Kabanata 4: Playroom

1047 Words
Nolan sighed. Ganoon na lang ang gulat ko nang tumabi siya sa 'kin. "Please stop saying sorry from now on, Innah," wika niya at dumapo ang mahabang braso sa balikat ko upang akbayan ako. "May karapatan kang masaktan. About your question - No. Hindi lahat ng lalaki ay katulad ng boyfriend mo. Kaya nga next time, ang mga katulad niya ang dapat mong iwasan. At kung may dapat kaawaan, siya iyon dahil pinakawalan ang isang babaeng kagaya mo." Lumuwag ang dibdib ko sa mga salita ni Nolan. Napangiti tuloy ako nang tumingin sa kanya. "Thank you, Nolan. Although I think, hindi ako karapat-dapat sa papuri mo dahil hindi pa naman tayo magkakilala." Nolan chuckled. "Let's get to know each other, then." Dahil sa pagngiti ni Nolan, lalo ko tuloy napansin ang hindi maipaliwanag na karisma niya. Parang tuwing susulyap ako sa kanya ay lalo siyang nagiging guwapo. Nakakalasing din ang pabango niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nagtiwala agad sa kanya. Maybe because he was like a total opposite of my jerk ex boyfriend. Tumango ako. "Sige. So, saan ako mag-uumpisa magtanong?" Matagal na nag-isip si Nolan bago sumagot. "I know. Ipapakita ko na lang sa 'yo kung sino ako," he said and rose from the couch. Inabot niya ang kamay ko upang alalayang tumayo. "Saan tayo pupunta?" Itinuro ni Nolan ang isang pinto na malayo sa amin. Nang nasa tapat na kami nito'y nakangiti siyang binuksan ito. "This is my playroom," sabi niya at hinila ako sa loob. I was hesitant at first. Ibang playroom kasi ang nasa isip ko — iyong may mga higaan, kadena at latigo.  Ngunit ganoon na lamang ang pagkamangha ko nang tumambad sa akin ang mga gadget. May malalaking monitor na nakadikit sa pader, mga sound system at ilang piraso ng keyboard. The vast playroom was also lighted by blue ang violet LED strip lights. Parang nakapasok ako sa virtual reality. Bukod dito, sa divider ay nakapatong ang mga action figure ng Marvel characters at Star Wars. May life-sized robot pa ni Iron Man na ang kamay ay nakatapat sa direksyon namin. Of course, I knew these things. Avid fan lang naman ng Marvel ang walong taong gulang na pamankin kong si Tony, ang anak ni Ate Rizah. "Oh. My. God." Tulala akong napaupo sa tapat ng monitor. I ran my fingers through the dustless and spotless counter, making me smile. Parang wala na akong gustong malaman pa tungkol kay Nolan. Just by showing the playroom, I knew him already. Naku lang talaga, kapag nakita ito ni Tony, siguradong hindi na iyon aalis sa kuwartong ito kahit kailan. Habang abala ako sa paghanga sa kabuuan ng playroom, bigla akong napaisip. "Sandali…" Tumayo ako at tumingin kay Nolan na nakahawak sa sandalan ng inupuan ko. "May game ka ba ngayon?" "Yes. Pero may bisita ako. The game can wait." "Oh, my God." I chewed her bottom lip. "Naku, Nolan. Hindi ko alam. I'm so so—" "Ooops!"  To my surprise, my words were blocked when Nolan strode to me and pressed his finger on my lips. "Hindi ba sabi ko, 'wag ka nang magso-sorry? Sige, kapag narinig ko pa 'yan, hahalikan na talaga kita." Hearing that from Nolan took me off guard. Biglang uminit ang pakiramdam ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Was it possible? Gagawin ba talaga ni Nolan iyon?  Ibinaba ni Nolan ang kamay niya at nalilitong tumitig sa 'kin. "Hey, okay ka lang ba? Bakit hindi ka na makapagsalita?" Napakurap ako. "Oh! Hindi. Wala. I'm sorry, Nolan. Bigla ko kasing..."  Shit! Nolan raised his brows. "Innah, I really want to kiss you. So, don't challenge me. I admit, nairita ako kanina no'ng pumasok ka sa kotse ko. But I got to understand you because you're so in pain. Kanina pa kita gustong bigyan ng comfort pero hindi ko alam kung paano. But maybe, just maybe a kiss can do the magic." "Fine, kiss me," Wala sa loob kong tugon. Wait, what? Saan nanggaling iyon? Huli na para bawiin ko pa. Because, as if my weak words were his cue, he wrapped his strong arms around my body, molding his chest to me. Then he crushed his lips against mine. I, on the other hand, parted my lips for his hot tongue to taste me.  I felt my nerves were tingling, making me confused at the same time excited. Hindi ko alam kung dahil ito sa alcohol o sa sariling libido na kanina ko pa pinipigilan. Ngunit ngayo'y nagpapaubaya na ako.  Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Kaka-break pa lang namin ni Sid. Bakit parang tinatamaan na ako sa lalaking hindi ko lubos na kilala? Gusto ko mang bumitiw, parang ayaw naman ng katawan ko. Lalo na nang maglakbay ang mga kamay ko sa likod at buhok ni Nolan. Mayamaya'y tumulo ang mga luha ko at napahikbi pa sa loob ng bibig niya.  He pulled away when he realized I was crying. "What's wrong. Am I too rough on you?" "Ginagawa mo ba sa 'kin 'to dahil iniisip mong bayarang babae ako?" I didn't want him to think that I was a vulnerable mess. Hanggang ngayon, umiiyak ang puso ko dahil kay Sid. Pero wala akong ibang gusto ngayon maliban sa kalimutan ang lokong ex ko sa anumang paraang posible.  Nolan's brows furrowed as he brushed my cheeks with the inside of his hand. Ipinikit ko naman ang mga mata ko at dinama ang init ng haplos niya. Nakakagaan ng loob. Kung hindi lang estranghero ang kaharap ko, maniniwala na talaga akong may pakialam siya. "I'm doing this to get rid of your agony, Innah. I want to take your pain away," bulong noya sa tainga ko. Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Nolan sa 'kin. "Pero hindi kita lubusang kilala." I could hear the protest in my voice. Pero iba ang gusto ng katawan ko.  "Oo, pero ako ang nandito. Ako ang tinakbuhan mo. Ako ang kasama mo. At naniniwala ako na ako lang ang sagot sa kalungkutan mo."  Hindi ako nakaimik nang bigla niyang sakupin ang mga labi ko. I knew that Nolan was right. I needed him right now. Wala akong karanasan sa ibang lalaki maliban kay Sid, pero sa ngayon, ang magandang estranghero na ito ang kailangan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD