Napahawak ako sa noo ko. "W-wait, si Nolan? Bagong general manager?" "Yes, Innah. Kay Sir Hugo mismo nanggaling no'ng palabas siya kanina dala ang mga gamit sa box…" Huminto siya sa pagsasalita nang may kumausap sa kanya. Hindi ko masyadong mabosesan 'yong babae pero narinig kong tungkol sa forms. After I heard some paper rustling, Rolly got back in the line. "Sorry about that. So, 'yon… sinabi niyang ang papalit sa puwesto ay si Sir Nolan. Hindi ko lang alam kung nakapag-usap na sila kasi wala pa naman siya rito." Napakunot ako ng noo. "Wala si Nolan diyan? That's impossible, kaninang umaga pa siya pumasok." "You mean you're in Sir Nolan's place?" Dinig ko ang tukso sa boses niya kaya biglang uminit ang mukha ko. "Nevermind na nga. Sige na, bumalik ka na sa trabaho at ako na lang

