Chapter 6

2187 Words
Napatalon si Maximus mula sa terasa ng kaniyang inuupahang bahay patungo sa bahay ni Bemery nang makita ang tatlong armadong lalaki na patungo sa bahay ng dalaga. Madilim na ng mga oras na iyon ngunit nakita pa rin siya ng mga ito at pinaputukan kaagad siya. Gumanti rin siya sa mga ito gamit ang kaniyang dalawang baril ngunit parang may suot yata na bullet proof vest ang mga ito at hindi man lang natakot. Napaisip siya. Isa lang ang ibig sabihin nito, nalaman na ng mga kalaban kung sino ang may hawak sa memory card na hinahanap nila. Lihim siyang napamura nang mabilis na nakailag ang mga ito at hindi man lang natamaan. Mabilis niyang tinadyakan ang bintanang salamin sa gilid ng bahay upang makapasok sa loob. Alam niya kasing naroon na si Bemery dahil nakita niya ito kanina. Nahiwagaan pa nga siya sa sarili noong una kung bakit gumaan ang kaniyang pakiramdam nang makita itong dumating. Nakayuko siyang lumundag paloob ng bahay at bigla siyang napadapa nang magpaulan ulit ng bala ang tatlo. Natagpuan niyang may tama si Bemery sa balikat doon sa komedor at patakbo niya itong sinalo bago mabagok ang ulo nito sa sahig kasabay niyon ay ang pagganti niya sa isang armado na nakasunod na pala sa kaniya. Tinamaan iyon at bumulagta. Dali-dali niyang pinunit ang dulo ng kaniyang tshirt at ginamit ang telang nakuha doon bilang tali sa balikat ng dalaga upang mabawasan kahit konti ang pagdaloy ng dugo mula doon. Pagkatapos niyon ay kinarga niya ito at dali-daling lumabas ng bahay gamit ang pintuan nito sa kusina. "s**t!"  Napamura siya ng makitang lumalakas ang daloy ng dugo mula sa balikat nito. Maging ang kaniyang suot ay puno na rin ng dugo. Doon na siya sobrang kinabahan. Halos paliparin na niya ang kaniyang motorbike na pinapatakbo lamang niya gamit ang kaliwang kamay dahil yakap ng kanan niya ang katawan ng dalaga. "Bem...hold on...please..." Ilang saglit ang lumipas at nakarating siya sa pinakamalapit na ospital. Kaagad na isinugod sa emergency room ang dalaga. Mabilis rin itong dinaluhan ng mga nurses at doctor na naroon ng mga sandaling iyon nang makita ang kritikal na tama nito. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Maximus ng mga sandaling iyon. Naramdaman niyang nanginginig ang kaniyang mga laman nang makita kung paano ito dali-daling kinabitan ng oxygen ng isang nurse na naroon. Maya-maya ay isinakay na ito sa stretcher at patakbong isinugod sa operating room.  "Dok, what is happening?" paasik na tanong niya sa doctor habang tumatakbong nakasunod dito. "Mapanganib ang sobrang pagbleeding ng pasyente mo. Kung nahuli ka lang ng ilang sandali, baka hindi na ito humihinga dahil sa mabilis na pagbaba ng blood oxygenation levels niya."  Parang nabingi ang binata sa narinig. Naiwan siyang natutulala kasabay niyon ang pagsara ng pinto ng operating room. "Sir, dito na lang po kayo." narinig niyang wika ng isang nurse. Nakuyom niya ang kaniyang palad.  Wala sa sariling napaupo siya sa plastic chair na nasa labas ng silid na iyon. Sapo ng kaniyang dalawang kamay ang kaniyang mukha at nakatukod iyon sa kaniyang mga tuhod. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at lihim na nag-usal ng panalangin. "Excuse me sir..." Napapitlag si Maximus nang marinig iyon. Kaagad siyang nag-angat ng tingin at tumayo. "Sir, masyadong maraming dugo ang nawala sa pasyente ninyo. Kailangan na siyang abonohan ng dugo ngayon kaso wala kaming stock ng type A positive eh." "What? Anong klaseng ospital ba 'to?" Humulagpos ang galit ng binata sa narinig. Bigla ang pagsalakay ng kaniyang inis sa tatanga-tangang ospital na ito.  "Baka may kamag-anak kayo sir..." parang naupos ang nurse sa lakas ng kaniyang boses. Hindi sumagot ang binata at sandaling tumalikod. Pagkaraan ng ilang sandali ay humarap uli ito. "Try to check my blood. I am type A. But I am not certain if I am Rh positive." mahinahon niyang wika. "Okay sir. Dito po tayo para ma-screen na natin ang dugo ninyo." Tahimik na sumunod ang binata. In his entire life, first time niyang pumayag na magdonate ng dugo. At take note, hindi niya kaanu-ano ang pagbibigyan niya nito. Is Bemery special to him? Hindi niya masagot ang tanong na iyon. Yumuko na lang siya na parang ewan. Isa lang ang alam niya sa sarili ngayon, he badly wanted to see her. To see her expressive eyes and her warm smile. Pumasok sila sa isang silid na may kung anu-anong mga aparato gamit para sa blood transfusion. Napapitlag ang binata nang kunan siya ng blood sample. Naghintay siya ng ilang minuto doon para sa isinagawa nitong test. "Sir, it's so good. Based on the result, puwede kang maging donor niya." Nakangiting bumungad sa kaniya ang nurse na galing pala sa laboratory. Nakahinga siya ng maluwag. Pinaaalalahanan siya nito bago kinuhanan ng dugo na baka mahilo siya kaya puwede raw siyang mahiga sa stretcher na naroon. Tumango lang ang binata at isinagawa na ang blood transfusion. ------------------------------------------------------------ Marahang nagmulat ng mga mata si Bemery. Puting silid ang nasilayan ng kaniyang mga paningin ng mga sandaling iyon. Bigla niyang naalala ang mga nangyari, kung paano siya tinamaan ng bala nang gabing iyon. Iginala niya ang paningin at dumako ito sa isang lalaking nakahiga sa isang mahabang silya na naroon. Kinusot niya ang mata upang maging malinaw ang mukha ng taong iyon. Nang makilala niya ito, napasilakbo ang kaniyang puso. Nakita niya si Maximus na gulong-gulo ang buhok at nakahalukipkip na natutulog. Napansin rin niya ang isang baril na nakasukbit sa pantalong maong na suot nito. Kumunot ang kaniyang noo sa nakita. Maya-maya ay gumalaw ito at marahang nagmulat ng mga mata. Napabalikwas ang binata nang makitang gising na pala siya. Ilang araw kasi siyang tuliro at nag-aabang sa kaniyang paggising. Lingid sa kaalaman ng dalaga, limang araw na siyang nakaratay doon at sa loob ng mga araw na iyon parang pinipiga ang kaniyang puso sa ewan na dahilan. "Hello." Nakangiting lumapit si Maximus sa dalaga. Mas kakaiba ang dating nito ngayon sa kaniya. Lalo na ang isiping its his blood that runs inside her veins and arteries. It's a feeling of possession. "Hmm...hi!" Ngumiti lang ng matipid si Bemery. May kung anong humaplos sa kaniyang puso nang maisip niyang ito ang nag-alaga at nagbantay sa kaniya roon. Wala naman kasi siyang kapamilya na naroon dahil nandoon lahat sa probinsiya nila. Saglit siyang nag-alala. Alam na kaya ng kaniyang mama at papa ang nangyari? Lihim siyang napausal ng dasal na sana hindi nito nabalitaan ang mga nangyari sa kaniya dahil may high blood ang mga ito. Tiyak na tataas na naman ang mga blood pressure nito. "I'm sorry for letting this happen to you." Nababanaag ng dalaga ang kakaibang emosyon sa mga mata ng binata. "It's not your fault, Mister." aniya at nag-iwas ng tingin. May nararamdaman kasi siyang kakaiba. "Ilang pulgada na lang pala mula sa puso mo ang balang bumaon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung nangyari iyon." Kinabahan ang dalaga sa narinig. Hindi niya alam na ganoon pala kakritikal ang nangyari sa kaniya. Saglit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata upang magpasalamat sa Maykapal. It's her second life. "You are not safe anymore, Bem." "Anong ibig mong sabihin?" Marahang bumuntung hininga si Maximus at ipinamulsa ang dalawang palad bago nagsalita. Nakikita niya sa mata ng dalaga ang pagkalito na nakapagpaalarma sa kaniya. Naisip niyang dapat na niyang ipagtapat dito ang lahat upang maintindihan nito ang mga nangyari at kung bakit siya dumating sa buhay nito. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi nito. He was not aware that he acted like her boyfriend. Never he did that kind of treatment to a woman in his total years of existence. "Bem, the truth is... I am an intelligence police. I mean, I do spying. I am a night-crawler and a gun shooter. Our encounter is not a coincidence. I searched you." It's late when he realized that he was already sharing his biggest secret to this woman. Lahat ng mga babaeng na-link sa kaniya ay nakilala siya bilang isang ordinaryong pulis lamang na magaling sa labanan. Hindi niya kailanman nasabi sa mga ito ang totoo niyang hanapbuhay. "Y-you're a police? What do you mean that it's not a coincidence?" Biglang kinabahan si Bemery sa narinig. Paano kung isa pala itong masamang tao? Sapantaha niya may kinalaman ito sa kaso ng kaniyang pinsan. "I need to get the memory card that your cousin gave to you. 'Yung namaril sa bahay mo, alam ko mga kalaban 'yun. Kaya bilang pulis, kasama sa misyon ko ang protektahan ka." Napalunok ang dalaga sa kaniyang narinig. Bakit ang daming naghahanap sa memory card na iyon? Hindi niya kailanman inalam kung ano ang laman ng bagay na iyon. "W-wala s-sa'kin ang hinahanap ninyo." mahinang wika ng dalaga. "Bem, even how many times na itanggi mo 'yan sa akin, I am certain na nasa iyo ang ang hinahanap ko. But do not mind it for now. Kailangan mo munang magpagaling." Nasa pag-uusap silang iyon nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyon ang hindi nila inaaasahang bisita-si Jack. Nakauniporme ang lalaki at parang galing pa ito sa barracks dahil humihingal. Biglang nagbalik sa alaala ni Bemery ang panahong nagpropose ito sa kaniya. It happened long ago when he came from the battle at Maguindanao. Kilig na kilig siya nang panahong iyon. "Bem!" Kaagad itong lumapit sa kaniya at akmang hahagkan siya sa pisngi ngunit kaagad na ibinalandra ni Maximus ang kaniyang katawan upang maharangan ito. "Putik! Saan ba galing itong gago na 'to? Hindi ba talaga ito titigil?" Umasim ang mukha ng binata at iritadong hinarap ang lalaki at nang nagpupumilit pa rin ito ay agad niya itong sinuntok sa mukha. Muntik nang masubsob si Jack sa puting pader. "Gago ka! Ang kapal mo para magpakita pa rito." Dumagundong ang bulyaw ni Maximus, namula ang mukha nito at nanlilisik ang mga mata. Gulat na gulat si Bemery sa mga nangyari. Biglang umatake ang kirot sa kaniyang dibdib at napahawak siya doon. Mukhang ang dalawa yatang ito ang tutuloy sa naudlot niyang pagkakamatay. "Ano bang problema mo?" Suminghal si Jack at nakabawi rin ng suntok sa lalaki. Tinamaan naman si Max sa labi at doon na napasigaw ang babaeng kanina pa naiinis sa kanilang pinaggagawa. "Kung gusto ninyong magpatayan, umalis kayo dito dahil mukhang madadamay ako." Gumuhit ang mga ugat niya sa leeg dahil sa sobrang inis sa dalawang nilalang. Natinag naman ang mga ito ngunit matalim pa rin ang titig sa isa't isa. "Masyado kasing paki-alamero 'tong isang to eh. Parang sino kung umasta kahit wala namang parte sa buhay ng may buhay." Pasaring ni Jack. Alam niya kasing walang karelasyon si Bemery sa mga panahong ito. Susugurin sana siya ulit ni Maximus ngunit napigilan siya ng dalaga. "Tumahimik ka nga Jack. At ikaw Mister puwede bang lumabas ka muna." pabulyaw niyang wika. Nagulat ang huli sa sinabi niya. Nakita niyang parang nadismaya yata ito. Bago ito lumabas ng silid hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang matalim nitong sulyap sa kaniyang dating kasintahan. Akala niya didiretso na ito sa labas ngunit sumaglit muna ito sa pader at parang may ikinabit doon. Pabalibag na isinara nito ang pinto pagkatapos. Hindi na lang niya iyon pinansin. "Jack, ano bang pinunta mo dito?" mahinang boses ang kumawala sa bibig ng dalaga. "I'm here to explain. Kailangan mong malaman na I was drunk that time at nilagyan pala ng droga ng babaeng iyon ang alak na ininom ko. I was innocent in the whole crime." Ginagap nito ang kaniyang palad ngunit hinila niya. Nagtaka siya sa sarili kung bakit hindi siya nagagalak sa presensiya nito ngayon. Noon gustong-gusto niyang sumbatan ito at gumanti sa sakit na naidulot nito noon sa kaniya. Ngunit ngayon wala ng appeal sa kaniya ang presensiya nito. "So, what do you want me to do? Forgive and forget what have you done?"  "I want to start again. Hayaan mong liligawan kita ulit. Please..." Nagsusumamo ito sa kaniya at akma pang luluhod ngunit pinigilan niya. Hindi siya nagsalita ng ilang minuto. May inabot ang lalaki sa kaniya na isang maliit na kahon ngunit hindi niya iyon tinanggap. "I do not think it would be as easy as what you think, Jack." mariin niyang wika pagkatapos. "Yes! Hahaha" Gamit ang spy audio na ikinabit ni Maximus sa pader bago siya lumabas, dinig na dinig niya through headset ang pag-uusap ng dalawa sa loob. Nakayuko lamang siya noong una at curios sa isasagot ni Bemery ngunit nang marinig iyon ay lumukso ang kaniyang puso. Medyo nacornyhan siya sa kaniyang inasta. Maya-maya ay nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang isang painting na nakakabit sa pader ng pasilyo doon. Lumapit siya doon dahil ilang hakbang lang naman ang layo. It's a woman standing in the hills with a man's eye in the heaven. Humanga siya sa ganda ng painting at napansin niya ang maliit na slogan nito sa ibaba.  "When you like to be with someone without an explanation, it's LOVE." He smiled upon reading it. It appealed to him so corny. However, there was a little truth inside of him that had been reaveled by the quote. Napailing siya. Impossible.  "That's a silly thing." He whispered. Biglang nawala sa kaniyang isipan ang ideyang iyon nang makita si Jack na lumabas mula sa silid ni Bemery. Hindi maipinta ang mukha nito at binalibag pa ang pinto paglabas. Natawa lang siya ng bahagya. "Mabuti nga sa iyo. Ang ganda-ganda na nga ng girlfriend ipinalit pa sa pokpok." Nasiyahan siya sa nangyari dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD