Chapter 11

2225 Words

Marahas na hinila si Bemery ng isang lalaki palabas sa van na iyon. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga ito dahil may kung anong nasinghot niya kanina na naging dahilan upang mawalan siya ng malay. Nang magising siya, may tali na ang kaniyang mga kamay. Naroon sila sa malaking abandonadong bodega. Kinabahan siya dahil madilim na madilim ang paligid at maraming kahoy ang nakapalibot dito. Ngunit napansin niyang may mahinang liwanag sa loob. Dito kaya dinala si Maximus? Paano kung naloko lang pala siya ng mga ito.? "Bilisan mong maglakad. Huwag kang pabagal-bagal diyan." asik ng lalaking nakasunod sa kaniya. Muntik na siyang madapa dahil may nakaharang pala na kahoy sa daraanan nila. Binilisan niya ang kaniyang mga hakbang. Natatanaw na niya mula sa kalayuan ang bulto ng isang tao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD