Pagdaan ng tatlong araw ay lumuwas silang dalawa sa isla upang mamili ng mga grocery. Kailangan nilang bumili ng mga pagkain na aabot hanggang isang linggo para hindi na sila lalabas pa. Naroon sila sa isang two-storey convenient store at kasalukuyang namimili ng mga dairy products tulad ng gatas at kape. "Max?" isang lalaking nakangiti ang tumawag sa kanilang pansin na naroon din sa section na iyon ng tindahan. "Geoff, Pare." Kaagad nagkumustahan ang dalawa at inakbayan ang isa't isa. Sa isip ni Bemery ay magkaibigan ang mga ito dahil sa gestures na ipinakita nila sa isa't isa. Ngumiti lang si Bemery at ipinagpapatuloy ang pamimili. "Kumusta ka na? It's been a long time na hindi na tayo nagkita, pare." nakangiting wika ng kaibigan kasabay ng pagkaagaw ng pansin nito nang maglagay ang

