Kabanata 2: Mistaken

972 Words
Bago ako lumayas, tinapunan ko pa ng matalim na tingin si Sid. "Good luck na lang sa 'yo, 'babe'. Hindi mo alam kung ano ang pinakawalan mo." Humugot ako ng limang piraso ng one thousand peso bill saka taas-noong tumalikod. Halos mabutas ang sahig habang padabog akong naglakad palabas ng bar. I was like swaying and constantly bumping into some strangers walking into the bar. But then my drunken ass didn't care a damn. Kasalanan nila kasi humaharang sila sa daanan gano'ng ang luwag naman! "Ano ba'ng ginawa ko? Ano ba'ng hindi ko ginawa? Bakit niya ako niloko? Kailan pa niya ako niloloko." I recognized that the defeated voice belonged to me. Napasabunot na lang ako nang tuluyang makalabas sa bar. Doon lamang tumulo ang masagana kong mga luha. Napaupo ako sa tabi ng daan na para bang sanggol na nasa sinapupunan. Hindi ko alam kung saan hinugot ang tapang kanina. For God's sake, wala pa nga akong nasasampal sa tanang buhay ko. Pero napagtanto kong nag-iiba pala ang tao kapag nasasaktan, kapag nadedehado. "Uy, Innah!" Narinig kong tumawag mula sa likuran si Betty. Hindi ako lumingon, bahala siya. Masyado pang masakit ang mga paa ko para kumilos. Pero hindi hamak na mas masakit ang ego ko at ang puso ko.  "Ano ka ba, girl. Tumayo ka nga diyan! Para kang tanga." Hinila ni Betty ang braso ko ngunit mariin akong tumanggi. "Ayoko nga! Nahihilo kaya ako,"  reklamo ko. Lalo pa akong nahilo nang paulit-ulit akong umiling. "Paanong hindi ka mahihilo, eh, nilaklak mo ang iniinom nila. Daig mo pa 'yong mga lasinggero sa loob. Hindi ka naman sanay." "Oo na! Kasalanan ko na! Nagpakatanga talaga ako kaya hindi ko alam matagal na akong niloloko!" angil ko. "Pero gusto ko nang umalis sa impiyernong lugar na 'to kaya umuwi na lang tayo kung puwede lang." Bumuntong hininga si Betty. "Fine! Dito ka lang, okay? Huwag kang magpapasagasa. Pupuntahan ko lang 'yong kotse," ani  Betty at umalis na. Ilang saglit lang at nakarinig na ako ng makina ng sasakyan. I sighed heavily and raised from the ground. Binitbit ko ang handbag at heels. Nang huminto at bumusina sa harap ko ang kotse, saka ako pumasok sa loob. "Doon tayo sa bahay mo, Betty. Ayoko munang umuwi kasi mahahalata ni Ate na waisted ako ngayon. At kung puwede, 'wag mo na rin akong sermunan. Kesyo hindi ako nakinig sa 'yo no'ng sinabi mong niloloko lang ako ni Sid. Okay na. Tanggap ko na tanga ako at nagpapauto lang sa gagong 'yon. Basta, just zip your mouth. I've had enough for this night." Lalo akong nanghina sa mahaba kong speech na wala man lang tugon.  Sabagay sinabi ko nga palang zip her mouth. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa driver's seat at sumandal na lang sa kinauupuan ko. Nakadungaw na lang ako sa bintana kahit wala naman akong tinatanaw. Kahit ilang kilometro na ang layo namin sa bar, hindi pa rin nabubura sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Nasa likod pa rin ng mga mata ko ang larawan ni Sid at Tisha na naghahalikan habang ang malikot na kamay ng nobyo… I mean ex ko ay pumapasok sa ilalim ng napakaiksing palda ng pinsan ko. Tumulo na naman tuloy ang mga luha ko. Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko na parang bomba na gustong sumabog sa loob ng katawan ko. Now I was suffocated. Tila lumiliit ang malawak na espasyo sa loob ng sasakyan.  "Stop!" Kung hindi ako naka-seat belt, siguro'y tumama na ang maganda kong mukha sa dashboard dahil sa lakas ng pagkakapreno. Hindi ko tuloy napigilan na tumalak kay Betty. "Bakit bigla kang nagpreno? May dumaan bang white lady?" Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi si Betty ang nasa driver's seat. "S-sino ka?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmasid ako sa paligid. Great, it was not even Betty's car!  Ganoon ba ako kalasing? Na ang tingin ko kay Betty ay isang matipunong lalaki na nakasuot ng magara at pang-geek na salamin? Kailan pa naging kamukha ni Betty si Clark Joseph Kent?  "Ikaw, sino ka?" Napanganga na lang ako nang marinig ang buo at mababang boses ng lalaki. Hindi dulot ng kalasingan ang nakikita ko. The driver was really a man, a gorgeous man to be exact! "Bakit... bakit ikaw ang nagdi-drive? Nasaan si Betty?" Napahawak ako sa knob na tila anumang oras ay handa akong tumalon palabas. I froze as the man stared at me intensely. Kahit na nakasalamin siya, kitang-kita ko kung gaano katingkad ang mala-tsokolateng kulay ng mga mata niya. His lips that pressed into a thin line suggested that either him hadn't anticipating the situation, yet I couldn't help but gaze back at him as if I was being hypnotized. "Ikaw itong pumasok sa kotse ko na parang magnanakaw, tapos ikaw pa ang magtatanong kung sino ako?" pag-uusisa niya. I saw the white of his knuckles as he gripped the steering wheel. Hala, ginalit ko yata siya! Idinaan ko na lang sa paglulon ang pagkataranta ko. Paanong nangyari ito? Nagka-memory gap ba ako at hindi ko napansing sa ibang sasakyan ako napadpad? Nasaan na ang loka-loka kong kaibigan? Kinidnap ba siya ng guwapong lalaking ito at isiniksik sa trunks? Ako ba ang isusunod niyang iligpit? "Um… wait lang po, mister." I gave him an awkard smile. Bago pa mapunta kung saan ang praning kong pag-iisip, kinapa ko ang cellphone sa bag. Naka-off pala ito. Nang buksan ko ang phone ay muntik namang mahulog dahil kaagad itong tumunog. I immediately punched the answer button since I knew it was Betty. My ringtone for her was personalized to the tune of Barbie Girl. Tumingin ako sa lalaking nakasimangot. Siguro hindi lang niya type ang ringtone ko.  "Betty, nasaan ka ba?" tanong ko at dumungaw sa bintana, makaiwas lang sa nakapapasong tingin ng katabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD