Madaling araw pa umalis na si Bemery sa bahay na iyon. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid dahil baka gising na ang binata. Nang makitang wala namang tao ay mabilis siyang tumakbo patungong dalampasigan at sakto namang may mangingisdang napadaan doon kaya sumakay siya rito upang makatawid sa kabayanan. Binigyan niya ng limang daan ang mag-amang mangingisda nang sumapit sila sa dalampasigan. Medyo madilim pa n'on kaya hirap siyang makahanap ng traysikel. Naglakad na lang siya patungong highway. Nang makarating doon ay may mangilan-ngilan ng traysikel kaya sumakay siya nito at nagpahatid sa terminal ng bus. Naisip niya na kailangan na niyang umalis dahil naibigay na niya sa binata ang memory card. Hindi na siya nagpaalam dahil wala siyang mukhang ihaharap dito pagkatapos ng insidente sa kom

