Chapter 5

1970 Words
Napaangat ng tingin si Bemery sa narinig. Pinandilatan niya si Maximus ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Sa halip ay nag-aapoy ang mga matang nakipagtitigan ito sa kaniyang ex-fiance. Naloloko na yata ang lalaking ito at kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig nito. "Wala akong paki-alam kung ikakasal kayo ni Bemery. Alam kong ako pa rin ang mahal niya. Panakip butas ka lang!" paasik na wika ni Jack na halatang nagpipigil rin. "Ah, ganoon?" parang sinaniban ng masamang espiritu ang binata sa narinig at nginisihan lang ang lalaki kasabay ng pagkuyom niya sa sariling palad. Napatayo kaagad si Bemery. Mukhang alam na niya kung saan hahantong ang tagpong iyon kung hindi siya kikibo. Linapitan niya si Max at iniharang ang sarili upang hindi nito susugurin ang lalaki. "Bem..." Medyo nagulat pa si Jack sa ginawang pagkampi ng dalaga sa binata akala niya kasi siya ang lalapitan nito. Dahil doon ay hinagip niya ang kamay nito at marahas niyang hinila iyon papunta sa kaniya ngunit mas mabilis naman itong niyakap ni Max. Nakawala ang dalaga sa kaniyang kamay at sumubsob sa dibdib ng katunggaling binata. Dahil sa ginawa ni Max nagulat si Bemery, napatingin siya sa iniwang mesa ng kaniyang dating kasintahan. Naroon ang isang babae na nakatingin sa kanila. Siguro iyon ang ipinagpalit sa kaniya ni Jack. Tumulo ulit ang kaniyang mga luha. May naisip siyang gawin. "Bem, hindi ko siya girlfr- "natigil sa pagsasalita ang lalaki. Magpapaliwanag sana ito kung sino 'yung babaeng kasama ngunit naputol iyon dahil sa bilis ng ginawa niya. Si Maximus naman ay namilog ang mga mata sa bilis ng mga pangyayari. Her lips landed to his. Yeah! She kissed Max. "Ano hindi niya pala girlfriend iyon? Oh no nagkamali ako! Bakit huli mo na sinabi?" Kaagad siyang napahinto sa ginagawang paghalik sa binata at naghysterical sa bilis ng pangyayari. Namula ang kaniyang mga pisngi nang magtama ang kanilang mga paningin. Kaagad siyang tumalikod at humarap kay Jack. Gusto niyang magpaliwanag rito ngunit huli na dahil tinalikuran na siya nito. Mabilis ang mga hakbang nito patungong labas. Pambihira! Hinalikan niya lang si Max upang makaganti sana sa sakit na ginawa nito sa kaniya noon nang makita niya ang babaeng inakala niyang girlfriend nito. "Bakit kasi huli mo na sinabi Jack?" Nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. Batid niyang mahal pa siya ng kaniyang ex-fiance. Nabasa niya sa mga mata nito kanina. Nagkamali lang talaga siya at nagpadalus-dalos kaagad siyang halikan ang lalaking hindi naman niya talaga kaanu-ano. Mabilis siyang kumawala kay Max ngunit mariin siyang hinawakan nito sa braso. "Ano ba?" singhal niya rito. "Sinaktan ka ba ng gagong iyon?" Matiim itong tumitig sa kaniya at pormal ang ekspresiyon ng mukha. "Manyakis talaga tong mokong na ito. Sanay yatang halikan ng babae kaya parang wala lang sa kaniya ang nangyari." "Tumahimik ka! Wala kang alam! Sinira mo pa ako sa kaniya." Nagpupumilit na makawala si Bemery sa malabakal nitong kamay. Sa totoo lang nasasaktan na siya sa pagkakahawak nito sa kaniya. "I will not release you unless you will eat with me." mariing wika nito at dahilan upang matauhan siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Mabibilang na lang ang mga taong naroon na alam niyang nakatingin sa kanila kanina. Tumingin siya sa mesa. Naroon na at kanina pa pala naghihintay ang grasya sa kanila. Kabastusan kung bigla-bigla niyang iiwan ang mga iyon. Natutunan pa naman niya simula sa pagkabata na huwag paghintayin ang grasya dahil bigay iyon ng Maykapal. Pangaral iyon ng kaniyang ama at ina. Kaya hinamig niya ang sarili at nagpunas ng mga luha. Pagkatapos niyon ay bumalik siya sa kaniyang kinauupuan. Tahimik na inabot sa kaniya ni Maximus ang grilled prawns. Nakayuko lamang siya habang sumusubo ngunit alam niyang tinititigan siya ng binata. Nagsisisi talaga siya sa kaniyang ginawa. Wala na siyang mukhang maihaharap rito. "Kaya pala hindi ako pinapansin, may gusto pa lang iba ang engot na ito. Di hamak na mas guwapo naman ako kaysa doon." "Huwag mo ng isipin 'yung ginawa mo kanina. Wala lang iyon sa akin." pormal na wika at basag ni Max sa katahimikan. Ngunit sa totoo lang, may iba 'yung dating sa kaniya. At ngayon lang niya iyon naramdaman. Hindi nagkomento si Bemery sa kaniyang sinabi. Nakayuko pa rin ito. "Mahal mo pa ba ang taong iyon?" tsismoso talaga yata ito kahit hindi na nga kinakausap. "Ang kulit talaga ng isang to! Hindi na nga kinakausap, nagpupumilit pa." Lihim siyang naiinis sa tanong nito sa kaniya. Hindi talaga yata ito titigil hanggat hindi siya nagsasalita. Dahan-dahang nag-angat siya ng tingin at humugot ng lakas upang salubungin ang tingin ng binata. "Masyado ka talagang paki-alamero noh? Pero sige para tumahimik ka na, ikukuwento ko sa iyo." Nakita niyang ngumiti ng malapad ang binata. Bago siya nagsalita at lumagok muna siya ng juice at napabuntung-hininga. "He's my ex-fiance. Inalok niya ako ng kasal more than a year ago. Mga almost one month before the wedding nakita ko siyang may..." Nagsimula na namang mangilid ang kaniyang luha at napahinto siya sa pagsubo. Titig na titig naman si Max sa mukha niya at doon nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya mahagilap kung ano ito. Masuyo niyang ginagap ang palad ng dalaga at marahang pinisil iyon. "Nakita ko siyang may kaniig sa apartment niya. Hindi ko alam kung sino yung babae pero alam kong si Jack ang lalaki na iyon dahil siya ang nasa ibabaw. Hindi ako halos makatayo sa gulat. I was just crying. Itinapon ko ang engagement ring na ibinigay niya. They did not even noticed me. I just ran away when I heard they were enjoying the moment." Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kaniyang mga mata at sunod-sunod ang buhos niyon. Nakaramdam ng awa si Max para rito at nakuyom niya ang sariling palad. Nakokonsensiya na siya sa maitim niyang balak dito. Sa halip ay parang iba na ang binubulong ng kaniyang puso ng mga sandaling iyon. It was a strange feeling. Sanay na siyang makakita ng babaeng umiiyak dahil ilang beses na rin siyang nagpaiyak ng mga ito. But the way he looked at her, he strangely asked himself if it is really that painful to lose someone. Para kasi sa kaniya, why lament when someone left you, if there were still available around to choose from. Iyon ang prinsipyo niya sa buhay na hindi na talaga yata mababago. Ika nga, change for the better, there's woman everywhere. "So what's the problem kung iwan ka niya?" medyo nakakunot ang kaniyang noo ng tanungin niya ito. Hindi kaagad sumagot si Bemery at pinunasan muna ang luha. Humingos rin siya dahil parang nakiki-join rin ang kaniyang makukulit na sipon sa pagdadrama niya. "Ganiyan kasi kayong mga lalaki. Kay bilis ninyong magpalit, parang nagpapalit lang ng tshirt. Ang masaklap pa doon, nakikipagharutan kayo kahit alam ninyong you are still in a relationship." "Aray! Umilag ka Maximus, tatamaan ka." wika ng isang maliit na tinig sa tenga ng binata. "Babae kasi siya. Lalaki ako, it runs in my blood. Privilege ng mga lalaking katulad ko ang pumili ng mga babae anytime namin gusto." komento naman ng ego niya. Ngunit hindi niya isinatinig iyon. Tahimik lamang siya. Maya-maya ay tumayo na ang dalaga at mabilis na isinukbit ang dalang Coach bag. "Where are you?" Nag-angat ng tingin si Maximus. "I'm done. Thanks for the dinner. Mauna na ako." Pilit ang ngiting sagot nito. "Sabay na tayo. I'm done too." wala sa isip na wika ng binata kahit hindi pa nga siya nangalahati sa kaniyang pagkain. Mabilis siyang tumayo at binayaran sa counter ang kanilang kinain. Pagbalik niya ay hinagip niya ang ang palad ng dalaga at sabay silang lumabas ng pook na iyon. Para namang wala sa sarili si Bemery kaya nahayaan niyang mangyari iyon. Pasado alas diyes na ng gabi at halos isang oras na mula nang naihatid ni Maximus si Bemery sa bahay nito ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ipipikit na sana niya ang kaniyang mga mata upang matulog na ngunit bigla niyang naaalala ang mga tagpo kanina sa restaurant. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang mga sandaling hinalikan siya ng dalaga. Sa totoo lang, talagang nagulat siya doon. Without realizing, he smiled. "So, what's your plan now, Max? Wawasakin mo ba for the second time ang puso niya for the sake of revenge and that damn memory card?" The right side of his mind spoked. "Ulol! Hindi ka nga halos maka-score doon dahil may gusto palang iba. Hahaha how can you break her heart na in the first place its not you who owned it. Simpleng logic, pre!" Ang kaliwang parte na naman ng kaniyang isipan ang humirit. Umiiling na bumangon ang binata mula sa kama at lumabas ng terrace. Nabubwisit siya sa kaniyang mga iniisip. Bakit ba ganito kahirap ang misyon niyang ito? Taliwas pala ito sa una niyang akala na napakadali lang gawin. Bumuntung-hininga siya at naupo sa isang bamboo stool doon. Mula sa kaniyang puwesto, natatanaw niya ang bahay ng dalaga, maging ang bintana ng silid nito sa ikalawang palapag. Tulad ng damdamin nito ngayon, madilim at malungkot itong tingnan. Ilang sandali ay muli siyang tumayo at pumanaog sa komedor para kumuha ng malamig na beer. Gusto niyang burahin sa kaniyang gunita ang maya't-mayang pagsulpot ng mga sandaling naglapat ang kanilang mga labi. Natatawa siya sa sarili. Para siyang teenager na ninakawan ng halik at hindi tuloy makatulog. Bumalik siya sa terrace at inaliw ang sarili sa pagtungga ng serbesa mag-isa. "Bemery..." maya-maya'y mahina niyang sambit habang nakatitig sa kawalan. Nasa ikatlong bote na siya. "Makikita ko lang ulit ang pagmumukha ng Jack na 'yun, mas lalo kong papangitin ang mukha ng gagong iyon." Mataas naman ang tolerance niya sa alcohol ngunit parang lango na siya. May kung anong sumisipa sa kaniyang damdamin na hindi niya maintindihan at gusto niyang magwala. Hindi naman siya bayolente kung lasing. Ngayon lang yata talaga ito nangyari sa tanang buhay niya. ----------------------------------------------------------------------------------------- Dalawang araw ang lumipas. Dalawang araw na rin na hindi umuuwi si Bemery sa unit niya. Pumirmi muna siya kina Dorothy total wala naman doon ang asawa nito. Binisita kasi niya ang kaibigan noong isang araw ngunit napagpasyahan niya sa huli na pumirme doon ng dalawang araw. Nalulungkot lang kasi siya if siya lang mag-isa sa bahay. Mas lalong naninikip ang kaniyang dibdib tuwing maalala ang mga nagdaang pangyayari. Noong una, wala siyang balak ipaalam sa kaibigan na nagkrus ang landas nila ni Jack ngunit parang sasabog ang kaniyang dibdib kung hindi mababawasan ang bigat ng laman niyon. Pero hindi kasali doon ang tungkol kay Max. Lingid sa kaalaman ng kaniyang kaibigan ang pagkakakilala niya sa lalaking iyon. As usual, over makareact ang dakila niyang kaibigan at pinagalitan pa siya kung bakit hindi na lang daw siya umalis sa lugar na iyon. Sinabi rin niya dito na may balak daw na makigpagbalikan ang kaniyang ex-fiance sa kaniya dahil nagkamali lang daw siya ng akala. Pinandilatan lang siya ng kaibigan at binantaan pa siya na tutuldukan daw nito ang kanilang pagkakaibigan sa oras na magpapadala na naman siya sa mga di umano'y kasinungalingan ng magaling niyang lalaki. Pero may parte ng kaniyang puso na gustong pagbigyan ang dating kasintahan ngunit sa tuwing maiisip niya ito, biglang sumusulpot ang imahe ng kaniyang guwapong kapitbahay.  Tulad ng mga nagdaang araw, gabi na nakauwi si Bemery ng araw na iyon. May dala-dala siyang backpack na pinagsidlan niya ng mga damit sa loob ng dalawang araw na pagpermi kina Dorothy. Malungkot na binuksan niya ang main door ng bahay at pumasok. Tutungo sana siya sa komedor nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok. Bago pa niya maisip kung saan kaya iyon ay tinamaan na siya sa balikat at napasapo doon. Bigla siyang pinagsakluban ng takot at napayuko siya. Gumapang siya at nagtago sa ilalim ng mesa. Tinakasan siya ng kulay nang makita ang tama niya at ang mga dugong dumadaloy mula doon. Hindi niya napigilan ang mapahagulgol hanggang sa nagdilim na lang ang kaniyang paningin. Ang huling natandaan ng kaniyang pandama ay may mga brasong sumalo sa kaniya. Ang sumunod doon ay hindi na niya alam. ========================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD