Thesis

1386 Words
Bumaba na kami ni Manang Lina for dinner. Kumpleto na ang lahat sa hapag. "Princess, upo ka na di—" Hinde na natapos ang sasabihin ng makita ang mukha ko. "Who did that to you? Veron is it you?" Kunot ang noong tanong ng kanyang kuya sa kapatid. "Oh, ako na naman? I didn't do that!" Ismid nito habang sinasagot ang kapatid. "Kamping kampi ka sa bastardang 'yan, at laging ako ang pinagbibintangan mo. Have you forgetten that I am your real sister here, Kuya?" nakasibangot na dugtong pa nito. "Pareho ko kayong kapatid, Veron! Mom is it you?" lingon ni Vlady sa ina. "She deserved that. Ang landi kasi!" nakairap na sagot ng madrasta. "Masyadong malapit sa mga lalaki, di ako magtataka isang araw uuwi yan na buntis." "Malandi? Ni di pa nga nagkakaboyfriend yan." Pagtatanggol ng kanyang kuya sa kanya. "Stop accusing her because she is not like Veron. She never get out partying unlike Veron, nakakailang boyfriend na, wala namang matino!" "What? Ako na naman Kuya, seriously? Lahat ng lalaki sa campus, syota nyan. She's such a w***e!" maarteng komento ni Veron. "Mom, si Kuya oh, kinakampihan na naman ang bastardang yan. Lagi na lang ako ang masama. Minsan talaga iniisip ko mas mahal mo yang bastardang yan Kuya, kaysa sakin eh!" "Shut up Veron, ikaw nga itong papalit palit ng boyfriend di ba? Hinde naman niya kasalanan na ligawan siya kasi maganda siya at mabait." sabi ni Blake. "Tama na yan, wag kayong magtalo talo sa hapag kainan," mataas na boses ng don. "Naiingayan ako sa inyo kaya tumigil na kayo!" Lahat ay natahimik sa sigaw ng ama ngunit si Veron ay di makapagtimpi. "Daddy naman eh, ako na lang kasi lagi ang dehado dito, hmmmnnnp!" Pagmamaktol ni Veron sa ama na sinasabayan ng pagpadyak ng paa. "Are you okey?" Tanong ni Kuya pagbaling sakin. "Yes Kuya okey lang ako," malungkot na tugon ko. "Who's the guy this time?" "Michael Suarez." Sabi ni Veron. "That good for nothing guy? Di ko yata nabalitaang boyfriend mo yon? Hinde naman siya yung kasama mo last time sa opisina ah." Kunot-noong tanong ni Vlady sa kapatid. "Kumain na kayo!" Muling awat ng ama ng may pagbabanta sa tingin. Nanahimik na ang lahat dahil kundi sila susunod ay malamang na malagot na sila. Iba kasi ang ugali ng Don. Nananakit pag nagagalit. Pagkatapos ng dinner ay dumiretso si ABC sa garden. Dito siya tumatambay sa tuwing masama ang loob. Ibang kasiyahan ang naibibigay ng mga alagang halaman sa kanya sa ganitong sitwasyon. In fairness sa ama niya ay sinusunod naman lahat ng hilig ng bunsong anak. Malaki din ang allowance na pumapasok sa account niya kya kahit paano ay nakakaipon si ABC. Lahat ng halamang gusto ay binibili nito basta may bago. Pinadala niya sa ama ang picture at siguradong ilang araw lang ay dadating na halamang hiniling niya kahit pa hinde sila gaanong nag-uusap lalo sa loob ng mansyon. Para bang ito na lang ang paraan ng ama para makabawi sa anak. Anak na hinde niya mapakitaan ng pagmamahal. Pero sa kabila ng luhong naibibigay ng Don, ang hinahanap niya ay kalinga ng ama, yun sanang maipagtanggol man lamang siya sa anak at asawa nito. Ilan sa mga paborito niyang mamahaaling halaman ay ang: Monstera Deliciosa Albo at Aurea, Monstera Thai Cons, Paraiso Verde, Jose Buono, Tricolor Wave of Love, Variegated Alocasia, Gumamela collections na may iba't-ibang naggagandahang bulaklak, Green Dragon at Fiddle Lime, Silver Sword, Crocodile Tail, Orchids Collection, Ring of Fire at ang variegated na uri nito, Florida Ghost, Mint, Green at Beauty, Eppi Albo, Mint at Auread, Photos Collections lalo na ang Manjula at Marble, Cissus, Brazil at napakarami pang iba. Halos puno na ng halaman ang paligid ng gazebo. Pinagawan siya ng ama ng sariling personal space sa tabi ng kanilang mansyon. Nakabili ang ama ng maliit na lupa sa gilid bahay kung saan may gazebo at sinabihan ng Don ang mag-ina na huwag na huwag papakialaman ang lugar na yon kaya sa takot ng dalawa ay hinde man lang nila nagagawang silipin ang lugar na yon. Isa pa ay walang hilig sa halaman ang mga ito. Wala rin silang kakayahang kumontra sa kagustuhan ng Don. "Princess, kamusta ka?" Nagulat ako sa pagpukaw ni kuya sa pagkatulala ko. "Ano ba nangyari? Kwento na." "Pagdating ko sinalubong ako ng sampal ng mommy mo. Inagaw ko daw yung boyfriend ni Veron, ni di ko nga alam na boyfriend niya 'yon at nakita lang niya na nagdidiscuss kami ng para sa thesis. Presentation ko pa naman bukas, tapos namamaga yung pisngi ko." mahaba kong litanya. "Sorry princess, I wasn't able to protect you." sabi ni Kuya habang tinatapik ako sa balikat. "It's okey Kuya. Not your fault at all naman." "Tara na bumalik na tayo sa loob, baka magkasakit ka e malamig masyado dito." Tumayo na ako at naglakad kami ng Kuya papasok sa bakuran ng mansyon ng magkaakbay. May maliit lang kasing daanan patawid sa kabila. "You know kuya, I am hoping that there will be an opportunity for me to leave this house. This is hell." Naiiyak siya habang sinasabi ito. "Owww princess, don't think about it. Hayaan mo pagsasabihan ko ang mommy." "Baka sayo pa nabunton ang init ng ulo niya kaya huwag na lang. Don't do that ha, hayaan mo na lang." "Don't worry, I can handle that. Mali pa rin ang saktan ka nila." Kibit balikat nalang ang naisagot ko. Dumiretso na lang ang dalaga sa room dahil ayaw niyang makisalamuha pa sa kanila. Maaga na din itong natulog dahil bukas ay kailangan niyang paghandaan ang thesis defend niya... "Mommy, I've heard the bastarda telling Kuya that she wanted to leave the house." Maarteng sumbong ni Veron sa ina. Lingid sa kaalaman ni ABC ay nadinig pala ni Veron ang sinabi nito sa kapatid. "E di mainam ngang umalis 'yan dito dahil hangga't nandito 'yan, 'di ka mapapalapit sa daddy mo, dahil laging siya ang magaling." Natutuwang komento ng ina kay Veron. "E paano ang daddy pag pinaalis natin yan? We both knew that dad will think na tayo ang dahilan." "Gagawa ako ng paraan but while she's here, I'll make her life miserable. Like what her mother did to me." Anas ni Vlessie. SA SCHOOL. Kinabukasan ay maaga siyang pumasok. "Good morning my friend," bungad ni Dexter at Juancho. Sunod na din bumati sina Alvin at Luis. Sila ang mga close friends at classmates ko. Lahat sila ay gwapo at matipuno. Mga campus crushes. "Maiwan ko muna kayo at 30 minutes from now ay magdedefend na ako." "Sige goodluck," sabi ng apat kong tropa. Kinakabahan ang dalaga habang papalapit ang oras pero pinaghandaan niya ito kaya sigurado siyang makakapasa dito. Pagdating sa room ay nandun na lahat ng team mates niya at mukhang siya na lamang ang hinihintay. "Group 3 you may start," announce ng isa sa kanilang professor. "Who will present?" Sa nadinig ay tumayo na ang 5 miyembro at nagsimula ng magsalita ang dalaga. "Good morning everyone, my name is ABC Del Fuego. I am the group representative and we will be discussing the Modern Architecture." panimula ng dalaga. "Modern architecture is the architectural design which was characterized by an analytical and functional approach to building design. Buildings in this style are often defined by flat roofs, open floor plans, curtain windows, and minimal ornamentation, It is also also called modernist architecture, was an architectural movement and style that was prominent in the 20th century." Kasabay ng discussion ay ang slide na ginawa ko ng ilang araw. Mahaba haba din ang naging discussion. "Very well done, Ms. Del Fuego. You may leave now, group 3." Paglabas ko ay naghihintay na ang tropa. "Ano? Let's celebrate?," tanong ni Dexter. "Celebrate? eh di pa natin alam result," sagot ko. "Ay sus si ABC Del Fuego babagsak? No way! Malamang ikaw pa ang highest score n'yan." Pagmamalaking sagot ni Luis. "Tara na nga," nakangiting sabi ng dalaga. "Treat n'yo ko." Mabuti naman at hinde sila nahirapan masyado dahil wala naman masyadong tanong. Sa kanilang apat si Dex ang pinakaclose ni ABC at pinakamabait; si Cho naman ay makulit at mapang alaska; si Alvin ay womanizer at si Luis na my dimple, ang matalino at masipag. Kaya balance ang pagkakaibigan nila, iba ibang ugali pero binabantayan ang bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD