Work loads were as heavy as usual the next day I went to office. Pero kahit gaano ka-busy ang mga empleyado, hindi makakatakas sa kuwentuhan nila sa breaktime ang biglaang pag-alis ni Sir Hugo. Medyo nakakahinga ako nang maluwag dahil hindi nadadawit ang pangalan ko sa kanya. Kung hindi, madadamay ang reputasyon ko at ang pangalan ni Ate Rizah. Pero kahit gano'n, nag-aalala pa rin ako ngayon. Nolan was in the meeting room with the FlexiRadix's owners. Kaharap niya ngayon ang mga big boss namin upang salain siyang mabuti. Ano kayang nararamdaman niya? Kinakabahan kaya siya? Ano kayang mga tinatanong sa kanya? Ginigisa na kaya siya? Isipin lang ang mga 'yon, parang gusto ko nang maihi sa kaba. Pero kahit biglaan ang pagkakaturo kay Nolan, alam kong kayang-kaya niya. He had an amazing h

