bc

The Bastarda and her Dominant Boss

book_age18+
933
FOLLOW
3.7K
READ
one-night stand
HE
heir/heiress
drama
assistant
like
intro-logo
Blurb

Sa murang edad na 21, si Anna Blaire Clarisse Del Fuego ay naghanap ng kalinga at pagmamahal na hindi niya matagpuan sa sariling pamilya. Anak sa labas ng architecture magnate na si Don Sebastian Del Fuego, si Anna ay magna c*m laude sa Bachelor of Architectural Design. Upang makalaya sa madrasta, pumayag si Anna sa partnership deal sa Monteza Grand. Sa di inaasahang pagtatagpo nila ni Blake Desmond Montez, isang CEO na may galit sa pamilya Del Fuego, nasira ang kanyang plano. Ngunit sa gitna ng kanilang labanan, natuklasan niya ang isang lihim na maaaring magbago ng lahat. Handa na ba siyang harapin ang katotohanan, kahit pa ito'y magdudulot ng matinding gulo sa kanilang buhay?

chap-preview
Free preview
Villa Del Fuego
ABC Del Fuego "You're such a disgrace to this family, you b*tch!" Isang malakas na sampal ang nagpabiling ng mukha ko. Ito yung pangkaraniwang linyahan ng mag-inang Vlessie at Veron sa mansyon ng mga Del Fuego. Sa lakas ng pagkakasampal sa akin ng aking madrasta ay halos matanggal na ang aking mga ngipin. Normal na sakin ang namumura at nasasampal niya. Si Mommy Vlessie ay hinde ko tunay na ina, asawa siya ng aking papa, ang legal na asawa, at ako, ay sampid lang sa pamamahay na ito. "Ano po bang kasalanan ko, Mommy?" Halos maiyak na ako sa pagkagulat. Sobra sobra ang pagpipigil ko na tumulo ang aking luha dahil ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kong isipin nilang mahina ako, dahil kailangan kong maging matatag. "Aba't pa inosente ka pang malandi ka! Ano kunyari wala kang alam, ganun ba?" Nanggigil na sabi ni mommy Vlessie kasabay ng pamumulirat ng mata. "Sige Mom, give her the lesson she deserve! Mang-aagaw yan. She's a w***e!" Galit na galit din ang half sister kong si Veronica. Si Veron ang pangalawa, mas matanda siya ng dalawang taon sa akin, at ni minsan ay hinde ko siya naging kakampi bagkus, numero unong kaaway ko sa buhay. Hinde ko naramdamang naging ate siya sa akin kaya hinde ko rin siya tinatawag na ate. "Ano bang nangyayari Veron? Di ko kasi maintindihan," naguguluhang tanong ko. "Stupida! pagkatapos mong agawin si Michael na boyfriend ko, tsaka ka magmamaang maangan? You dare to deny it, huh?" Maarteng tanong ni Veron. "Michael Suarez? My groupmate? We just discussed our thesis. It's a group project Veron. What's the matter with that?", ganting tugon ko. "What's the matter? Aba't talagang pinaninindigan mo?" Inis na inis si Veron at halatang pigil na pigil akong sabunutan. Huwag niyang subukan kasi hinde ko siya uurungan, hmmmnp! "Mommy, hinde po totoo yon!" sabi ko kay Mommy Vlessie. "Inahas mo ang boyfriend ng kapatid mo! Wag ka ng magpa awa effect dahil hinde tatalab sakin yan!", bulyaw nito. "Wala po akong ginagawang masama Mommy, groupmate ko lang po siya." Pakkkk, isang sampal na naman ang inabot ko. Ganoon naman lagi, wala akong boses sa bahay na ito. Unlimited ang sampal at pananakit nila sakin at hinde pinapakinggan ang katwiran ko, at hinde inaalam ang totoo. "Nakipagbreak sakin si Michael dahil sayo." Hiyaw ng galit na galit na si Veron. "Bakit kasalanan ko? Baka naman ayaw na sayo?! Di naman siya nanliligaw sakin, at kung sakali man, wala akong balak sagutin siya. Hinde ko siya gusto. Di ko rin alam na boyfriend mo siya! Di ba yung anak ni Kapitan ang boyfriend mo?" mahabang litanya ko. "Ano na naman ba yan?" sigaw ng aking amang si Don Baste. "Ito kasing bastarda mo napakalandi, inahas ang boyfriend ni Veron! Si Michael Suarez na anak ng isa sa ating mga stockholders." sagot ng Mommy Vlessie. "Pa, believe me, I didn't do anything, I don't know what they are talking about. Michael is not my friend. He is just my classmate and my thesis partner," pagtatanggol ko sa sarili. "Hinde ko naman po mapipili kung sino ang ipapareha sayo dahil nagbunutan kami, even sina Dex ay hinde ko po kagroup." "Tama na yan!" maawtoridad na saway ng ama. "ABC go to your room at ayusin ang sarili mo para sa dinner!" Tanging tango na lang ang naisagot ko sabay takbo paakyat ng kwarto. Pagsarado ng pinto ay nanghihina akong napasandal at kusang nahulog ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Lecheng buhay to, parati na lang ako, ako, ako na walang kamalay malay." Gigil na sabi ko sa harap ng salamin sa loob ng banyo habang patuloy pa ring naglalandas ang aking luha. Siya si Anna Blaire Clarisse Del Fuego, the only beautiful daughter of an Architect magnate Don Sebastian del Fuego ang nagmamay-ari ng Del Fuego Construction Firm. Isang Architechtural firm na itinayo ng kanyang mga magulang nuong 1970 sa maunlad na Lungsod ng San Antonio na nakakasakop sa bayan ng La Esperancia. Ang La Esperancia ay hango sa pangalan ng kanyang Lola Ezperanza. Ipinangalan ang bayan sa kanya sa dami ng kanyang nagawang pagpapaunlad dito. Si Don Baste ay may lahi ding Americano kaya maganda ang kutis nitong mamula mula pag naiinitan. Iba ang ganda ng dalaga, at ang kutis ay porcelana, minana niya sa inang may Spanish Beauty: meztiza, matangos ang ilong at maninipis na mga labing hugis puso. Her almond shaped and amber color eyes are so expressive, yun bang titigan mo lang siguradong mapapa-ibig ka na. Ang mga buhok ay makakapal ang strand, mahaba, makintab at bagsak na bagsak na kahit hinde suklayin ay kusang umaayos. The only beautiful daughter, kasi panget naman si Veronica, yung bang kailangan pang um-effort ng todo todo para gumanda kant na makinis naman siya at kayumanggi ang balat katulad ng kapatid niyang si Vladimyr. Pareho silang nagmana sa ina na lehitimong dugong Pilipino, moreno ang kutis. Malayong malayo talaga sa features ng dalaga sa mag-iina kaya halata talagang hinde siya nito kapamilya. She is on her 4th year in college while Veron is on the 2nd dahil nakailang lipat ito ng kurso. She is taking up Architechtural Design while Veron is an Engineering student pero laging pasang awa. Nauna na itong kumuha ng Accountancy ngunit 1st year pa lang ay bumagsak na, kaya huminto at tumigil muna ng isang taon. Si Veron ay mahina ang ulo: tamad mag-aral, a very happy go lucky who doesn't care about the future, just spending money on expensive clothes and bags. ABC on the other hand is very simple, na kinakainggitan at kinabubwisitan ng nadami, lalo na ng mga classmate na babae dahil halos lahat ng lalaki sa campus ay napapaibig sa kanya, kahit wala siyang gawin. Paano pa pag nangitian ka, makalaglag brief ang beauty niya. Ang kanyang ganda ay nakakahalina kaya ang mga classmate nyang babae ay may natural na galit sa kanya. Idagdag pa ang bilugang katawan, maubok na dibdib at bewang na kitang kita ang korte. May mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Puro lalaki ang kanyang mga kaibigan, kaya malandi ang tingin sa kanya ng halos lahat ng tao. Anong magagawa ko kung ayaw ng gurls sakin? I will not waste my time on them kahit na may ilang nakikipagkaibigan dahil lang sa intensyon na mapalapit sa mga barkada ko, katwiran ni ABC sa sarili. Umiiyak ito habang naliligo sa banyo, or rather hagulgol sa sama ng loob. What did I do to deserve this? Pinipilit kong ipakita na hinde ako ganoong klaseng tao, ngunit kahit anong gawin ko, iisa ang tingin nila sakin, malandi, pokpok, mana sa ina. Alam naman niyang hinde siya tanggap sa bahay na to. Tanging si Kuya Vlady niya lang ang nagturing bilang pamilya. Siya ang panganay na anak at currently employed na din as Engineer ng kumpanya, ang Del Fuego Construction Firm. Mama, napakadaya mo at iniwan mo ko agad mag-isa! Ayon kasi sa kwento ay namatay ang kanyang ina sa panganganak. Napakasakit para sa kanya na sa kabila ng lahat ng ginagawa niya, ay di pa rin siya naappreciate ng ama. She doesn't failed. Madalas pa nga ay nasa highest honor ito, valedictorian at ngayon ay dean's lister sa college pero ni minsan hinde umattend ang daddy niya sa mga recognition at graduation upang magbigay parangal sa kanya. Umiiyak pa rin ang dalaga hanggang makatapos maligo at inaayos ang sarili sa harap ng salamin. Pagod na akong umiiyak—ahhhhh, sabi ng naghuhumiyaw niyang isip. Maya maya pa ay may mahihinang katok sa pinto. "Hija, halika na kakain na." Bukod sa kapatid ay si Manang Lina na lang din ang kanyang kakampi at nahihingahan ng sama ng loob sa tuwing masasaktan. "Huwag ka ng umiyak!" "Manang," maluha luha kong sabi. "Hussssh, hija tama na at baka mapasukan ka pa ng daddy mo at masermonan ka lang ulit! Tanan na anak." Sa narinig ay pinunasan ko ang luha at ng kumalma ay sumama na siya pababa para sa hapunan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook