na pagod siya at nanlalanta. Masakit ang kaniyang beywang sa maghapong pagkakaupo at kahaharap sa computer. Nadagdagan pa ang stress niya nang halos bagsak ang lahat ng mga estudyante sa ibinigay niyang pagsusulit.
"Do you know what time is it? Nakalimutan mo yata na dito ako maghahapunan."
Napahinto si Bemery sa pagpihit ng main door. Kilala niya ang boses na iyon at biglang rumagasa sa kaniyang sistema ang inis na tiyak na dadagdag lamang sa kapagurang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Hindi siya lumingon at nagtuloy-tuloy sa loob. Napansin pa niyang sumunod sa kaniya ang damuho. Talagang sumusobra na ang pakikialam nito sa kaniyang buhay. Pinindot niya ang switch ng ilaw at lumantad sa kaniyang paningin ang mukha ng lalaki. Bagong paligo ito at nakasuot ng striped polo shirt na pinarisan ng Levi's jeans.
"Kaya pala ang bango-bango ng loko." Isang malamig na sulyap ang ibinigay niya rito. Napagpasiyahan niyang hindi ito pansinin kahit na lihim na pinupuri ng kaniyang isip ang kaguwapuhan nito. Iyon lang naman ang dapat gawin sa mga lalaking katulad nito na kulang yata sa pansin. Ignorahin ito para magsasawa rin sa huli. Nilagpasan niya lang ito para umakyat na sa ibabaw at magbihis. Hindi man lang siya nag-abalang sulyapan ito.
"Are you okay?" may pag-aalalang tanong ni Max nang mapansin nito ang pinaggagawa niya. Hindi rin nakawala sa mapanuri nitong mata ang pananamlay ng dalaga. Napahinto si Bemery nang biglang hinagip nito ang kaniyang braso. Hindi siya sumagot at hindi rin humarap. Dahil sa katigasan ng kaniyang ulo ay hinila siya ng binata upang magkaharap sila. Iniiwas niya ang kaniyang tingin mula sa matalim nitong titig.
"Gaano pa ba katagal kang manghihimasok sa buhay ko?" Binasag ng dalaga ang katahimikang ilang sandali ring namagitan sa kanila. This time idinaan niya sa kalmadong boses ang pananalita. Wala siyang lakas para magtaray at pumatol sa kalokolahan nito.
"Hindi ka ba nagu-gwapuhan sa akin, Bem? I fix myself just to become attractive to you tonight." Sumilay na naman ang pilyong ngiti sa labi nito. Pinamulahan ng mukha ang dalaga ngunit mabilis niyang sinupil ang paglukso ng kaniyang puso. Pilit niyang isiniksik sa kaniyang utak na kahina-hinala ang pakikipaglapit nito sa kaniya ng bigla-bigla. Tiyak na katulad rin ito ni Jake, isang manloloko. Likas naman talaga sa mga guwapo ang manloloko. Kumbaga package na iyon tuwing isisilang sila.
"s**t! Napaka-engot talaga ng babaeng ito. Parang walang puso o mas tamang sabihing robot. Pero babagsak ka rin sa akin Bemery. Hinahamon mo ako huh! Tingnan lang natin kung hanggang saan 'yang pagtitimpi mo."
"Mister, pagsinabi ko bang guwapo ka, tatantanan mo na ako?" pinaramdam niya talaga rito na naiirita na siya sa pinaggagawa nito.
"Hindi rin Bem. I'm stuck on you."
Hindi napigilan ni Bemery ang pagkalabog ng kaniyang puso. Hindi nasalag ng kaniyang utak ang banat nito sa kaniya. Hindi niya inexpect na mangyayari iyon. Naiinis siya sa sarili kung bakit parang kinikilig pa siya sa binitawan nitong salita. Yumuko siya para hindi makita ng binata ang kaniyang reaksiyon.
"Since pagod ka yata, sa labas na lang tayo kakain." masayang wika ni Max nang mapansing hindi nakapagsalita ang dalaga sa kaniyang sinabi. Naisip niyang unti-unti na itong nahuhulog sa kaniyang bitag. Nagbubunyi ang kaniyang kalooban. Kaya bago pa ito naka-alma, hinila na niya ito palabas ng bahay.
"Sakay na!" Nakangiting wika ng binata nang makalabas sa gate. Naroon na ang kaniyang motorbike at nag-aantay na sa kanilang dalawa.
"Teka nga Mister. Pagod ako. Isa pa, hindi kita kaibigan at hindi kita kilala." matigas na wika ni Bemery sabay irap dito. Ngunit parang walang narinig ang lalaki at iginiya na siya upang makasakay sa sasakyan nito.
Medyo nataranta pa siya dahil siya ang unang pinasakay nito.
"Gago! Bakit ako ang unang sasakay? Balak mo pa yatang gawin akong driver?" naningkit ang mga mata niya sa inis nang muntik nang matumba ang motorbike dahil siya ang unang sumakay rito. Ngunit maagap ang binata at mabilis itong naka-angkas sa likuran niya.
"Are you crazy?" paasik na wika ni Bemery nang umangkas ito sa likod at parang gagawin na talaga yata siyang driver nito.
"Ssshhhh..." Nagsitayuan ang lahat niyang mga balahibo nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa likod ng kanyang tenga. Hindi siya nakahuma at narinig na lang niya ang pag-click ng start button ng sasakyan. Nakakulong siya ngayon sa mga bisig nito habang hawak-hawak ang manibela ng motorbike. Natulala siya. Hindi siya naka-experience ng ganoon sa buong buhay niya. At naroon na naman ang malandi niyang puso na tumatalbog-tabog yata sa bawat sulok ng kaniyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito mula sa kaniyang likuran na nakadikit sa dibdib ng binata. Lihim siyang napapikit. Ayaw niyang ikumperma sa sarili ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Takot siya.
Mga sampung minuto rin ang itinagal ng kanilang tahimik ngunit makulay na paglalakbay hanggang sumapit sila sa isang di mataong restaurant. Inalalayan siya ni Maximus sa pagbaba at mahigpit na hinawakan ang kaniyang mga kamay. Nang tuluyang makababa, kaagad niyang iwinaksi ang mga iyon mula sa kamay nito. May kung anong kuryente kasing nananalaytay sa kaniyang katawan tuwing magdaop ang kanilang mga palad.
Kaagad siyang nagmartsa papasok restaurant na iyon. Nakasunod lamang ang binata sa kaniya at naa-amuse siyang tinitingnan.
"Huwag kang umorder ng marami. Hindi pa suweldo at wala akong maraming pera." nagmamaktol na wika ni Bemery nang makaupo sila sa isang mesang naroon. Pinigilan niya ang binata nang akmang paghilahan siya nito ng silya.
"Do not worry. Wala ka namang babayaran eh."
Ngumiti siya nang marinig ang sinabi nito. Atleast ilang daan rin ang mase-save niya dahil dito. Ngunit heto na naman at tinitigan na naman siya nito. Umiwas siyang makipagtitigan rito at itinuon sa ibang direksiyon ang paningin. Bigla siyang tinakasan ng kulay sa nakita nang dumako ang kaniyang paningin sa isang pares na masayang nag-uusap ilang mesa ang layo mula sa kanilang kinauupuan. Napalunok si Bemery. Bakit dito pa? Bakit kailangang makita pa niya ito ulit? Nagsimulang mangilid ang kaniyang mga luha. At hindi iyon nakawala sa mapanuring mga mata ni Maximus na umu-order na sa lumapit na waiter.
"What's wrong Bem?" kunot-noong tanong ng binata na hindi na pinakikinggan ang sinasabi ng waiter. Wala siyang sagot na nakuha mula sa dalaga kaya nilingon niya ang direksiyong tinitigan nito ngayon.
"Puwede bang sa ibang restaurant na lang tayo kakain?" nangangatal na wika ng dalaga sabay pahid sa iilang butil ng luha na umagos mula sa kaniyang mga mata.
"Bakit naman- "Naputol ang pagsasalita ng binata nang may lumapit sa kanila at nagsalita.
"Hello, Bem! Kumusta ka na?" Nakangiti ang isang lalaki na lumapit sa gawi ng dalaga. Base sa paraan ng pagkatitig nito may nababasa si Maximus. Binalingan niya si Bemery at nakita niyang pilit itong ngumiti at pinakiharapan ng maayos ang lalaki.
"Oh, ikaw pala Jack. I'm good." Ngunit taliwas ang kaniyang totoong nararamdaman ng mga sandaling iyon. Bumalik sa kaniyang lahat ang sakit ng mga ginawa nito sa kaniya a year ago. Nanginginig ang kaniyang mga labing pilit na ngumingiti dahil sa totoo lang gusto na niyang humagulgol sa iyak. Si Maximus naman ay mukhang hindi napansin ng lalaki kaya tumikhim ito. Ngunit tinapunan lang siya nito ng saglit na sulyap at ibinalik rin sa dalaga ang pansin. Lihim na napamura ang binata. Aba! Parang kung sino ito kung makaasta at hindi man lang nagbigay ng galang o paumanhin.
"Bem, alam mo bang hinanap kita. Pero hindi na kita nakita sa pinagtrabahuan mo at sa probinsya. Gusto kong itama ang lahat. Mali kasi ang inaakala mo. Sana sa pagkakataong ito, pakinggan mo ako."
May pagsusumamong gumuhit sa tinig ng kaniyang ex-fiance. Nang marinig iyon ng dalaga parang may kung anong humaplos sa kaniyang puso. Totoo naman kasi ang sinasabi nito. Hindi kasi niya ito binigyan noon ng pagkakataon na magpaliwanag.
"Excuse me." Tumayo na si Maximus upang harapin ang lalaking nagpakulo ng kaniyang dugo nang mga sandaling iyon. Bukod sa wala itong galang, sinira pa nito ang kaniyang diskarte. Napalingon sa kaniya ang lalaki sa ginawa niya. Halos magkasingtangkad sila mas lamang lang siya ng iilang pulgada.
"I'm Max Gonzales, Bemery's fiancé at ikakasal na kami next week so please get lost. You ruin our perfect night." Matigas at matalim na tinitigan niya ang lalaki. Hindi rin ito nasindak at nakipagtitigan rin ito sa kaniya.
=====================