Kung anuman ang nakikita ko sa monitor, mas masahol pa sa e-mail na nagka-cancel ng deal. Ilang beses kong binasa, makasiguro lang ako na hindi ako namamalik-mata. Pero kapag bababa na ako sa huling linya, talagang 'yon pa rin ang nakikita ko! Napasubsob ang ng ulo sa table. I was always obedient of the company's policies and never bad mouthed against any of its programs. Pero ang pagsusuot ng kung anu-anong damit sa Halloween Parties ang pinakasusuklaman ko. Pakiramdam ko nababawasan ang dignidad ko. Feeling ko lang naman 'yon. Pero wala akong magagawa kundi makisama na lang gano'ng hindi puwedeng mag-autopass. Ano ba naman ang isang araw ng kahihiyan sa loob ng isang taon? However, this was the worst costume I'd ever gonna wear. Mas maayos pa noong mga nakaraan na ang bihis ko ay Pr

