Kumunot ang noo ni Bemery nang tumambad sa kaniyang mga mata paglabas ng ospital ang isang makintab at itim na Isuzu D-max.
"Is this yours?" Binalingan niya ang nakangiting si Maximus. It had been two weeks since she was admitted at sa wakas ay puwede na siyang makalabas ngayon.
"Yeah! Halika na!" Binuksan nito ang pinto doon sa upuan katabi ng driver's seat.
"Wow! May rich friend na pala ako." natatawang wika ni Bemery. Umigting kaagad ang tenga ng binata sa nabanggit ng dalaga. Medyo nainis siya doon. Gusto na yata niyang singilin ito ngayon sa dugong ibinigay niya rito.
"Have you moved on?" Nagulat si Bemery nang tanungin siya ng binata nang nasa loob na sila ng sasakyan. Of all the questions na puwedeng itanong sa kaniya, bakit ito pa?
"Moved on from what?" Nagmaang-maangan pa siya.
"From Jack..." Hindi nga siya nagkamali sa kaniyang hinala na ito nga ang tinutukoy nito. Sa halip na sumagot siya ay isang blangkong mukha ang ipinakita niya rito.
"Thanks for saving my life." Iyon ang mga katagang lumabas sa kaniyang bibig.
"Hindi 'yun libre noh!" Nakangising wika ni Maximus at pinaandar na ang sasakyan. Nakita niya mula sa rearview mirror ang pagkunot ng noo ng dalaga. Natawa siya.
"Joke lang! Pero may hihilingin sana ako."
"Alam mo hindi nakakatawa 'yung mga joke mo. Nakakatakot nga eh. By the way, hindi pa ba tayo aalis?" Kanina pa nagtataka ang dalaga kung bakit hindi pa niya pinatakbo ang sasakyan.
"Aalis tayo pagkatapos nito."
Bago pa ma-absorb ng utak ni Bemery ang sinabi nito ay lumapat na ang mga labi ng binata sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa ginawa nito. Napa-awang ang kaniyang bibig at natulala siya. Kay suwabe nitong humalik at naamoy pa niya ang mabangong hininga nito. She never felt that way when Jack kissed him long ago. There was something in his kisses that fill inside her.
"Hayaan mo lang ako please. I need to confirm myself."
Nilayo nito ng bahagya ang sariling mukha sa kaniya ngunit bago pa niya maintindihan ang mga ibinulong nito ay naipaglapat na muli nito ang kanilang mga labi. Biglang rumagasa sa kaniyang sistema ang kakaibang sensasyon na sa lalaking ito lang niya unang naramdaman. Wala sa sarili siyang napapikit at napakapit sa braso ng binata. Their kiss lasted for a while. Their eyes met when their faces were inch away and her heart beated extra ordinarily. Una siyang nagbawi ng tingin sa binata. Hindi niya kayang makipagtitigan dito ng matagal.
"I think I am certain now." Inilayo na ni Maximus ang sarili at pinatakbo na ang sasakyan. Sinulyapan niya si Bemery.
Nakatuon ang pansin nito sa labas ng bintana sa gilid nito. He smiled. Sa ilang araw na kasama niya ang babae, may nadiskubre siya tungkol sa sarili. In the first place, he was hesitant and doubtful. However, his heart grew fonder every morning she waked up and their eyes met. There was something in him that he needed to verify. And it was the kiss that sealed the fact.
Napakunot ang noo ng dalaga nang mapansin na ibang daan ang tinatahak nila. Hindi iyon papunta sa kaniyang bahay. Nilingon niya ang binata. Nahihiya sana siyang magtanong pero kinakailangan.
"Are we going somewhere?"
Imbis na sumagot, tumango lang na nakingiti si Maximus.
"I think this is not a good idea. I mean, I need to report to the office tomorrow." mahinang wika ni Bemery. Presko pa ang kaniyang operasyon pero kaya na niyang i-handle ang sarili.
Balak niyang pumasok sa opisina bukas dahil ilang linggo na siyang absent at walang ipinasang leave form. Nag-aalala siya dahil baka masisante siya o kaya'y pagalitan ng dean.
"I had talked to your boss. I told him what happened to you. I even let him see your medical records. I filed an indefinite leave on your behalf and they accepted it. Is it not enough?"
Napamulagat ang mga mata ng dalaga sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Tiningnan niya lang ito at hindi niya maiwasang humanga sa lalaki. Ngunit nag-alala siya nang maalala na wala na nga pala siyang savings. Ano ang kikitain niya? Lihim siyang nag-isip.
"You're not safe anymore. Hindi ka titigilan ng mga goons na 'yun hanggat hindi nila nakukuha sa iyo ang memory card." sumeryoso ang mukha ng binata.
"Uuwi na lang siguro ako sa probinsiya namin. Maaalagaan ko naman ang sarili ko dun."
"I will never allow that. Masyado mong minamaliit ang kakayahan nila. Madali ka lang mahanap ng mga iyon dahil marami silang koneksiyon sa gobyerno. They were not some mere criminals. Isa pa, baka madamay ang pamilya mo."
"But I do not know where to stay sa kalagayan ko." medyo tumaas ang kaniyang boses pagkasabi niyon. Parang gusto niyang umiyak. Nagsisisi siya kung bakit tinanggap pa niya ang memory card na iyon. Gulung-gulo na ang kaniyang buhay. Nalilito siya kung babalik pa ba ito sa normal. Tiningnan niya si Maximus na nagmamaneho. Tumahimik ito na parang may malalim na iniisip. Maya-maya'y nagsalita.
"You will stay with me." basag ng binata sa katahimikan. Bahagyang nagulat ang dalaga. Nilingon niya ito.
"Masyado na kitang naabala. Okay lang naman ako. Naniniwala naman kasi ako na kung oras mo ng mamatay. Hindi mo naman 'yun matatakasan." parang kaswal lang na wika niya. Nilingon siya ng binata na magkasulubong ang kilay.
"Are you out of your mind? Kaya nga ako nandito ay dahil sa iyo. This is not because of my duty but because I want it too. From now on, you will not go somewhere without me." Halatang nagpipigil ng inis ang binata. May nasabi ba siyang mali? Bakit biglang uminit ang ulo nito? Ipinilig na lang niya ito sa upuan at ipinikit ang mga mata hanggang sa makatulog siya at dumaan ang ilang mga oras.
"Bem, we're here."
Ang baritonong tinig na iyon ni Maximus ang gumising sa dalaga. Nang magmulat siya, gabi na pala. Napayakap siya sa sarili nang dumampi ang malamig na hangin sa kaniyang katawan. Doon pa niya napansin na nasa baybayin pala sila ng dagat. Dahan-dahan siyang inalalayan ng binata na makababa ng sasakyan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata upang mag-adjust iyon sa dilim. Napansin niya ang isang matandang lalaki na naroon pala.
"Siya si Manong Gusting. Caretaker ng bahay namin doon sa kabilang isla. Iiwan natin sa kaniya ang sasakyan dahil dito lang ang kanilang bahay. Sasakay tayo ng pump boat patawid sa susunod na isla." Napansin ni Maximus na hindi yata rumihestro sa utak ng dalaga ang kaniyang pinagsasabi.
"Are you okay?" tanong niya rito nang makitang tahimik at nakahalukipkip lang ito.
"A-ah, oo. Okay lang ako. Medyo malamig lang." mahinang sagot niya at nakitang kaagad na hinubad ng binata ang suot nitong black leather jacket. Bago pa siya makatanggi, naibalot na sa kaniya iyon.
"Mang Gusting, kayo na po ang bahala sa sasakyan ko. Salamat pala sa pagpapahiram mo sa amin ng pump boat ninyo." nakangiting baling ni Maximus sa lalaki sabay abot ng isang libong pera dito.
"Okay lang iyon, Sir. Hindi pa nga iyan sapat sa pagtulong ninyo sa akin sa panahong nagka-dengue ang anak ko."
"Kalimutan mo na iyon Manong. Teka, may kuryente ba doon ngayon?"
"Oo sir,"
"Sige po, aalis na po kami."
"Ingat kayo sir, payapa naman ang dagat."
Nagpaalam na sila sa matanda at hinagip ni Maximus ang kamay ng dalaga. Marahan niya itong iginiya at inalalayan para makasakay sa pump boat na nakaabang. Pinaupo niya ito sa maliit na kahoy na bangko at sinuotan ng life jacket.
"Sana mali ang kutob ko kung bakit ka mabait sa akin. Bakit kasi naging pulis ka pa?"
Sinulyapan ni Bemery ang mukha ng binata habang abala ito sa pagpapaandar ng makina at iilang mga ilaw. Malaya niyang pinagsawa ang tingin sa mukha at kabuuan nito. He has a square-shaped face with a well-defined chin, pointed nose and a sturdy jaw line that could chisel a granite. His dark deep eyes were small and spaced evenly apart, sitting below his thick eyebrows. He was so masculine in his fitted gray tshirt where his wide chest and firm muscle suspended. She was curious about how it feels to be wrapped by his strong arms in his wide sloping shoulders. Malayong-malayo ang appeal nito sa Jack na una niyang inibig. Macho naman ang lalaking 'yun ngunit manipis ang body built. Hindi katulad nito na mukhang may lahing kanluranin dahil sa likas na laki ng katawan.
"Bem, get ready. Malapit na tayo." wika ni Maximus na nagpapitlag sa kaniya mula sa mga pinag-iisip.
Hindi niya namalayan ang paglipas ng minuto. Tinanguan niya lang ang binata. Ilang sandali ang nagdaan, narating na nila ang isla na sinasabi nito. Katulad kanina, inalalayan uli siya nito pagbaba. Pagkatapos ay itinali ng binata ang pump boat sa isang malaking troso na naroon sa dalampasigan. Nagpatiuna naman sa paglakad si Bemery hanggang nasilayan niya mula sa nilalakaran ang isang malaking bahay na may naka-andar na ilaw sa labas. Pinapalibutan iyon ng maraming ornamental plants at mga palm trees. Bagamat gabi at hindi malinaw ang kabuuan ng bahay, alam niyang maganda iyon.
