Kabanata 3: Confided

1033 Words
"Hoy! Ikaw ang nasaan na!" I moved the phone away from my ears for a while. Hindi pa ako handang mabingi. Nang sigurado na akong kalmado na ang loka-loka, muli kong idinikit sa tainga ang telepono. "I don't know, okay? Napagkamalan ko sigurong kotse mo ang huminto sa tapat ko kaya sumakay ako agad. Hindi ko naman expected na may sisingit na sasakyan bago ka dumating," paliwanag ko at muling tumingin sa lalaki. Kung titigan siya ako, parang gusto niya akong kainin nang buhay! Bumuntong-hininga si Betty. "Naku naman, girl. Mamamatay ako sa pag-aalala sa 'yo. Alam mo ba, bumalik pa ako sa loob para hanapin ka? Tinanong ko pati ang bouncer kung nakita ka niya. Kung hindi nga ako galit kay Sid, pati siya inusisa ko na." "Iyon ang huwag mong gagawin, Betty! Baka lalong mag-celebrate si Tisha. At baka isipin ni Sid na napaka-loser ko dahil hindi ko matanggap na break na kami." I gritted my teeth. Napahampas pa ako sa salamin ng bintana. "Oo na. Pero nasaan ka nga? Alam mo ba? Sa sobrang desperate ko, muntik na akong tumawag ng pulis. Hindi kasi kita matawagan. Laging sinasabi, 'out of reach.' Ngayon lang nag-ring ang phone mo." "Eh kasi nga, ngayon ko lang binuksan." Sumilip ako sa labas. Lubos ang pagtataka ko dahil napakaraming mga gusali. Para bang bumalik ako sa building namin. Hindi ko tuloy napigilan na tanungin ang katabi ko. "Nasaan na ba tayo, mister?" "BGC," the man responded as he continuously tapped the steering wheel. "Dito ako nakatira." "Ano?" Halos lumuwa ang mga mata ko. "Bakit mo ako dinala rito?" Kumunot ang noo ng lalaki. "'Hindi ba sabi mo na uuwi ka sa bahay ko? Kaya heto." Bumuka ang bibig ko ngunit wala akong nasabi. Hanggang sa muling magsalita si Betty sa kabilang linya. "Uy, mukhang nasa mabuting kalagayan ka naman ngayon. Fine, hindi na kita gagambalain pa. Mabuti 'yan at nang makalimutan mo ang hayop na 'yon. Sige, balitaan mo na lang ako bukas. Byebye!" "Teka, Betty. Wait!" Halos lantang gulay na sumandal ako sa upuan nang ibinaba ko ang cellphone. Pero doon ko napansin kung gaano kaganda ang interior ng sasakyan ng lalaki. Parang pinakabagong modelo ng sports car ngayon. Ang guwapo at ang sexy lang ng disenyo nito... parang iyong nagmamaneho lang. "So what now? Sigurado ka pa rin bang sasama ka sa 'kin?" Sumulyap siya sa 'kin at bahagyang ngumiti. "I'm Nolan, by the way." Pati name niya, ang sexy. "My name is Innah," tugon ko. "Innah," he repeated in a low tone. Bakit gano'n? Ang sarap sa pandinig ng pangalan ko kapag siya ang nagsabi.  "So, are you really sure na sasama sa 'kin?" muli niyang tanong habang nagpapaliko sa isang malawak na kalye.  I bit my bottom lip. Hindi puwede. Hindi ko naman siya kilala para sumama ako sa kanya. Pero sa isang banda, hindi pa ako handang magkuwento kay Ate. Tiyak hindi niya ako papatulugin hanggang hindi ko sinasabi lahat. Ayoko pa namang pag-usapan muna ang tungkol sa walang-hiyang iyon. "Um… yes?" Matapos mag-isip nang ubod lalim, tumango ako kay Nolan. "Can I stay in your house for this night?" He smiled again. A killer one. The next thing I knew, we were standing in front of his condo unit. "Pasok ka." Humakbang ako sa loob ng condo unit ni Nolan na parang napapaso sa lamig ang mga talampakan ko. Hindi ko na kasi sinuot ang heels sa pag-aalalang baka matumba lang ako gayong ramdam pa ng sistema ko ang alkohol. After Nolan switched on the lights, I narrowed my eyes. Pero nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha nang maka-adjust ako sa liwanag. The living room was spacious and stylish. Kulay abo, itim at puti lang ang mga kulay na bumubuo sa sopa, sahig, at mga estante. Ang TV na nakadikit sa pader ay halos kasinlaki ng pinto. The whole living area was so manly and sexy. Again, just like the owner itself. "Umupo ka muna," alok ni Nolan na agad ko namang sinunod. "Kukuha lang ako ng maiinom." Gusto ko sanang tumanggi pero nawala na siya sa paningin ko bago pa man bumuka ang bibig ko. Ayoko na kayang uminom. Kung daragdagan pa ang alcohol content ng katawan ko, baka magliyab na lang ako kapag lumapit sa kalan. Ilang sandali lang at bumalik si Nolan. May hawak siyang dalawang tasa ng tsaa. I sighed in relief. Mabuti naman at hindi alak.  "Heto, maganda 'to para mabawasan ang kalasingan mo. Pagkatapos puwede ka nang humingi ng pagkain." "S-salamat," nahihiya kong tugon habang inilalapat sa mga labi ko ang mainit sa tasa. Nang mailapag ko ito sa center table, muli akong tumingin kay Nolan. "I feel so guilty dahil inaway kita kanina. I'm so sorry. Kasalanan ko kung bakit ako napunta sa kotse mo. Tapos ngayon, iniistorbo pa kita dito sa bahay mo." Nolan frowned on the other side of the couch. "It's not a big thing. Saka wala ka namang madi-disturbed dahil wala naman akong kasama." Pinahapyawan ko ang nakapaligid sa akin. "Mukha nga. Kasi lalaking-lalaki ang dating ng bahay mo. Kung may asawa ka or anak, dapat may nakadisplay man lang na flower vase or laruan," komento ko. Ngunit may isa pa akong napansin. Bakit walang naka-display na family picture? Sigurado namang may pamilya siya, hindi ba? Puro mga painting lang ang nakadikit sa mga pader. Anyway, hindi na ako nag-abala pang itanong iyon. Hindi naman kami close. He was still a total stranger to me. I took another sip of tea. Mukhang nakatulong nga ito dahil ramdam kong kumalma ang mga ugat ko. Pero kahit hindi ko sinasadya, muli na namang nagpakita sa isipan ko ang larawan ng naghahalikang si Sid at Tisha. Parang may tumusok na malaking karayom sa puso ko. Hindi ko namalayan, humihikbi na pala ako. "Gano'n ba talaga ang mga lalaki? Hindi ba sila mapakali sa iisang babae lang? Hindi ba talaga sila nakakaramdam ng pagmamahal at gusto lang gawing laruan ang mga babae?" Napatakip ako ng bibig at tumingin kay Nolan. s**t, nakalimutan kong lalaki rin pala ang sinasabihan ko. "I'm so sorry, Nolan. Sobrang sama lang talaga ng loob ko kay Sid. Siguro mukha akong kawawa sa paningin mo ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD