Hindi ko alam kung bakit inimbitahan pa ni Ate Rizah si Nolan sa hapag-kainan namin. Dahil ba ito ang unang pagkakataon na may naghatid sa 'kin matapos kong makipaghiwalay kay Sid? Pero habang naghahanda kami sa kusina, tinanong ko siya kung bakit. Sabi niya, gusto lang daw niyang kilatisin ang bago kong manliligaw. "Ate, hindi ko siya manliligaw, OK? Pinandilatan ko siya ng mga mata habang hawak ko ang mga plato na kamuntikan ko pang mabitiwan! "Nagkataon lang na naroon siya habang papalabas ako ng building. Kaya 'yon, nagmagandang loob siyang ihatid ako." Ayokong magsinungaling or magtago ng detalye. Pero kung sinabi kong ako ang nag-interview sa kanya at magsisimula na siya bukas, Baka lalo siyang magduda. Ang malala pa, Kapag nalaman niyang naangkin na ako ni Nolan, baka habulin niy