"This is our ancestral home. Dito ako lumaki." Medyo nagulat ang dalaga nang biglang sumulpot sa kaniyang likuran si Maximus.
"Ah, so nandiyan ba ang mama at papa mo?"
"Wala, nasa kabisera na sila dahil nandoon ang kanilang negosyo. Pinapangalagaan na lang ito ni Manong Gusting. Tuwing pasko at family reunion lang kami nagpupunta rito." Nakangiting wika ng binata habang naglalakad sila.
"Eh ang mga kapatid mo?"
"Dalawa lang kami. I have my sister and she's living in Japan now with her own family. Naunahan pa ako ng bunsong kapatid ko sa pag-aasawa." Marahan siyang tumawa pagkasabi niyon.
"So ibig sabihin walang katau-tao rito?" tanong ni Bemery. Umiling lang ang binata bilang kumpirmasyon.
"Naku, baka haunted na ito. I mean, may mga kaluluwa nang naninirahan dito." Natawa si Maximus sa tinuran niya. Narating na nila ang bahay at may kinuha ang binata sa bulsa niya-ang susi. Pagbukas ng pinto ay tinungo niya ang switch ng ilaw at ini-on iyon. Tumambad sa mga mata ni Bemery ang mga magagarang furniture sa sala niyon. Alagang-alaga ang bahay at hindi man lang yata nagka-alikabok. Kumpleto rin ito sa mga appliances. Napangiti siya.
"Dito namin pinapatulog tuwing gabi si Mang Gusting at ang kaniyang asawa. Libre silang gumamit sa mga kasangkapan dito sa bahay basta panatilihin lang itong malinis. Kaya nga naka-sampung anak sila ng kaniyang misis eh." pilyong sabi ng binata. Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng dalaga ngunit wala siyang planong patulan ang joke nito.
"Sayang ang bahay na 'to kung hindi ninyo titirhan. Napakaganda." wika ni Bemery at naupo sa narra na sofa at ipinilig pa ang ulo.
"Kasingganda mo..."
"Sa palagay ko hindi naman ito masasayang, dito ko balak itira ang mag-anak ko." Hindi makapaniwala si Maximus sa kaniyang sinabi. Ano raw? Mag-aasawa na siya? Hindi naman iyon ang plano niya diba? Umiling ang binata. Natutuwa siya sa kaniyang mga iniisip.
"Sa trabaho mong 'yan, hindi magiging masaya ang pamilya mo." seryoso at makahulugan na wika ng dalaga.
"Bakit mo naman nasabi?" Lumapit siya sa dalaga at ginaya ang posisyon sa pagkakaupo.
"Wala pa kasi akong nakitang masayang pamilya kung ang asawa ay pulis o kaya ay sundalo. Araw-araw lang nababalot ng pangamba."
Nilingon siya ng binata at tinitigan. Nakita nito ang seryosong ekspresyon ng kaniyang mukha. Tumahimik ito at napaisip.
"Bem..."
"Hmm..."
"Malalim na ang gabi. Magpahinga ka na." Tumayo na si Maximus mula sa pagkakaupo at inilahad nito ang kamay sa dalaga.
"Halika, ihahatid kita sa silid mo." Ngumiti si Bemery at tinanggap ang kaniyang kamay at sabay silang naglakad patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Dalawa ang silid na naroon sa itaas. Binuksan ng binata ang silid na nasa sa kanan.
"This is your room. Feel yourself comfortable."
Naroon ang isang king-size na kama. Malambot iyon at parang bagong palit ang bed sheet na bulaklakin. Sa gilid nito ay may antigong lampshade na nakapatong sa maliit na mesa. Sa isang dako naman ay naroon ang isang malaking white cabinet. Napangiti siya nang makakita ng isang lumang radyo doon.
"Ang ganda ng silid. Makakatulog talaga ako kaagad nito." Nginitian niya si Max.
"Nasa kabilang silid lang ako." Nakasandal ang binata sa pinto at nakahalukipkip.
"Sige, Max. Salamat talaga."
"Feeling ko hindi ako kaagad makakatulog ngayon." medyo malungkot na wika ng binata.
"Bakit naman?" Kumunot ang noo ni Bemery.
"Sinabi mo kasing hindi magiging masaya ang magiging asawa ko eh." Bahagyang natawa si Bemery sa sinabi nito.
"Ano ka ba? Maraming babae diyan noh na gustong-gustong makapag-asawa ng pulis." Nakangiting binalingan niya ito at pinandilatan sa paraang nakakatawa.
Tumahimik si Maximus ang tinitigan lang siya.
"Bem... paano kung ang napili kong babae ay hindi pala pinapangarap ang isang pulis? Lumamlam ang mga titig nito sa kaniya.
"Matulog na tayo, Max."
"Bem...sagutin mo ang tanong ko."
"Masyado kang madrama. Alam mo ba 'yun?"
Tinalikuran siya ng dalaga at lumapit sa cabinet na naroon. Hindi niya gusto ang kanilang pinag-uusapan.
"Pasensiya ka na. Kalimutan mo na ang sinabi ko. Good night."
Walang paalam siyang hinagkan nito sa noo at umalis.
==============================